Friday, September 9, 2011
Libreng Pangarap
Tumaya ako ng lotto. Yung equivalent nito sa bansang ito. Malabo mang mangyari, malay mo manalo. Hindi ko na kailangang pumasok sa bagong trabaho sa susunod na linggo. Pwede na kaming umuwing mag-asawa at sundin ang talagang gusto.
Dati akong guro sa isang pampublikong paaralan. Saglit lang naman. Hanggang inabutan ng responsibilidad at pangangailangan. Napadpad ng Makati bago dito nakipagsapalaran. Nakalimot sa unang bokasyon, dahil sa buhay na nakasanayan.
Mahirap magturo. Pero nang makilala ko ang aking mga alaga, mas mahirap palang matuto. Lalo na kung ikaw ay nagugutom. Kailangang tumulong kumita sa hapon. Bago matutukan ang gawaing bahay. At walang mapagtanungan sa di nakatapos mong magulang.
Kailangan mong tiyagain. Unti-unting pagsikapan. Hanggang makita mo ang kanilang kagalakan, na di lang dahil sa kanilang naintindihan. Kundi dahil na rin sa nakita nilang pagmamalaki ng kanilang tatay-tatayan.
photo from here
Labels:
reminisce,
responsibility
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
That story broke my heart. Minsan kahit gusto pa natin ang ginagawa natin kapag wala ng laman ang sikmura at pangangailangan na ng pamilya ang nakataya, susulong na tayo sa ibang gawain.
Cheers! Have fun my friend...
JJrod'z
Bilib talaga ako sa mga guro. Sana dumami pa kayo at wag kayon magsawa sa kabila ng pagkukulang ng gobyerno.
Kung babalik ka ba, itutuoly mo ba ang naiwan mo?
Maaring dumating ang panahon na ako naman ang magtuloy ng kuwento mo. Hehe. Tara balik tayo! :D
fulfilling ba ang pagiging teacher?
sana wag mangyari sayo ang nagyari kay Mila char lang Sean.
Saludo ako sa mga guro
teacher ka pala talaga...ano ngayon na ang work mo?malayong malayo sa pagtuturo ngayon?
I studied to become a teacher too but then after grad, nilamon ako ng Makati. we really need better opportunities for teachers here. nakakalungkot.
wow. bow ako sayo ser : )
anong klaseng teacher ang nasa picture naghubad sa harap ng estudyante niya joke!!
anway wow teacher ka pala. I love teachers. sana naging teacher din ako noon
@jj roa rodriguez: that's true jj. matagal ko na ring ginagawa ang bagay na di ko gusto kaya na-burn out ako at nagpahinga ng matagal. thanks jj!
@the green breaker: gusto kong bumalik gb. pero kailangang kumita. di para sa akin kundi para sa pamilya. balang araw.
@mugen: sana nga mugs. tara na! :)
@bien: para sa akin oo. pwede akong maging bad, bad teacher tulad ni cameron diaz.
@mac callister: sa aking past life. ngayon corporate shit ang drama ko, malayo sa pagtuturo.
@citybuoy: hi nyl. oo nga. i have a friend who went to the us to teach special children. he's still doing what he likes, earns enough, pero sad pa rin na it's not for his country.
@daniel the jagged little egg: salamat sis. kaso ngayon pwede na akong isumpa sa aking gawain haha.
@lonewolf: haha. a verrrrry bad one lol! love mo pala ang teachers. sige na nga balik na ako. now na! haha!
Without snark, Sean, i really do believe that teaching is the noblest profession.
Sadly, though, the money is in the oldest one.
@rudeboy: hi rudie! that is so true. and that's exactly how i felt in each job that i took after walking away from my calling. have a good weekend!
mark six ba yan? i remember when i applied for my first job. sabi nung bosyo, "di ka yayaman dito." i thought he was joking.
Post a Comment