Tuesday, September 20, 2011

Phad Thai


"Takbo Sean! Tangina! Bilisan mo't magtago ka!" sigaw ko sa aking sarili.

Kumaripas ako palayo. Hinawi ko ang mga kamay na pilit na kumakapit sa akin. Kaliwa, deretso, kanan. Di ko alam kung saan ako susuot. Nagkubli ako sa dilim. Humihingal. Pakiramdam ko'y sasabog ang aking dibdib.

Malas! Gusto kong i-umpog ang ulo ko sa pader. Unang beses kong pumasok sa ganitong lugar. Nangibang bansa pa ako nang magkalakas loob. Pero hanggang dito'y meron pa ring nakakilala sa akin.

"Wag kang matakot. Sa atin-atin na lang ito," bulong ng aninong katabi ko.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Buti na lang at napigilan kong magmura. At sa kapiranggot na natitira ko pang presence of mind, pilit ko pa ring itinuloy ang aking pagkukubli.

"Sawasdee krub," matipid kong sagot sa kaniya.

"Aw c'mon, Sean. Look around you. Tayong dalawa lang ang tuli rito. Anyway, see you back in the office," ang sabi niya bago siya lumayo. Dali-dali akong nagbihis at bumalik na sa hotel.

Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa sa opisina. Tulad ko, nagtatago rin siya. Sikreto ko'y mismong sikreto rin niya.

- = o 0 o = -

"Alam mo ba kung sino ang nagladlad na sa Amerika?" tanong ng kaibigan kong babae sa dinner namin kaninang magkakabarkada. Nangilabot ako sa isinagot niyang pangalan.

Halos isang dekada na ang nakakaraan mula nang gabing iyon, ngunit bigla ko pa ring gustong kumaripas ng takbo at magtago sa dilim. Buti na lang dumating ang waitress at naputol ang usapan. Inilapag nito sa mesa ang inorder kong Phad Thai.

"Kop khun kha," ang wala sa sarili kong nasambit sa kaniya.

photo from here

19 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

I love this one... Buti na lang wala akong itinago. Mula ng dinala ako sa ballet school ng ako'y 4yo pa lamang. Madali kong nailabas ang tunay na ako. Hehehe...

Nice one Sean!

JJRod'z

Leo said...

Come out, come out, wherever you are. LOL. :)

ZaiZai said...

kala ko mga fans ang mga humawak sayo sa umpisa ng kwento mo, di pala :)I'm sure madami ng nagbago since then.

egG. said...

ayyyyy!!!!!! nasa kabinet ka pa pala koya seaaannn........

galing magtago ha... heniwey... kung san ka na lang po masaya.... :)

Kiks said...

oh you revealed yourself... to the waitress.

:-)

Kiks said...

and yes, i love the title. very apt.

dario the jagged little egg said...

Ahihi! I can relate to this post, lang beses na nagyari sakin ang mga eksenang nahuhuli hehe : )

Juan der Last said...

Siguro nga, time is a factor. Had you asked me around 10 years ago, there would be no way in heck na mapapaamin mo ako.

Pero ngayon, nakakapagod na rin magtago (minsan). Kaso, wala naman nagtatanong, so walang kailangan itago. Hehehehe.

Siguro, one of these days, magdadala na lang ako ng boyfriend, for full dramatic effect. ;)

bien said...

phadthai kang bata ka hahaha
at ngayong out na sya, malamang sa alamang i-a-out ka na rin nya sean lol

Spiral Prince said...

Everything about that guy on the pic screams, "Come and catch me!"

Do you think it's a sign, kuya sean?

Mugen said...

Lagi kong sinasabi, darating ang panahon at lalabas rin tayo. :) It's inevitable. It's part of our evolution. :)

citybuoy said...

How curious. :)

imsonotconio said...

hehehhe

Mac Callister said...

i love this post!!!

naramdaman ko ang takot mo,grabe...pero matapang ka para malampasan ang araw araw na nakikita siya haha

TAMBAY said...

walang dapat itago :)

ano't man, lalabas pa din ito. maaring sa hindi sinasadyang pagkaktaon..

magandang araw po

Ryan said...

He'll respect your discreetness, I hope. He used to hide himself, after all. Don't worry too much. :)

Anonymous said...

may mga sekreto talagang kung may gagago eh mabubungkal.. pero huwag matakot para di malamon at makapag-isip ng sulusyon...

Nimmy said...

Natawa ako sa Title ading. Saktong sakto. LOL

Tama sinabi ni Ryan. Don't worry ading. :)

Sean said...

@jj roa rodriguez: i envy you jj. i don't think i have even accepted myself yet :(

@leo: lol! oo nga! baka wala nang choice after this...

@zaizai: hahaha feeling sikat ako. actually nakikita ko nga marami na ring comfortable sa pag-out. siguro generation ko ganito.

@egg: hay oo eg. nagtatago pa rin... di ko alam kung kaya ko nang lumabas.

@kiks: hahaha sa kanya ako nag-out. thanks kiks :)

@daniel: naku praning pa naman ako pag nagkakahulihan :)

@juan der last: i like your idea. magdala kaya ako ng sangkaterbang borta lol!

@bien: panalo talaga mga hirit mo bien. lol! naku yan na nga ang kinatatakutan ko. ang dami pa naman naming common friends na ex-officemates. afraid!

@spiral prince: hahaha! oo nga no sp? :)

@mugen: sana nga evolution ang mangyari. wag naman yung gugulatin ka na sapilitan :)

@citybuoy: hi nyl! :)

@imnotsoconio: hi conio! :)

@mac callister: thanks mac. :) stress drilon pag nakikita ko siya. thought cloud ko lagi - tumahimik kang putangina ka kundi gigripuhan kita.

@istambay: banjo welcome back! :) sana maging handa ako in time. happy weekend to you!

@ryan: i do hope he will... thanks ryan!

@kikomaxxx: oo nga wag na ma-stress kung wala rin lang akong magagawa ano? thanks batman.

@nimmy: kumusta naman ang banker ading? :) salamat nims!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...