Friday, June 17, 2011

*Hugs*


Ilang araw na akong hindi mapakali. Ilang gabing walang tulog. Tinatamad gumalaw, kumain, maligo o mag-blog. Walang ginawa kundi ang humilata sa kama at mag-TV series marathon. Dinatnan ako ng aking asawa sa bahay kagabi na humahagulgol sa isang episode ng Fringe.

"O, bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Nalungkot lang ako dito sa TV show na pinapanood ko," ang sagot ko.

"Anong klaseng show ba yan?"

"Sci-fi."

"Sci-fi? Eh bakit ka umiiyak?"

Oo nga naman. Kaya naman pala napapadalas ang aking mga panic attacks, shortness of breath, at malakas na pagkabog ng dibdib. Sumemplang na naman siguro ang timpla ng aking mga hormones. Huwag naman sana akong tubuan ng dyoga at urungan ng lawit dahil sa imbalance na yan.

Humiga siya sa kama at inakap ang aking likod. Yun bang sa sobrang higpit, hindi ka na makagalaw. Ramdam ko ang init-lamig ng kanyang hininga sa aking batok at ang ritmo ng kanyang dibdib sa aking likod. Hanggang sa unti-unti akong natutong sumabay dito, bago tuluyang kumalma at nakatulog.

21 comments:

Ms. Chuniverse said...

Ingggetttttt!!!!! :)

Mugen said...

Sana okay ka lang Sean. =) Nga pala, tatlo pa lang nagsasabi na hawig ko nga yung boylet sa picture. I think sa akin yung mata. Hahah.

c - e - i - b - o - h said...

sana maramdaman ko rin ang init-lamig ng kanyang hininga,, hirap din kasi ako makatulog eh..


such a sweeeet person...

^_^

lonewolf said...

nilalangam kayo sa sweetness

^travis said...

natulala lang ako sa pic. walang ma-comment na relevant. landi lang. hahahaha

Spiral Prince said...

at ako ay nakarelate na naman, bilang OC lang. hahaha. I think may hormonal imbalance din ako o sadyang...OA magisip/OC. hehe

egG. said...

ang sweet lang.. kaingget.. hayyy laypp... sana maranasan ko yan kahit 1seconds lang... lols... heheheh....

stay sweet with your hubby koya sean :)

린코 said...

dying of envy here... but oh, im already married to science and research. i shouldn't get jealous :|

ZaiZai said...

sweet :)

Xall Percé said...

I like Fringe and all the weirdness in it. And about the hormones... what if another experiment yan ni Dr. Walter Bishop...

Akoni said...

aayyy bakit natulog nalang? hehe

doc ced said...

o bakit nandyan ang pic ng kakambal ko? :P


can't help but be jealous of you and your asawa. naks!

orally said...

Oh no menopause! Seriously hope everything is well with u sean and hugs to the guy in the pic hehe

tim said...

Anu plang dram yan Sean? hehehehe.. Kumusta ka na ba ngayon? Sana maging okay ka na parekoy.. At ang kyut nung nasa picture.. Woot woot!

Viktor Saudad said...

di pa ko naiyak sa harap ng ibang tao...lalo na ng mga nakadate or nakarelasyon ko.

may paniniwala kasi ako na kapag iniyakan ka ng boyfriend mo harapan, dapat break-up na. haha! silly me, pero pinaniniwalaan ko to. Kung iyakan ako ng isang guy, more reason to break it up with him.

Pero iba ung pag-iyak sa mga teleserye ah. hehe

Nimmy said...

Awwwwwwww. Ang sweet naman. Namiss ko tuloy ang Pasig days namin ni mahal. Awwwwwwwwwwww.

Viktor Saudad said...

nga pala...may kakaibang kiliting dala yung litrato.
pati rin ung kwento. :)

imsonotconio said...

whos that guy ang CUTE!!!!!!!!!

Sean said...

@ms. chuniverse: ay hahaha! thanks ms. chuni.

@mugen: thanks mugs :) naku, kung tatlo na nagsabi nun ibig sabihin there's some truth to it. e di lahat ng makakasalubong ko kailangan ko pang titigan ang mata bago tanungin kung siya si mugen. baka masapak ako niyan hehe.

@ceiboh: aww thanks kiko. yeah he's sweet :)

@lonewolf: hahaha! ang patay na ipis di matamis pero nilalanggam din.

@^travis: hahaha kalandi-landi ba siya hehe.

@spiral prince: hahaha! hay pareho tayo. oa nga akong mag-isip minsan hehe.

@egg: naku salamat eg. sana nga laging sweet...

@nikki: hey there! long time no hear. how have you been?

@zaizai: thanks zaizai :)

@xall perce: i looove fringe! did you see the white tulip episode? and yeah, pwede ngang pinag-eexperimentuhan ako. sana magka-powers din :)

@akoni: hahaha nabitin. di bale gawan ng part 2 hehe.

@doc ced: ay e di triplets pala tayo hehehe. aww, thanks doc.

@orally: that could be it hahaha! thanks, bien. sige i'll hug him for you. hug lang? :P

@tim: haha oo nga eh! ok naman na thanks. haha mabenta yung pic ha hehehe.

@viktor saudad: haha oo nga. ang babaw nung pag-iyak sa tv show na yan dyahe. talagan mabenta yung pic ah hehehe.

@nimmy: aww, ading nalungkot ako nung nabasa ko yun pero happy naman dahil sa inyong date. hi to leo and enjoy your date this weekend!

@imnotsoconio: ay hahaha!

Anonymous said...

Sean sya ang asawa mo?

- Adam

Kuya Kyle said...

:)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...