Tuesday, June 21, 2011
Uncut
Affected ako. Iba kasi pag napansin mo ang iyong unang uban, o kung medyo umurong na ang iyong hairline. With these physical changes, you can come across a little wiser, more distinguished. Pero ang biglaang untamed growth ng iyong kilay, iisa lang ang ibig sabihin. Matanda ka na.
Hindi ko alam ang gagawin. Pag ginupit ko ba o binunot ang strays, lalo itong hahaba at kakapal? Summer pa naman dito. Ayokong umahon sa swimming pool na may kailangang hawiin from my face apart from my bangs! Hindi ko rin kayang i-brush up lagi at magkunwaring ganun kababa ang aking hairline.
Kinatok ng asawa ko ang pinto ng banyo. "Sandali lang!" kako. Bahala na kung isipin niyang nagme-Mary Palmer ako sa loob. I had to check thoroughly. Wala pa namang gray sa aking balbas at bigote. Ok, wala rin sa kili-kili at dun sa ibaba. Biglang bumukas ang pinto habang mukha kong kinukutuhan dun ang sarili ko.
"You ok? Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya sa akin. Wala na akong choice kundi i-explain sa kanya ang aking kababawan. Tulad ng inaasahan, natawa lang siya. Kumuha siya ng suklay at maliit na gunting sa drawer and with a snip, ginupit ang aking problema.
Tinapik-tapik niya ang aking pisngi, habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako sa kaniya. "O bukas kulot at pedicure naman ha."
photo from here
Labels:
adik,
growing old
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Cute! You're asawa as always, knows how to be the best knight in shining armor for you. :)
I'm just in my early 20's pero napapansin ko na din yang mga yan. Lalo na't dinadagsa na ako ng mga uban. Waaaaahhh!!! Haha!
napaka-apt ng tag na adik, kuya sean. :p
and just like that. problem solved.
ang sweet nyo
*may halong inggit*
ang sarap kaya pag may nagtatanong sa yo ng: "You, ok?" arrggggh.
The most daunting of the growing old signs..
At least, may asawa ka naman, na sweet. :)
the best part is you grow old together
sweet
Hahaha!
i'm envious!
:)
kilala ko yung isang actor, si thomas price, half chinese half british na artista from hongkong
@louie: oo nga. buti na lang nang di ko na siya pinuproblema hehe. oh no! bata ka pa louie, pero proud ako when i had my first ubans nung mas bata ako haha.
@spiral prince: adik nga hahaha! wala pang tinitira sa lagay na yan. nagagawa nga naman ng insomnia minsan hehe. hey, just read your entry. i hope you're ok.
@orally: oo nga. simple lang pala solusyon, and i lost sleep over it. haha thanks bien.
@^travis: hahaha oo nga. wag lang yung nakakatakot yung pagkakatanong.
@the green breaker: yeah. bushy eyebrows ba naman na ako to begin with. hahaha oo nga sweet siya. minsan.
@lonewolf: that's so true! and ikaw na talaga ang expert sa asian cinema. gwapo siya for me.
@ms. chuniverse: hi ms. chuni! i hope it's really you, not your copycat. joke!
hehehe...
madami namang pangkulay ng buhok jan malamang,. :D
i know you have enjoyed ur life lalo na may asawa ka na ngaun :D
Buti na lang di kami genetically-predisposed na magkaroon ng white hairs sa pagkabata. Hehehe.
Pero naman, kung ang kapalit ng white hairs ay ang magkaroon ng asawa kagaya nung sayo, Sean, aba, kukulayan ko na ng puti ang buhok ko. Hehehe.
buti ka pa may taga-trim ng mga unwanted hair. ang hirap kayang gawin niyon sa sarili. pareho tayo ng dilemma, kung bubunutin ba o gugupitin. hehe! :)
habang binabasa ko 'to nakahawak at sinusukat ko ang aking noo. haha! Pero sa tingin ko wala naman nagbago...same with your husband, hidni pa rin siya nagbago sweet pa rin.. ahii
haayyyzzzzz... nakakaingget yun lang... buti ka pa me kasama ka ng tumanda... yun lang....
inggit lang ako sa kasweetan nyo...
buti na lang di pa ako tinutubuan ng mga puting buhok... pero siguro malapit naaa... huhuhuhu... hehehe
How sweet! Growing old and together. Inggit much!
dati nagbabayad pa ako ng tig-piso bawat uban na mabunot ng mga pamangkin kong mga batutay. Minsan, nagpabunot ako and gusto nila sila lahat bubunot! Ang lagay palulugi ang isa? HIndee! SO bawat isa may tsani ang mga hunghang. Una enjoy ako...then Hala!!!!! Andami! Mamumulubi ako! Sabi ko, enough na, Tito is poor na...Hahahaha...
hahahha... ang cute lang...
Ang sweet lang ah.
hehehe we have to embrace the fact that we're getting old...its not something we should be ashamed of...well,atleast thats for me hehhe.
'Hongkyutkyot' niyong dalawa!
@mr. chan: oo marami, pwede ring pink kung gusto hehe. thanks mr. chan. oo enjoy naman.
@juan der last: buti pa kayo. ay hahaha!!!
@aris: oo nga ang hirap gawin sa sarili. di ko alam kung saan ipupusisyon ang kamay at gunting hehe. di bale sabihan kita kung kumapal siya hehehe.
@iamallan: hahaha ang bata mo pa kaya! ay oo sweet pa rin naman hehe.
@egG: ay sa kapuproblema mo araw araw niyan, tutubuan ka nga hahaha! jk!
@blakrabit: i hope nga tumagal pa :)
@mr. g: naku, buti di nila inubos ang buhok mo mr. g! hahaha!
@kikomaxxx: salamat batman.
@xall perce: thanks xall.
@mac callister: that's true. teka. bata ka pa ata di ba :)
@v1nc3: hahaha! thanks vince.
how i wish someone's there to snip my worries away like that...
Post a Comment