Monday, April 25, 2011
Rolling In The Deep
Tinawagan ako kagabi ni Lea*. Malungkot siya at nagpapasama sa bahay. Medyo emosyonal ang kaibigan kong ito, at kailangang bantayan, lalo na ngayong nasubo sa hiwalayan sa kanyang boyfriend.
Sugod naman ako, dahil kung may fag hag, ako na ata ang hag fag (in the closet) na paboritong kaladkarin ng mga bilat. Hindi naman ako magaling magpayo. Makikinig lang nang tahimik, walang judgement, at yun din siguro ang gusto nila.
Pagpasok ko, ramdam ko na agad ang makalaslas-pulsong ambience ng kaniyang flat. Nakasara ang blinds, madilim, magulo ang mga gamit, amoy alak at sigarilyo, at may boses na pilit sumasabay sa Someone Like You ni Adele. Umupo lang ako sa kaniyang tabi at siya'y inakbayan.
Natapos ang kanta at nagsimula ang kasunod, Adele ulit. Muling bumirit si Lea, upang i-channel naman ang kaniyang galit sa dating kabiyak. Itinigil ko ang kanta at isinaksak ang aking iPod. Parehong kanta, iisang mensahe, ngunit malaki ang pinagkaiba.
Nagsimula ang tugtog at hinila ko siya patayo. Muling bumirit si Lea, nag-uumapaw pa rin ang galit. Ngunit may anino na ng ngiti matapos ko siyang sabayan sa kaniyang pagsasayaw, sukob ng kapanglawan.
*not her real name
photo from here
Labels:
friendship
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
Kakaiba talaga ang effect ni Adele. Ang mga sad napapaconvert nya sa super emo. hehe
hindi ako updated sa latest music..
:/
I looooooooooooooove Adele. Will go straight for her. Or not. Hehehe.
Adele! <3
most love ko ang "Someone like you" bilang nabansagan akon hindi maka move-on, haha.
.
.
anyway, mas okay naman yung nakikinig lang coz i don't think people are really asking for advice. we all know what to do. we just want someone to listen.
Sweet, ganyan rin ang relationship naming mag bestfriend, I can relate : )
Pareho tayo, hindi rin ako marunong mag advice pero magaling ako makinig..
sino si adele?sorry.
i did a cover of chasing pavements. crap i sucked. ADELE is a phenom. <3
i love adelle.
and rolling in the deep is my favorite.
the first time i heard her, amy winehouse came to mind.
buti naman at napasaya mo si lea.
Pasensya na, choosy ako sa remix. Wala bang mas mas malupet-lupet ang bass? Lolz.
ganyan din ang gusto ko sa mga friends ko,un walang panghuhusga,makikinig kasi kaibigan ko sila at di nagbibigay ng opinion unless hinihingi ko na...
ang pinoy talaga basta nageemote gusto may background music or parang soundtrack
bet na bet ko talaga yang si adele. sophisticated emo. baklang bakla.
at ang taray ng remix. gusto ko na tuloy magsabado nang makapunta sa malars :))
Adele. Jessie J. ang mga briton talaga, kung umepek. pak na pak sa panlasa ng mga baklang emutera.
napaindak ako koya sean...
swerte ni leah kasi anjan si papa sean to comfort her.... :)
lucky girl.
I-dodownload ko yang Adele na yan,
Hope Leah is okay :D
oh adele! hehe
and she's lucky to have a friend like you. sana marealize nya yun. yung mga taong nasa paligid nya.
sa susunod chong magpabayad ka na.. mahal kaya mga ganyan sa amerika ngayon.. hahhaa
@nimmy: honga ading. makalaslas pulso!
@t.r.aurelius: haha! actually ako rin. narinig ko lang kay lea. mahilig ako sa mga luma.
@papa jay: ahahaha! i think it's more sisterly love hehe.
@spiral prince: yes! definitely <3
@desole boy: ako rin fave ko yun! ay hahaha! makaka move on ka rin! thanks des boy.
@daniel: hehe hag's fag ka rin pala. :)
@akoni: oo nga. nahihirapan talaga ako mag-advice. british singer siya akoni.
@nikki: yeah she is a phenom. post naman your cover!
@orally: yeah i thought of amy w as well when i first heard her. i guess their voice qualities are memorable. oo nga yun ang aking laging role haha.
@mugen: lol! ang hirap mo namang i-please master haha!
@mac callister: yeah minsan kasi i think alam naman na nila kung ano ang kailangang gawin kailangan lang nila mag-vent or marinig ang sarili nila.
@hard2getxxx: oo nga no papa milch? ngayon ko lang na-realize.
@nox: hahaha oo nga! ako rin na-miss ko bigla ang clubbing.
@kiks: ay gusto ko rin yung isang kanta ni jessie j. guess that makes me a baklang emutera haha!
@egg: haha di hindi ni waka waka ang sasayawin mo ngayon eg. swerte rin ako sa kanyang friendship.
@alter: thanks alter. i'm also lucky with her.
@mr. chan: listen to someone like you. sabi nga ni desole boy, bagay sa mga di maka-move on haha!
@my-so-called-quest: haha! thanks doc ced. i'm also lucky to have a friend like her.
@kikomaxxx: haha oo nga maniningil na ako!
Bakit di ko pa magustuhan yung si adele na yun. Madownload nga yung full album.hehe
Hope shes okay...
Post a Comment