Wednesday, November 16, 2011

Labo Ba


Pumasa naman ako sa subject na Physics noon, kaya alam kong may kaayusan ang mga bagay sa mundo. Na kapag inihagis ko pataas ang hawak kong bagay, babagsak din ito pabalik sa lupa.

Ewan kung weird lang ako, pero iba dito ang pananaw ko. Sa akin, kapag may ibinato ka pataas, di talaga ito natitinag mula sa kaniyang kinalalagyan. Ikaw at pati na ang buong mundo ang siyang nalalaglag pababa.

Labo ba? Sige eto pa isa.

Kapag ang tangan mong bagay ay iyong binitiwan at bumagsak, Ang totoo niyan ay ito ang kumalas sa iyo. At imbis na ito ay malaglag, ang mundo ang siyang umangat hanggang lumapat ang sahig dito.

Weird ba? Iba rin kasi ang sitwasyon ko nung dating pinag-isipan ko ito.

Noon ay pilit kong sinasabi sa aking sarili na hindi ako ang ibinato't itinapon, kundi siya ang nalaglag. Na hindi ako ang binitawan, kundi ako ang kumalas. Na ang mundo ko'y umaaangat na, kaya ako nasubsob. Dahil kailangan ko noong maniwala na may kaayusan pa rin ang aking mundo.

photo from tumblr.com

12 comments:

rudeboy said...

The world is full of absurdities, Sean, and we are hard-wired to find meaning amid it all.

Sometimes, the fictions we create help us to cope with the burden of absolute truths we can't forever deny.

Then again, there's something to be said about defying gravity every once in a while.

Blakrabit said...

Is this about that EX again? OMG, you haven't moved on from him yet?!? Looks like a lot of loose ends needs tying.

Ang OA lang ng reaction haha. But seriously, if that is about your ex, you have to deal with him ASAP.

Anonymous said...

i open a can and worms with wings fly from it...

memories. now you see them, now you dont. problem is, they are just there, lurking. hiding.


-the geek

Kiks said...

everything is sublime hence psychologists developed sublimation.

why i said that? i don't know.

we have our own ways of defining our realities and it is just a matter of writing it down and making everything we write believable or almost real.

Mac Callister said...

hmmm...interesting thought sean :-)

egG. said...

lalim di ko nagets... puro question mark lang ang aking utak....

Anonymous said...

hmm in layman's term kung di ka na kuntinto at kailangan mong magexplore eh di kumalas kung di naman siya kuntinto at ikaw ang naiwan eh di move on... ma physics man yan o emotional struggle basta kung sino ang kumalas may iiyak talagang luhaan.. siguro pride nalang ang bumubuhay nito para makapagsimula muli... ahahaha...

ZaiZai said...

I get your POV on this post Sean! malinaw sya sa akin, hindi malabo :)

Anonymous said...

musta kuya sean? :)

i still visit here kahit di na ako active mag-blog. still di ka parin nagbabago. humuhugot lang ulit ako ng inspiration kaya nagcomment ako para makabalik narin sa blog world.

as usual di ko gets to. pero theory ko lang siguro ay yung ego mo. may tendency ka siguro na pinipilit mong tama ka sa lahat ng bagay. hula lang yon, hindi ako nagiging judgmental sa sinabi ko. peace!

:)

c - e - i - b - o - h said...

isang nakakagimbal at nakakapag-isip na entry ito.. nag-iisip ako sa mga nabasa ko pero parang mababaliw lang ako..

pero sa tingin ko e maniwala dapat tayo sa kung anu gusto natin paniwalaan dahil sa tingin naman natin e un ang tama and could least, make us sane..

:)

JJ Roa Rodriguez said...

Nag isip ako infairness... Like it tho! Challenging... Hehehe!...

JJRod'z

Orange said...

Ilang beses ko itong binasa, sana naman tama ang pagkakaintindi ko sa kanya. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...