Thursday, June 23, 2011

Ang Bisita


Matingkad pa rin ang amoy ng bawang sa aking mga daliri. Ang dami ko kasing tinadtad kahapon dahil sa natoka sa aking garlic prawns para sa maliit na handaan sa bahay ng aking pinsan. Pagkadating sa kanila, dumiretso ako sa kusina para ilapag ang mga sugpo at ibang sangkap na aking lulutuin.

Nadaanan ko ang mga batang naglalaro sa sala, kasama ang isang binatang ngayon ko lang nakita. Tinanong ko ang aking pinsan kung sino ito. Anak daw ng kaniyang katulong. Makikituloy sa kanila habang naghahanap ng trabaho. Likas na maawain si insan. Manang-mana talaga sa aking nanay.

Habang nagluluto, di ko mapigilan ang magsalita. Kilala ba niya ito. Alam ba niya kung mabuti itong tao. Di dapat iniiwan ang mga bata dito. Wala silang kalaban-laban. Baka hindi rin magsumbong ang mga ito kapag ginawan ng masama. Natigilan ako nang mapansin kong napakalakas na pala ng boses ko.

Tahimik lang akong pinagmasdan ng aking pinsan. Hinango ko ang mga luto nang sugpo mula sa palayok at naghugas ng kamay sa lababo. Pero kahit anong kuskos ng sabon ang gawin ko, kahit gaano karaming tubig ang ipangbanlaw ko rito, talagang malakas pa rin ang kapit ng amoy ng kahapon.

photo from here

13 comments:

bien said...

it's quite understandable not to trust a stranger

*this entry, this experience, it's a bit sensitive, something that most of us might have chosen to keep private. that's brave of you (unless i got it all wrong of course)

^travis said...

garlic prawns. sarap!

how do u get rid of the unpleasant smell of garlic? rubbing your fingers on something that is stainless steel will do the trick.

if only this would work in getting rid of unpleasant memories of the past, too! time would be your stainless steel. in due time, even memories fade.

paci said...

may hidden story dito ah..

Spiral Prince said...

haaaaay, kuya sean. you did it again. galing galing talaga ng mga metaphors mo. did something bad happen to you in the past ba, kuya? did it involve a stranger?

Anonymous said...

:D

ganun talaga Sean. may mga taong nahihirapang maka get over.

katulad ko! :D

anyway, kapag malakas ang kapit ng bawang sa kamay, ipahid mo lang sa kahit anong stainless steel. mawawala yan :D

hehehe

egG. said...

d ko nagets... hmmm bakit naman kaya ayaw mo dun sa lalaking anak ng katulong??? baka naiingget lang ke pinsan char! hahaha :D yummy siguro lol :D joke lang..

honestly di kko siya nagets lol :D

Unknown said...

Mag sulat ka nalang ng novel books Pareng Sean.. Galing Galing!

Unknown said...

isang mkahulugang post muli, kung anuman yung pinaghuhugutan i hope na maayos at masettle na bro..

Mikel said...

first time here, and this is good writing, the metaphors and all. :)

V1nC3 said...

Kanina ko pa hinahanap yung "LIKE" button!!! Nice nice~~ =)

Anonymous said...

there's something behind the metaphor kuya sean...

Sean said...

@bienvenido_lim: thank you bien. you got it right. sometimes i sound crazy, but i still can't trust strangers esp. if there's underage relatives of mine around.

@^travis: thanks for the tip! didn't know it was that simple. i do hope they fade in time.

@paci: haha. meron nga...

@spiral prince: yes, sp. a long long time ago. my parents were kind and trusting with people, even those not related to us. i am always overprotective of the children around me.

@mr. chan: oo nga, minsan it still haunts you... and thanks for the tip! ganun lang pala kasimple yun!

@egG: hahaha. kung walang mga bata around me for which i feel overprotective baka pwede :)

@tim: ay! thanks kumpareng tim.

@keatondrunk: maraming salamat kd.

@mikel: thanks for visiting mikel. appreciate your comment. will also visit your blog.

@v1nc3: awww, salamat vince.

@kuya kyle: hey musta na. oo nga meron...

JEROME said...




IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY

GALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB TEXT UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY

NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGTETEXT NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...