Saturday, June 25, 2011

Basa


May butas ang bubong, ngunit huli na ang lahat. Walang tigil ang buhos ng ulan sa labas. At nagsimula nang pumatak ang tubig sa gitna ng sahig. Kumuha siya ng tabo upang sahurin ang tumatagas mula sa itaas. Tak! Tak! Tak! Tunog ng kanyang pagbagsak, sabay sa pagpatak ng bawat segundo sa orasan.

Mahimbing ang mga bata at ang ibang kasambahay. Ngunit di siya makatulog. Malamig ang panahon, pero mula noong isang taon, hindi na niya nakuhang antukin pa sa hele ng ulan. Hindi siya nagsasalita. Parang may hinihintay. May kinatatakutan. Unti-unting napuno ang tabo, hanggang sa ito ay umapaw.

"Sandali, ibubuhos ko lang ang naipong tubig sa lababo."

Sinundan ko ng tingin ang umapaw na tubig. Dumausdos ito sa gilid ng tabo at dahan-dahang gumapang. Pilit tumatakas palabas. Hanggang sa mapansin ko ang mas mabilis na pagdaloy mula sa ilalim ng pinto. Nagmamadali. Mabilis na tinawid ang buong lawak ng sahig. Hanggang ang dalawa ay nagpang-abot.

"Huwag na. Gisingin na natin sila."


photo from here

7 comments:

Spiral Prince said...

ikaw ba yung bata kuya, sean? naalala ko rin dati ganyan ang ginagawa namin pag umuulan. may butas kasi ang bubong nang dating inuupahan namin sa caloocan noon. tapos dadami pa yung mga surot kinaumagahan. mabuta na lang di kami masyadong binabaha don. :(

Mugen said...

Balang araw, hihiramin ko ang istilo mo ng pagsusulat. Heheh.

glentot said...

Ang galing nito Sean, binasa ko twice. Sana mapublish kahit sa school organ man lang hehe

bien said...

Bumabaha?

Anonymous said...

chong idol talaga kita sa mga ganitong concept... nakakainggit :)

Anonymous said...

ang ibig sabihin ba neto ay sinalo na niya lahat ng problema? hehehe

lalim, kelangan ko ng scuba gear para sumisid pa. LOL

very nice :D

Sean said...

@spiral prince: binaha kami sa marikina spiral. ang hirap di ba? kahit na hindi pa binabaha, takot ka na.

@mugen: aww, thank you mugs! sobra akong nahipo.

@glentot: thank you din glentot :)

@bienvenido_lim: yup bien. katakot.

@kikomaxxx: naku maraming salamat batman!

@mr. chan: thank you mr. chan!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...