Tuesday, April 19, 2011
Hiling
Isinuot ko sa siwang ang nakatiklop na kapirasong alay mula sa aking bulsa. Kumuha ako ng isa mula sa nakasalansang mga kandila at ipinatong ito sa hilerang pedestal. Isa, dalawa, tatlong kiskis bago nagliyab ang ulo ng posporo na aking inilapit sa mitsang agad namang umapoy.
Nagsimula itong malusaw at inilantad ang angking kabalintunaan. Ang natunaw na kandila ang siyang tumutustos sa apoy na tumutupok dito, ngunit ito rin ang nagpapahaba sa buhay ng maikling mitsa nito.
Hindi dapat ako dadalaw. Nandito rin ako noong isang taon. Meron akong hiling, na sinabayan ko na rin ng pamamakyaw ng mga miraculous relics, misa at dasal. Humingi ako ng himala, ang pagsalba ng isang buhay, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa akin. Sumama ang loob ko, at ito ay ikinahihiya ko.
Pinagmasdan ko ang kandila. Unti-unti itong naglawa. Nang tumulo ang unang patak, di na rin napigilan ang pagdausdos ng mga sumunod. Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at ipinahid ito sa aking mga pisngi.
Ngayon ko lang naintindihan. Hindi man ito ang aking hiniling, sapat na tibay ng loob ang himalang aking natanggap upang ang sakit ay aking kayanin.
Have a blessed week.
photo credit: popseoul.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
magandang araw sa inyo sir..
masyadong matalinghaga..
ano man po ang nais natin sa ating buhay, hind man natin ito nakamit sa kabila ng ating pagsisikap, asahan natin na mayroon itong kapalit.
Ano man po ang inyong pinagdadaanan. Mabuting nasa atin pa din ang paniniwala at pananampalataya sa kanya..
hindi ko alam kung aangkop po ba ito sa inyong entry...
magandang araw po muli sa inyo :)
Welcome back. wag ka na umiyak. magiging okey din ang lahat :) lagi naman ganun di ba? may nakabitin mang malaking tanong sa ating isipan, balang araw ito'y atin ring maiintindihan.
-Nowitzki Tramonto
hopeful and positive ang blogosphere lately. inspiring ka, papa :)
Have a blessed and solemn week!
di ko to magets kuya sean..
sino po yung iniiyakan nyo? me dinalaw po ba kayo sa cemetery?
sana Oks ka lang po... :)
Life has strange ways of redeeming itself, and strengthening us in the process. :)
you are like the poetic, less-sexual soltero... which is something i could have said after holy week but i still said anyhoo.
rest well and be well.
ang lalim ading. kailangan kong namnamin ang bawat salita. :)
God bless lagi.
kuya sean di ko naintidihan yung nais mong iparating. :(
have a blessed week din kuya sean...
I guess the heavens have different ways to answer our prayers. Getting enough strength makes it a wonderful answered prayer.
Have a blessed week also Sean. Rest well. :)
hey sean -
i do agree with louie boy -
altho we don't observe lent, have a blessed week din sa yo!
have a blessed week din
happy, blessed holy week too..
:)
Magtika tau Sean!
Happy Easter :)
Your pain is my solitude. Not because you felt bad but because I know someone felt the same way I did.
Quenching thirst is not easy if you are given 5 drops of water. It was always like this for me, predicament after predicament, but the good thing is I am becoming a better person. Hoping these exclamation points in our lives become endearing ellipses.
Ako rin, humiling dati, ngunit hindi rin ito pinagkaloob sakin. Pero after that I still have faith in him.
Wow, poetic, ako talaga Parekoy Sean, nahihirapan sa tagalog. And ang sensuality eh nandun! Galing naman!
@istambay: maraming salamat banjo. lagi mo akong nai-inspire.
@nowitzki: thanks nowitzki :)
@nox: oo nga ang daming inspiring na posts from everyone!
@carrie: you too carrie. pati kay jowa :)
@egg: ay sorry egg. lagi nga akong ganyan - malabo magkwento haha. visita iglesia. thank you :)
@spiral prince: thanks for that sp. i always look forward to your insights, pearls of wisdom :)
@kiks: aww, thanks kiks. he's actually the first blog i discovered and got addicted to. hope you have a solemn week.
@nimmy: God bless din sa inyo ni leo, nims.
@kyle: haha oo nga masyadong personal na ako lang nakaintindi sorry. God bless kyle.
@louie: thanks louie. same to you :)
@soltero: hi papa solts. i miss you! i'm your #1 fan, but i guess marami kami hehe. thank you and you too :)
@hard2getxxx: thanks papa milch
@ceiboh: thanks kiko :)
@mr. chan: happy easter mr. chan!
@definitivegarbage: that's beautiful dg! thank you.
@daniel: oo nga, i am humbled kasi i could never fathom his plans and should remain faithful to him.
@tim: haha thanks tim. God bless!
Post a Comment