Wednesday, November 2, 2011
Chismosa
Nag-dinner kaming magkakaibigan and as usual, mga babae ang bumangka sa usapan. Siyempre, topic ng mga chismosa ang buhay ng may buhay. Asawa daw ni #1, may kinakasamang #2 na kaibigan din namin. Di nila maintindihan kung bakit sumama yung pangalawa at paano ito natanggap nung una.
Tahimik lang ako. Sobra na kasi sa opinyon. Mas marami pang nakahaing panghuhusga kaysa pagkain sa mesa. Pero di rin ako nakatiis na di bulabugin ang usapan ng mga laking madre. "Ano ang mali? Tanggap nilang tatlo ang sitwasyon. At sa huli, wala sa kanilang tatlo ang naiwang mag-isa."
Tulad ng inaasahan, ako na ang kinuyog ng mga self-righteous bitches. Sinimulan na nilang i-analyze ang aking buhay mula childhood. Mali ata ang strategy ko. Mas lalo tuloy umingay. Kaya't muli akong humirit, "Teka. Di ba last year, katulad niyo ring mag-isip si #1 and #2 sa mesang ito?"
At sa unang pagkakataon nang gabing iyon, kami namang mga lalake ang bumangka sa usapan.
photo from here
Labels:
friendship,
life,
love
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
Yun lang! haha ang tao nga naman, kay bilis makalimot.
hahah bow down ako sa katalinuhan mo boss :)
Ilang isda naman ang nahuli sa bibig ng mga muher?
Ayus!
JJRod'z
Hahaha minsan mas mabuti talagang makinig na lang pag ganito ang usapan. Haha.
hey sean,
more than the blogpost, i love the late night alumni... u have very good choice of music...
hope to see u round here in china
-suzhouren-
Frequently, people easily finds fault on others.
Majority of those, forgot that they also had those dark secrets.
Minsan talaga masarap ibalik yun sa kanila so they could eat their words. hahaha
ahahaha.. at least, nagkaroon ng pagbabago..
it's fun observing people chatter about other peoples dirty laundry - parang sa moment kasing yun ang perfect perfect nila :)
self righteous bitching is a sin. lol!
thanks for all the comments. much appreciated.
Post a Comment