Saturday, April 30, 2011

My Cookie Jar


Kaya nga ayaw kong nagsasasama sa aking kaibigan dahil napapagastos ako. Namakyaw siya ng mga gadgets na hilig nilang mag-asawa at binuyo akong maglustay naman ng kaunti para naman daw di ako umuwing luhaan. Malamang ay nahiya lang siya't nagmumukha akong porter sa pagbibitbit ng kaniyang pinamili.

Dahil sa pambobola ng aking kaibigan, napabili ako ng ilang shirts. Pinatulan ko na rin ang isang pares ng tsinelas na mukhang Chuck Taylors dahil hindi talaga komportableng maglalalakad sa suot kong stilettos. Sobrang bagay naman daw sabi ng OA kong kasama at kahit papaano ay may bitbit ako pabalik.

Nang makauwi, sinukat ko ang kapiranggot na pinamili at nag-show and tell sa aking asawa na nagkukunwaring hindi ako na-miss. (Teka, baka nga hindi ah.) Nagpatugtog ako ng Orinoco Flow ni Enya sabay rampa ng kaunti habang nag-eemote, channeling my katukayo Sean O'Pry.

"Did you buy anything that's age-appropriate?" tanong ng kontrabida, bago bumalik sa pagbubutinting ng kanyang gadgets. Ano daw? Age-appropriate? Ampf!!!! Hindi lang kaya pang tweens ito.

"Ha? Excuse me, uso ito at bagay daw sa akin!" bawi ko. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili. O maganda naman itong super-hapit na shirt sa akin ah. Hindi naman halata ang aking (lunok) tiyan (gasp!). Di bale, bagay naman ang tsinelas. Napalingon dito ang aking asawa bago ito nag-roll ng kaniyang eyes.

Dahil pinagpawisan ako sa aking modeling gig, naisipan kong maligo. Pagkalabas ko ng banyo, napatda ang ang aking asawa. Bakas sa kaniyang mukha ang sabay na takot at pagkapahiya. Napangiti na lang siya sabay kamot ng ulo bago ibinalik sa kaniyang pinagkunan ang isinukat na shirt at tsinelas.

photo credit: flickr - mensmodeltalk

12 comments:

egG. said...

natawa ako sa post na to... hongkolet nyo din palang mag-asawa... lol..

sana pareho kayong nagrampahan.. para malaman kung sino ang tunay na wafu!!!! lol :D

Mugen said...

Hahaha. Kunwari dedma, yun pala ay bet rin naman. :)

Spiral Prince said...

Tama si kuya joms! hahaha

Akoni said...

kyut niyong mag-asawa..hehe..parang nakikita ko ang eksena niyo..hehe

Louie said...

Sa simula pa lng, tawa na ako ng tawa, at laking gulat ko sa ending. Haha. Feeling niya siguro mas bagay sa kanya kaya nag mala-kontrabida siya sayo. Hehehe.

Kiks said...

pakisabi sa asawa, echusera sya.

in Cantopop lingo, churva!

Sean said...

@egg: hahaha oo makulet nga dahil ang lakas ko siyang kulitin. good idea yan hahaha! pero habang tumatagal, nagiging mas magkumakha na raw kami...

@mugen: oo nga hahaha! bwisit no? have a good weekend master. :)

@spiral prince: oo nga hahaha!

@akoni: madalas kaming magkulitan hehe.

@louie: hay kontrabida nga lagi yan hahaha. madalas may ayaw tapos malaman laman ko gusto pala niya at sa kaniya na bigla bagay haha!

@kiks: echusera nga hahaha! ingat ka diyan sa indonesia.

Kyle said...

hahahaha natawa ako.lol sana ibinili mo rin siya.lol

Nimmy said...

Wahahaha! Ang kulit lang!

Zip Reid said...

*laughing*

Nakarelate ako sa asawa mo.. haha

had similar experience..

orally said...

dapat kasi binilhan mo rin sya para terno ang eksena nyo. sean, post mo dito video ng pag-sashay-sashay mo

Sean said...

@kyle: kung alam ko lang, eh di wholesale na sana.

@nimmy: nagmana sa inyo ni leo :)

@zip reid: hahaha. ikaw pala ang kontrabida. joke!

@orally: di bale, next time mag-aabang ako ng mga buy one take one. ay! baka ma-discover ako. malapit pa naman na ang fashion week hahaha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...