Monday, September 5, 2011
Gasgas
Gasgas nang mga linya. Katipo ng "where have you been all my life?" Di ba't nakakasuka? Pero diyan nagsimula ang lahat. Kasama ng ilang order ng lychee martini na nainom ng loka. Blame it on impaired judgement. Di nagtagal ay naging sila.
Umabot na rin sila nang mahigit sa isang taon. Isang taong madalas na magkagalit-bati. Isang taong ako ang binubulabog sa tuwing sila ay may problema. At heto na naman sila. Going strong pa rin sa takilya ang teleseryeng madrama.
Luhaan na namang tumawag ang bilat. Pagod na raw siya. Lagi na raw ginagabi ng uwi ang kaniyang kinakasama. Overtime sa trabaho, sumaglit sa pamilya, gimik ng barkada ang inirarason sa kaniya. Ano na raw ba ang gagawin niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Paano nga ba isalba ang pagsasamang nag-umpisa at patuloy na nabubuhay sa gasgas nang mga linya.
photo from here
Labels:
friendship,
love
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
pero atleast going strong diba.. hehehe
Madaming ganyan. Minsan magtataka ka na lang kung bakit pinipilit pang patagalin. Kungsabagay emote nga ni kumare sakin- trust me Bien, it's worth saving. Sabi ko naman e di Gowww.
Bisyo.
Ibang kwento pero pareho ang tema sa akin. Mahigit isang taon. Ang unang anim na buwa, maayos, siya ang walang sawa sa katetext at katatawag hanggang sa tuluyan na akong nainluv. Ng inluv na ako, dumalang ng dumalang ang tawag. Iyak at pagtatalo na lang. Kung di ko pa tatakutin na magpapakamatay ako (exags!) di pa ko pupunthan. Unti-unti ang mga kaibigan ko at kaibigan nya nagkkwento na sa akin na niluluko lang na daw ako. At dahil sa mahal ko ang tao sa kanya ako nakinig at nagtiwala. Binintangan pa akong possessive, nag i imagine daw ako ng kung anu-ano, obsess and insecure. Tinanggap ko naman. Hanggang sa nahuli ko ang totoo. Ang laki kong tanga... Hehehe... Masakit pa din pero khit papano nkkaya ko na. Sana nga tuloy-tuloy na.
Have fun my friend!
JJRod'z
O maaari ding, paano ba maitatama ang isang mali kung hindi mo alam na ito ay mali?
Sana malagpasan nila itong nth pagsubok. I've went through that kind of relationship, lagi ko na lang siyang napapaiyak at hindi ko alam na napapaiyak ko na siya. It all became expresions nung maghiwalay kami. Sadly, x-files na naman ito, pero feeling ko di parin ako maka-move on sa babaeng yon.
Naku- mahirap talaga sa lugar mo na takbuhan, hehehe I can relate : )
ganun talaga pag blinded ng 'love' ang fairy tale naging dramathon sa hapon, pero tiis tiisan portion. I hope it gets better for them though :)
Natawa naman ako sa bilat, lol! Sabihin mo sa kanya, hiwalayan na nya yung boyfriend nya! Sayang ang mga luha at sayang ang panahon! Gowwww! :)
Basta para sa kin, hangga't hindi ka sinusuko, ilalaban.
Puwera na lang kapag gamitan na lang.
Sa situation na yan I doubt magiging masaya sila as a couple. At niloloko lang niya ang sarili niya. Dapat magbreak na at maghanap ng iba. Hwag ng pilitin
@kikomaxxx: oo nga. at least! lol!
@bien: bakit nga ano? bisyo nga! pero takot din akong magsalita dahil malamang ganun din ako pag nasa parehong sitwasyon.
@jj roa rodriguez: oh no! sorry to hear that jj :( i hope tuloy tuloy na ang iyong pag move on. i'm sure kakayanin mo yan. take care jj. :)
@the green breaker: oo nga no? i had an ex na ganyan. di naman niya sinasadya pero dense lang talaga siya (i'm not saying that you are ha!) i guess in time you'll be able to move on.
@daniel the jagged little egg: haha dapat mag charge na tayo ng consultation fee.
@zaizai: hay oo nga. for my friend's sake, i do hope things improve.
@k: hahaha kaunti ni lang dadagukan ko na nang magising lol!
@mugen: oo nga kung gamitan na lang dapat mahalin na rin ang sarili enough to walk away.
@lonewolf: ang tigas ng ulo eh. ikaw papa milch. matigas din ba ang ulo mo. ehem. juk!
Post a Comment