Wednesday, April 27, 2011
Lumang Larawan
Inatake kamakailan ng pagka-OC ang asawa ko. Dahil sa paghahanda sa kanyang binyag sa paniniwalang Katoliko, nagpupurga siya ng mga baggage sa kaniyang buhay. Dahil sobra siyang excited, damay na rin ang mga abubot sa bahay. At gaya ng inaasahan, karamihan ng kalat ay sa akin.
Ang dami ko raw damit at sapatos na hindi naman ginagamit. Itatapon na raw niya para magkalugar para sa mga importanteng bagay sa buhay. Pa-deep ang loko. Nang sinabi kong pagpipilian ko ito ng ido-donate sa nangangailangan, pumayag naman. Dali-dali ko itong inimbak malayo sa kaniyang mainit na mga mata.
Pati yung laman ng aking baul at mga kahon ng sapatos na mga lumang litrato ay napagdiskitahan ng mokong. Itapon na raw ang mga ito at kalat lang. Di ako pumayag lalo na't wala sa akin ang negatives. Ang dami pa niyang inusisa kaya't ako'y nanood na lang ng pelikula sa kwarto upang makaiwas sa makulit.
Makalipas ang ilang oras, tinawag niya ako sa harap ng computer. Ini-scan pala niya ang daan-daang litrato. Umupo ako sa kaniyang tabi (ayaw niya akong kumandong) at aming pinagsaluhan ang aking nakaraan. Nung ako'y isang sanggol, kabataan naming magkakapatid, aking mga magulang, grad pics ng mga kaibigan at kanilang dedication sa likod.
Buo ang atensyon ng aking asawa sa unti-unti kong pagtanda sa harap ng computer at sa likod ng aking mga kwento. Hanggang sa umabot kami sa isang kuha sa isang restaurant. Kaming magkakapatid, kasama ang kanilang mga kabiyak. Lahat nakangiti sa kamera, pati na ang aking asawa.
"Una niyong pagkikita. Sa tingin mo alam na nila?" tanong ko sa kaniya. Sinapak ako ng kapwa ko tago sa pamilya, bago muling ibinaling ang kaniyang mata sa screen. Nangiti na lang ako, dahil kahit tapos na ang aking kwento sa larawang ito, matagal pa ring napako ang kaniyang paningin dito.
photo from here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
awwww... reminiscing.. gandang moment koya sean... katuwa naman at binalikan nyo ung memories sa pamamagitan na pagtingin sa mga larawan... talagang ang mga larawan ay isang bagay na makakapagpabalik sa atin sa moment na yun....
---------
anyway.. akin na lang yung mga sapatos mo at damit tapon mo dito sa pinas.... heheheheh sayang kasi para me remembrance ako sayo lol.... chaaarrrr langggg!!!!!!!
nice naman to have a man like him sa tabi.
When we have forgotten everything, we have those pictures to remind us what has been.... kaya nahilig ako sa photography.
sabihin mo sa asawa mo, 'wag magagawi sa amin, mas marami akong abubot. baka sunugin nya ang balur. hahaha!
sweet niyo naman po, nakakainggit hehe : ) Happy for the both of yah : )
I can see an ear-to-ear smile from here.. It's always nice to here stories like this. Sweet!
buti naman di kayo nagaway noong pinapaalis niya ang mga gamit mo
pero in fairness ang sweet niya
ang sweet naman - talagang ini-scan niya ang mga pictures. :)
It's with those unexpected ways he shows his sweetness noh? Nice. Nangiti naman ako dito. :D
You're lucky to have each other, Sean. :)
Happy that, for some of us, true love is real and present.
wow ang galing non ginawa niya ah..nangiti ako!
Magaling ang asawa mo magpakilig ha!
Kung saka sakali... itapon mo sa bahay namin ung mga damit. Hahaha.
the thought na nakakandong while browsing mga lumang litrato (yeah, so conyow)...
is so mushy. and gay.
and sweet. haha! Pero just a thought lang naman.
I brought home my last guy, had him for a night and had breakfast with my family. First time ko mag-uwi ng lalaki. Up to this day, I wonder kung ano tumakbo sa isip ng dad ko that time. He was quite anxious for having a guy over.. di niya gets bakit kailangan pa makiovernight though di naman pala kami magkaklase. nagtanong pa siya kung bakit raw ako sa guest room nakitulog.
hmm... Was it the right time to have come out to my dad? I wonder...
Marami siguro siya naalala.
Hehe. Master ka talaga ng vignettes. :)
Yes, vignettes. Mugen just articulated my thought.
LOL@Nimmy
wow..a glimpse of yesterday.masaya tlga pag inaalala ntin ang nkalipas..magandang umaga po kuya ko!!
:-)
These are cinematic moments :)
na madalas mangyare sa totoong buhay :)
Good times :D
@egg: oo nga eg. dun ko narealize na marami pa pala akong hindi naku-kwento sa kaniya tungkol sa akin. ay hahaha!
@definitivegarbage: yeah, it is :)
@ms. chuniverse: so true. i'm jealous of those who have an eye for photography. di ako papayag na sunugin niya ang mahiwaga mong baul ms. chuni haha!
@daniel: thanks daniel :)
@zip reid: hahaha thanks zip :)
@hard2getxxx: pag isa galit, laging nagbibigay yung isa kaya kahit minsan may away kami, never na naging malala. thanks papa milch.
@spiral prince: oo nga. ang tiyaga niya!
@louie: haha oo ganyan yan. :)
@papa jay: aww, that's sweet. thanks papa jay!
@akoni: haha thanks akoni :)
@nimmy: oo nga. ay haha pwede na tayong magtayo ng ukay ukay.
@viktor saudad: hahaha! it definitely is (gay, that is)! in time, when you're ready. my parents and siblings all live separately but i'm not sure if i'm ready...
@mugen: malamang nga. ay haha. salamat master. :)
@orally: thank you bien. oo nga riot tong si nimmy.
@emmanuelmateo: masaya nga. magandang araw din sa iyo emman.
@kiks: have a safe trip kiks. :)
@mr. chan: since cinematic siya, pwede ko bang sabihing kamukha ko si dennis trillo? thanks mr. chan.
bro sakin nlang ung ibang gamit hehe..
yiiiiiiiii... kinikilig ako...
yaiy
Weee ang cute ng scene. I agree kay mr chan, cinematic ang dating at ganon ang mga gusto ko...
Post a Comment