Friday, May 27, 2011

Unos




Bago ko ipinatong ang ilang hollow blocks at kalbong gulong dito, pinaibabawan ko ng lambat ang bubungan ng aking pagpapasensya at mahigpit na itinali ang mga haligi ng aming pagkapamilya sa aking pagpapakumbaba.

Inihanda ko ang aking sarili upang di malunod sa pagbaha ng emosyon at madala sa lakas ng ihip ng kanyang pagkamahangin. Binuksan ko ang baong liwanag ng katwiran sa inaasahang dilim ng pagtatalo.

Mula sa mapanglaw kong kinalalagyan, ako ngayo'y naghihintay sa kaniyang pagdating.

see photo for source

10 comments:

Mac Callister said...

goodluck kung ano man yang pagtatalo na yan :-)

zeke said...

tama. dapat wag makipagsabayan, baka lalong lumala.

nyabach0i said...

wag mong sabayan ang bagyo. haha. chika lang. as usual nadistract na naman ako sa pic mo. hehe.

Akoni said...

Silent.

egG. said...

di ko nagets...

anyway.. kaloka ung picture wala lang...

parang me giyera ng briefs lang... :D

Kiks said...

lemme guess the name of the person... Chedeng? Bebeng?

glentot said...

Pano yan lumihis si Chedeng hehe sabagay marami pang darating for sure

wanderingcommuter said...

hmmmm... i wonder sino kaya ito??? i have an idea. pero tignan na lang natin. may sequel ba ito?

Noah G said...

hollow blocks? gulong?
ang lalim talaga ng talinghaga mo :)
ako'y nagbabalik. pasensya na't ngayun lang uli napabisita :)

aheheh~

Sean said...

@everyone: sorry for the late responses. hirap ng walang sariling computer and internet.

@mac callister: maraming salamat mac :) ingat sa pag uwi.

@the green breaker: oo nga mahirap pag ganun.

@nyabacho1: hahaha oo nga. lalo na sigurong nakakadistract pag nakahubad.

@akoni: parang eye of the storm ah.

@egg: oo nga eg, wala kasi akong inilagay na detalye sorry hehe. hubaran natin.

@kiks: hahaha oo tama! chedeng inang yan.

@glentot: hahaha sana lumihis din ito.

@wandering commuter: hahaha. yung sequel of sorts yung next post.

@nowitzki: halata bang yero lang ang bubungan? oo nga ang tagal mong nawala! hehehe.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...