Thursday, May 5, 2011

Magkano


Para sa akin, lahat ng bagay ay may halaga. At ang bawat halaga ay may katapat ding presyo. Hindi lang ang mga tradisyonal na nabibiling mga bagay, kundi pati ang mga pinahahalagan ng bawat isa sa atin. Ang ating mga pinakaiingatan, pisikal man o hindi.

Sa EDSA lang, marami kang madadaanang karatula ng mga inalalakong bagay. Bagong katawan, kagandahan, pagkabata. Makinig ka ng balita't nariyan ang hustisya, dangal, tiwala. Depende sa iyong hinahanap, marami ring lugar ang pwedeng puntahan upang bumili ng aliw, kaligayan, at kung minsan, pag-ibig.

Minsan ka na sigurong natanong nang pabiro kung magkano ang ibabayad sa iyo para gawin ang isang bagay na hindi mo gusto. Halikan yung pangit sa kanto, siyotain ang ayaw mo, magpatira. Pag mahirap, mataas ang ipipresyo. Minsan hindi pera ang katapat, tulad ng pag-ako ng karamdaman ng taong mahal mo.

Pero nagulat pa rin ako nang iyong ipagkanulo ang ating pagkakaibigan, ang ating pagiging magkapatid. Ilang beses ko mang timbanging. Ulit-ulitin ko mang kiluhin. Kailanma'y hindi ko inakalang sampu-singko lang pala ang tingin mo sa atin.

At naghahanap ka pa ng sukli.

photo from here

13 comments:

Spiral Prince said...

Nadistract ako ng isang minuto dahil sa picture, Kuya Sean.

Anyway, sa tingin may mga pagkakataon at pangyayari lang talagang magmumulat sa atin sa katotohanan, at wala na tayong magagawa sa mga rebelasyong inilahad nito. Siguro, dapat lang nating isa-isip na ang lahat ng bagay ay may kadahilanan, yun lang din kasi ang isa sa mga pinaka epektibong paraan upang maiwasan natin ang malunod sa lungkot o pagkamuhi. :)

orally said...

Nakakasama naman ng loob yun.

Ms. Chuniverse said...

may mga tao talagang ganyan, ang masakit minsan... kamag-anak mo pa.

~Carrie~ said...

aray ko

Mugen said...

Nasa pagpapalaki rin kung lahat ng bagay ay titingnan mong may halaga.

Nimmy said...

Tsk tsk tsk. *hugggs*

Mac Callister said...

ouch!!!

at ang laki ng katawan ng nasa pic!katakot!charrrr!

Kane said...

At least, now you know. Some knowledge come with a price, I've heard. I understand how you feel Sean.

Kane

Allan P said...

may mga ganyan talagang tao sa mundo... madami sila... maraming marami... haixxt.

c - e - i - b - o - h said...

maaari ko bang sabihin na pwede naman natin isipin na ang lahat ng bagay na nangyari o mangyayari ay may dahilan.. Hindi man natin ito makita agad, pasasaan pa at makikita rin natin ito.. masaya man o masakit, kailangan natin tanggapin..

hugs..

Anonymous said...

kahit kadugo mo ay kayang-kaya ka paring ipagkanulo... hay...

Sean said...

@spiral prince: distracting nga siya hehe. medyo nalunod nga ako sa aking emosyon nitong mga nakaraang araw, pero tama ka. dapat ko ngang isipin na may kadahilanan ang nangyari. thanks sp :)

@orally: oo nga. hanggang ngayon masama pa rin loob ko.

@carrie: isang malaking aray!

@mugen: di ko maintindihan kung paano kami naging magkaiba ng aking kapatid

@nimmy: salamat ading.

@mac: sakit nga. lol!

@kane: i guess it's better that i finally know. thanks kane!

@iamallan: hay! marami nga apparently.

@ceiboh: siguro nga ganun na lang ang aking dapat isipin. maraming salamat kiko.

@kyle: that's true. hay!

glentot said...

Gawain naming maglaro nyang scenario game, yung babayaran ka ng milyon kapalit ng public humiliation, etc. It's fun haha.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...