Tuesday, April 5, 2011

Muta


Nakaalis na rin kami ng ospital kanina. Masarap palang maglakad-lakad sa umaga. Hindi pa sumisilip ang araw pero may liwanag na ang kalangitan. Presko ang panahon, amoy usok ng pagsisiga, at ang huni ng mga maya pa lang ang maririnig mo sa lansangan.

Parang ang tagal ko na kasing hindi naranasan ang itsura, pakiramdam, amoy, at ingay ng mga sinauna kong umaga. Kulang na lang ay maghain ako ng danggit, kamatis, sinangag, at tsokolate nang matikman ko na rin ang lasa nito.

Hindi ako nagsisisi na tumigil sa aking dating buhay. Laging nagmamadali, babad sa trabaho, nagpupuyat para lamang may oras na pansarili. Wala mang kita ngayon ay mas mulat ako sa mga simpleng bagay. Sapat na pala sa akin ang isang payak na buhay.

Ngunit hindi ko sarili ang aking pamumuhay. Maraming akuing responsibilidad sa pamilya na kailangang tustusan. Habang tumatagal, nauubos ang punagkukunan, at mas tumitindi ang udyok ng pangangailangan.

Unti-unting nagising ang kapaligiran, at dumami ang tao sa lansangan. Lahat nagmamadali sa patutunguhan, tulak ng personal na responsibilidad o pangangailangan. Di ko alintana ang tingin na ipinukol ng ilan sa bagal ng aking paglalakad sa makipot na daan. Saka na ulit ako makikipagsabayan.

photo credit: shirtlesssexyasian.blogspot.com

21 comments:

egG. said...

pahinga muna ng konti sa bahay den makipagsabayan na sa giyera ng buhay....

ingats sir sean...

alagaan mabuti ang sarili.... para di na magalet ung asawa mo...

tandaan: health is wealth... :D

Akoni said...

sarap namn ng umaga mo...at least narasan mo ulit.

Anonymous said...

don't overdo things okay?

:)

Desperate Houseboy said...

Ingatan ang kalusugan bago ang lahat papi. mwah.

orally said...

Work to live sean. Buti naman at na-discharge ka na sa hospital. I hate hospitals. Take care.

Xprosaic said...

Sometimes we get too much on a lot of things that we tend to forget the beauty of simple things... good that you experienced it again...

Unknown said...

Mayroonng mga bagay na kailangan nating isuko para magawa natin ang mga dapat nating gawin. Dito na papasok ang matalinong pagpili. Ano ba ang mas mahalaga sa dalawa? Saan ka ba masaya?

Unknown said...

just enjoy what u have na makakapagpasaya sau, ingat!

Nimmy said...

relak lang ading. enjoy lang ng enjoy!

bn said...

Tama minsan sa sobrang bilis natin hindi na natin napapansin yung mga simpleng bagay na pwedeng magpapasaya satin .. .pahinga kayo ng bongga

Mr. G said...

i have been working at home for the past year, accepting only consulting work. I say it has its ups and downs. But I get to appreciate life better. Most of all, I enjoy my "me" time...

citybuoy said...

the shadow proves the sunshine. rest well. at inggit na inggit ako sayo. haha

Anonymous said...

naiinggit din ako sayo! sana hindi ko na din kailangan magtrabaho! hehehe :)

Sean said...

@egg: maraming salamat eg. tama ka diyan :)

@akoni: yeah didn't realize na amoy probinsya din pala dito pag umaga.

@tr aurelius: thanks theo :)

@desperate houseboy: maraming salamat dh. mwahbackatchu.

@orally: thanks bien. i also hate them. i try my best to avoid them kahit naghihingalo na ako.

@xprosaic: that's true! baka eto na ang calling sa akin ng isang simpleng buhay.

@xall perce: that's true. masaya ako sa ganito. kung wala lang ibang responsibilidad...

@keatondrunk: thanks kd!

@nimmy: salamat ading!

@ibanez: thanks ibanez. magpapahinga nga nang bongga hehe.

@mr. g: happy for you mr. g. i hope i can do the same.

@citybuoy: thanks nyl. haha! naku wag mainggit sa pulubi hehe.

@mr. chan: haha naku wala lang gusto kumuha sa akin hehe.

Allan P said...

rest po muna... nandyan pa naman si sweet hubby mo e, :)

~Carrie~ said...

Hello, Sean. Ingatan ang kalusugan. Enjoy life. :)

Kapitan Potpot said...

Ang mga eksenang nabanggit ang isa sa mga sinubukan ko matapos kong umalis ng trabaho. Priceless. :)

Rest muna Sean, baka mabinat. Mag-ingat ka palagi! :)

RainDarwin said...

ikaw ba yang nakahiga? ang gwapo mo naman.

ITSYABOYKORKI said...

get well :]

Sean said...

@iamallan: haha oo nga naman. salamat allan.

@carrie: thanks carrie. tama, dapat ngang i-enjoy. maglabas nga ng mga boylet hahaha!

@louie: sobrang priceless nga no louie? thank you. :)

@raindarwin: hi papa p! artista and model siya. kamukha ko lang. char!

@itsyaboykorki: thanks korki. welcome to this space. followed you as well. :)

Anonymous said...

Kuya... Ako din mas gusto ko rin yung simple life pero syempre may konting outing narin with friends.hahaha tama ka dahil sa udyok ng pangangailangan at responsibility, nagwowork tayo pra sa future at sa mahal natin sa buhay.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...