Thursday, September 29, 2011

G-Men

click to animate gif

"Mukha kang may sakit. Mag-ahit ka bago tayo lumakad," utos ng aking asawa.

Nagbihis ako pero hindi ko pa rin tinanggal ang aking designer stubble. Naman! Weekends na nga lang ako pwedeng magpatubo nito mula nang magkatrabaho. Siyempre masama na naman ang tingin niya sa akin pagkalabas namin ng flat.

"O, bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Tingnan mo nga sarili mo sa salamin," matipid niyang sagot. "Mukha kang pang G-Men."

Eh di tingin naman ako sa salamin habang nasa elevator. Makapal na ang aking bigote't balbas. Malaki ang initim ako sa kabibilad sa sikat ng araw. Masikip at maikli ang puting t-shirt na suot ko dahil sa kawalan ng exercise. Bakat ang aking utong dahil sa lamig ng panahon.

Sumakay kami ng train. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid, at tama siya. Naiiba nga ako sa putla at kinis ng mga tagarito kaya't conscious na naman ang aking closetang asawa. At dahil mukha daw akong Japanese porn star, pinakitaan ko siya ng aking acting skills.

Habang nakatayo kami nang magkatapat, tinitigan ko siya ng malagkit. Malaswa. Bahagya kong kinagat ang aking labi. Umastang gusto ko siyang sunggaban at bigla na lang pupugin ng halik. Namula ang tenga ng loko. Pati mga katabi niya'y nakatingin. Nakangisi. Parang gustong sumali.

Lumapit ang aking asawa. Idinantay nito ang kaniyang palad sa aking dibdib. Napapikit ako.

"Baliktad ang t-shirt mo," ang sabi ng kumag sabay hila sa nakalabas na tag nito.

gif file from tumblr.com

13 comments:

ZaiZai said...

haha nasira naman ang momentun ng pagiging seductress mo sean, bakit naman kasi baliktad ang shirt! haha anyways, kinilig ako sa inyo :)

JJ Roa Rodriguez said...

akala mo ha... hehehe...

sali din ako... ako na magbabaliktad ng Tshirt mo...

JJRod'z

KikomaxXx said...

hahah kung makaasta akala mo naman perfect.. hahaha.. natawa ako dun...

Mugen said...

Haha ang KJ lang ha! Astig kaya ng stubble.

Juan der Last said...

Ang sweet! Hehehe.

Teka, ano ang G-men? Hehehe. Beking X-men?

Anonymous said...

ayos na sana eh. kung saken nangyari nakakahiya! haha

joe

Jon said...

ah.. kaya pala.. dahil mukha kang japanese porn-star.. na-gets ko na rin sa wakas. hehe

bien said...

ang saya naman.

so gagayahin mo sana yung sa gif? may subscription ba si asawa sa g-men?

lonewolf said...

hmm ano ibig sabihin ng gmen. natawa naman ako na baligtad pala shirt mo. ako naman in my case kahit magbilad ako sa araw di ako umiitim, ewan ko kung bakit

Leo said...

Haha, nakikita ko ung sarili ko sa partner mo. Mahilig manira ng moment. :)

emmanuelmateo said...

sarap

Sean said...

@zaizai: oo nga kainis! di ata talaga bagay sa akin maging seductive hahaha! :)

@jj roa rodriguez: hehe oo nga. at least hindi ako maliligaw di ba?

@kikomaxxx: di ba? haha!

@mugen: hay lagi siyang KJ ano! baka nakikiliti siya sa stubble :P

@juan der last: haha paminsan-minsan. g-men sikat na gay themed magazine sa japan and meron din silang videos. :)

@joe: sira ang diskarte! :)

@jon: hi alter. di ko naman pinapalabas na sexy ako haha! mukhang bastusin lang. :P

@bien: haha oo ganun sana :P ako yung bumibili para sa kaniya pero paminsan minsan lang

@lonewolf: sikat siyang gay themed publication sa japan. may pics, stories, manga, and may vids din sila. mukha ngang amputi mo sa pic papa milch. ako naman mukha at braso lang umiitim kahit na hubad akong nagpapa-tan.

@leo: lol! dapat pala mag-kuwentuhan kami ni nimmy :)

@emmanuelmateo: haha! musta na emman?

c - e - i - b - o - h said...

ahahahahha,,

better check your shirt na before leaving the house..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...