Saturday, November 26, 2011

Siwang


Dati nang blocked ang Blogger site dito sa China. Hindi rin pwedeng ma-access dito ang seansdirtylaundry.blogspot.com at ang mga sinusubaybayan kong blogs. Buti na lang ay may nabuksan dating back door via HK ang aking asawa.

Pero sampung araw na mula nang naisara ang dating siwang kung saan ako'y sumisilip. Hanggang ngayon, di ko pa rin makita and mga blog na aking binibisita. Sumubok rin akong mag-post by e-mail kahit na di ko alam kung kakagat ito't mababasa.

Para kang nagsusulat nang walang tinta. O kaya'y nagkukuwento nang di naririnig ang sarili mong tinig. Kahit na ang sinabi mo siguro'y may kabuluhan, ang pakiramdam mo'y wala rin itong katuturan. At eto ang isa ko na namang pagpukol sa kawalan.

photo from tumblr.com



7 comments:

Leo said...

Ah! That sucks. Hindi ba gumagana ang mga proxies like proxify.com?

Akoni said...

ha? bakyyeetttt???

ZaiZai said...

haggard naman! sana makakita ka ng bagong siwang :)

Mac Callister said...

aba nakakgulat naman at blocked diyan ang blogger,buti pa dito sa middle east ay malaya naman kami nakaka blog...

citybuoy said...

So that explains that last post. I hope you find a good proxy soon. :)

Gaspard said...

have you tried alwaysonpc.com? I use that all the time and its very effective. you just need to register and download something. its safe and quick :)

c - e - i - b - o - h said...

ang hirap nman nun... para ka ngang sumusulat sa kawalan...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...