Galit na galit ang aking asawa. Di niya mapigilan ang pagsermon sa akin. Hindi ko raw kasi siya pinapakinggan, at lahat ng bawal ay ginagawa ko pa rin. Naawa ako sa kanya, dahil bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. At ganyan siya mag-panic, bago biglang magi-guilty sa kaninang pagkagalit.
Magkakasunod ang aking pagkakasakit at isinugod na niya ako sa ospital dahil sa aking pamimilipit sa sakit. Wala pa siyang tulog dahil sa pagbabantay sa akin. Makailang beses ko siyang nahuling ipinagdadasal ako. Nagawa rin niyang isingit na ipagsimba ako kaninang hapon.
Mahinahon na siya ngunit bakas pa rin ang pagtatampo sa kaniyang mukha. Bakit ko daw kasi hindi inaalagaan ang aking sarili. Lagi na lang daw tuloy akong nagkakasakit, lagi niyang inaalala. Paano na raw siya kung... Sasapakin daw niya ako kung di pa ako magpakatino.
Sa ospital na namin idinaos ang kaarawan niya. Walang handa, walang selebrasyon. Imbes na sa alak, nalango ako sa gamot, siya sa problema. Binati ko siya at ngumiti siya nang matamlay. Dahil sa pagkakasakit, di ko pa nabibili ang balak kong iregalo sa kanya. Tinanong ko na rin siya kung ano'ng gusto niya.
Naglitanya na naman ng ilang minuto ang mokong tungkol sa kalagayan ko bago lumambot ang kanyang mukha at nagmakaawa, "Please just come home with me."
photo credit: star.koreandrama.org
- Posted using BlogPress from my iPad
20 comments:
Aww. This is sweet. :) Wag na kasi matigas ang ulo, kuya sean! :)
ang lambing naman nya!
oo nga ading! alagaan mo sarili mo. huwag matigas ang ulo sa taas ;)
How sweet! kasi, dapat ulo lang sa baba ang matigas! lol
napangiti naman ako sa post na ito...ang cute and sweet :-)
sweet!
eto yung mga bonggang "aaaww moment" love love
Pag nagsusulat ka Sean, sobrang linis, sobrang simple.
Magpagaling ka. Wag matigas ang ulo. At tanungin mo nga jowa mo kung may kapatid siya... Lol
ang sweet nilalangam kayo sa sweetness
:D ang tweet naman kuya sean. :D
eh-choose-eh-rah!
ang sweet nung asawa mo... ikaw na si cinderella...ay mali si snow white... ay hinde.. si sleeping beauty... lol....
kaya pagaling ka na kuya sean... and alagaan ang sarili... :)
ika nga health is wealth
Awwww!!! Ang sweet niya! :)
Konting ingat Sean, hirap magkasakit ngayon. Get well. :D
anu naman ang sakit mo Sean?!
I hope you get well soon. For your hubby :) and for yourself :)
kayo na!! kayo na ang sweeeet! :)
sweet! nakakakilig nmn ung please come home hehehhe
you are blessed to have a partner who is as understanding...cherish it. and sabi nga ni John Lloyd, Ingat!
kasi naman, you should stop abusing your body. LOL.
to be honest, hospitalization is one factor in break ups. im not sure how accurate it is, pero i think there was a study. siyempre dapat alam ko yun dahil isa akong healthcare worker. :D
chong ano bayan kahit may sakit na ito nagboblog parin... na kung ako din nadyan maglilitanya din ako sa katigasan ng ulo mo.. hahaha.. pagaling ka ha... nakakaawa naman ang asawa mo kay tigas kasi ng ulo... tsk2 :)
@spiral prince: hahaha! oo nga dapat behaved na.
@nimmy: haha. brutal na lambing kapag tinotoo nya ang sapak. ay oo nga dapat sa baba lang hihihi.
@jr: welcome back fafa! amishu. ay oo nga dapat dun na lang sa baba hihihi.
@mac callister: thanks mac :)
@dsm: thanks dsm.
@ibanez: thank you ibanez
@iurico: naku maraming salamat iurico. marami siyang nakababatang kapatid na.. babae. joke. puro kuya na mature na hehe.
@hard2getxxx: haha oo nga!
@kyle: musta ka na kyle?
@kiks: ay hahaha!
@egg: si ariel na rin kasi is akong sirena haha. salamat eg. oo nga sakitin ang lolo mo.
@louie: salamat louie. oo nga nagiging sakitin na ako. matanda na siguro lol!
@mr. chan: aaminin ko na. buntis ako. char! salamat mr. chan.
@iamallan: haha thanks allan.
@uno: thanks uno.
@mr. g: oo nga buti na lang matiyaga siya hehe.
@nikki: masarap kasi eh. joke! naku talaga? mahanap nga yang study na yan nang maiwasan yung iba pang nasa listahan.
@kikomaxxx: haha oo nga. di lang ako makadalaw sa blogs niyo ngayon kasi tulog ng tulog sa gamot. sorry! hanggang sulat lang tapos ded na. oo nga tigas talaga ng ulo ko minsan :)
Thаnk yοu for the auspicious writeuρ.
It in fact wаs a amusеmеnt aсcount it.
Look adνanced to far aԁԁеd agгееablе from yοu!
Hοωeveг, how саn we сοmmunicate?
Stoρ by mу website payday loans online
Post a Comment