Thursday, April 7, 2011

Binati


Ito ang gusto kong sabihin sa kanya noon:

Nang kita'y aking awitan ng mali-maling lyrics sa sintunado kong boses, narinig mo rin kaya ang lungkot sa aking tinig. Nang mahimbing na ang iyong tulog at nagsimula ang iyong paghilik, naramdaman mo pa kaya ang pag-akap ko sa iyo nang mas mahigpit. 
Kung di ko pinatay ang ilaw nang tayo ay magtalik, nakita mo rin kaya sa aking mukha ang higit ko pang pagsisikap. Nang di kita pigilan noong ikaw ay magpaalam at pinilit kong ngumiti nang di ka magdamdam, nalaman mo pa kaya kung gaano ako nasaktan.

Isa ako sa mga taong hindi nawawala ang pagmamahal sa bawat taong naging malaking bahagi ng aking buhay. Kahit naging masakit sa akin na iniwan niya ako, kahit taon na ang lumipas, mahal ko pa rin siya.

Hindi naman siguro pagkakasala sa aking asawa. Baka nga hindi pagmamahal ang dapat itawag dito. Maaring ihambing siguro sa nararamdaman ng kilala kong nabaldado - ang anino ng dating naging bahagi ng kaniyang kabuuan. Kahit wala na ito, minsan ay nagpaparamdam. May kati, may kirot.

Anino na nga lang ito. Minsang nililingon, at napapangiti. Wala na ang pait, at pareho kaming nagmahal nang muli. Ngayon, gusto ko na lang iparating sa kanyang kaarawan ang maligayang pagbati.

photo credit: oneasianworld.com

25 comments:

c - e - i - b - o - h said...

happy birthday sa kanya..

so like this line:

"Wala na ang pait, at pareho kaming nagmahal nang muli."

Allan P said...

ang baet baet mo naman po. bcoz in a short period of time, naalis mu agad ang bitterness. tsk.

Anonymous said...

"Nang di kita pigilan noong ikaw ay magpaalam at pinilit kong ngumiti nang di ka magdamdam, nalaman mo pa kaya kung gaano ako nasaktan"

Masyadong striking para sakin ito! :( nalungkot ako bigla. Uuwe nako ng Pinas. LOL

Kiks said...

hindi naalis sa isip at mata ko si hidetoshi-san kaya matagal bago nagsink in ang kati at kirot... :-P

happy bday!

Mugen said...

Hindi ko alam kung mapalad ba ako na nakamove-on sa mga nakarelasyon ko o magaling lang akong magtago sa mga panghihinayang sa mga taong aking sinayang.

Just the same, kapag ako ay nagmahal, hindi ko alam kung paano magtira para sa sarili. Siguro dun ako bumabawi.

egG. said...

buti ka pa me EX...

anyway.. hapi birthday phow sa kanya... :)

SweetIsh said...

happy birthday sa kanya...kung cnu man sya hes one of the luckiest person on earth kasi he experienced to be loved by you.... hehe!!!!

nubadi said...

i really believe that once the animosity and the hurt feeling are gone, what remains is the love. It might not be as intense but the heart will always remember the love given.

Xian Garvida said...

natawa ako, parehong pareho tayo ng experience dito, anyway, apeberday na lang din sa kayna

RainDarwin said...

yung mga ex ko, close friends ko na ngayon. Sarap ng feeling na kaibigan ko na sila pagkatapos ng maiinit na sabunutan sa kama. hahahah.

Akoni said...

Nice mo naman kung hindi nawawala ang pagmamahal mo sa isang tao, kahit may hindi magandang pinagsamahan.

Nagpapaabot din ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Little Nikki said...

well aren't you the sweetest? haha.

buti ka pa meron ng tunay na ex, habang ako'y nangingisda pa rin.

send my regards na lang. *feeling close?* :))

Nimmy said...

ikaw na friendly ading. hehehe. sa mga naging ex ko, isa lang naging kaibigan ko. hihi

Mr. G said...

paano ba basahin ito? maragsa? madiin? or mabilis? hehehe...

It's good to reconnect with the ex...I did already with my ex-GF back in college...and she is still HOT that I am tempted! LOL...well, being a bi has its pluses too...but no...sumusobra na ako...

V1nC3 said...

I've always been a firm believer that love, if it's true enough, doesn't just end or disappear simply because two people decided to go separate ways. Somehow, nag-e-evolve lang yung love into a different level. But it is still there - on that lil corner of your heart, wala na lang talaga siya sa center. =)

Spiral Prince said...

Hindi yan pagkakasal sa iyong asawa, kuya sean. :)

ArJee said...

Nang kita'y aking awitan ng mali-maling lyrics sa sintunado kong boses, narinig mo rin kaya ang lungkot sa aking tinig. Nang mahimbing na ang iyong tulog at nagsimula ang iyong paghilik, naramdaman mo pa kaya ang pag-akap ko sa iyo nang mas mahigpit.

sobrang relate ako dito...

Sean said...

@ceiboh: salamat sa pagbati, kiko.

@iamallan: matagal na kaming naghiwalay, pero tama ka mabilis akong maka-get over sa bitterness.

@mr. chan: oo nga sobrang lungkot no? hahaha! sasalubungin kita sa airport.

@kiks: haha! pag may kati, kamutin. yang si hidetoshi-san, kissable lips, abs, lahat na.

@mugen: baka mature ka lang talagang tao, master mugs. and baka dun nga bumabawi.

@egg: hahaha! masakit din yun :) salamat sa pagbati eg.

@sweetish: salamat sa greeting. awww, thanks ish!

@dsm: that's beautiful dsm. i agree that our hearts have memories as well.

@xian: haha pareho pala tayo. salamat sa pagbati.

@raindarwin: papa p! ako rin almost everyone close friend na. sabunutan? hahaha! ang wild ng image na naiisip ko.

@akoni: yeah, minsan nga lang nacoconfuse ko as hindi pagle-let go. salamat sa pagbati.

@nikki: hahaha! fish ka lang ng fish darating din. makakarating ang regards hehe.

@nimmy: gusto ko rin ng korona, hindi lang sash ng ms. friendship hehe. ay bitter sila hehe?

@mr. g: hahaha oo nga dadagdagan ko ng kabastusan pag binasa mo ng maragsa. i agree, for me reconnecting is always good. dami ring pinagsamahan kasi before. swerte ka ha!

@v1nc3: aww, that's so beautiful vince. and it's exactly how i feel.

@spiral prince: ay hahaha! salamat sp. di na ko pupunta sa simbahan para mangumpisal ng adultery hehe.

@arjee: yan ang ne-feel ko when i knew that the end was inevitable pero i kept on trying to hold on...

chefjayps said...

malapit na din birthday ng ex ko. pero ayoko nang bumati. 2 years na kaming wala pero hindi pa yata ako nakamove on. balita ko may bf na sia. ako, parang natakot akong umulit ulet. madami namang nagtangka pero hirap akong takasan ang tanong na "paano kung masaktan ulet ako?" parang di ko na kaya.

ang emo ko. eniwey, happy bday kay ex!

Nimmy said...

tama! friends ko sila sa FB kaso deadma palagi. hahahaha

casado said...

that's good, sinc enaging bahagi ng buhay mo, dapat di sila nagiging kaaway...

masakit lang talaga yang mga eksenang mga huling sandali at pamamaalam :P

Anonymous said...

weee.. di naman siguro... ewan ko lang kung ok sa asawa mo.. hehehe

Dabo said...

hi there. thanks for following my blog. lots of cheers!

Kapitan Potpot said...

Ok lng namn siguro yun Sean. It's human nature to care for someone from our past kahit gaano pa kahirap o kasakit ang pagtatapos ng libro ninyo.

Happy weekend Sean! :)

Anonymous said...

Awww ako din. Yung mga dumaan sakin hindi parin ako completely nakamove on... Hay happy birthday sa kanya!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...