Friday, May 20, 2011

Baggage


Hindi ko napansin. Kanina pa pala ako nakatulala sa screen. Kumpleto na ang hinihinging information ng Cebu Pacific, detalye na lang ng credit card ang kailangan. Nilingon ko ang aking asawa mula sa aking kinauupuan. Hindi ko masuklian ang ngiting ibinato niya sa akin.

Kailangan kong umuwi sa aking pamilya. Matagal ko nang ipinagpapaliban, pero hindi na kayang takasan. Magaling akong dumiskarte sa trabaho, pero pagdating sa personal kong problema, madalas akong magtago. At dahil ayaw ko itong isipin, pati pagkwento ng detalye dito ay hindi ko magawa.

Ayaw kong iwanan ang aking asawa, pero ganyan naman yan, laging supportive. Nakangiti, akma ang piling sasabihin, bubuyuin ka, kulang na lang pagaspas ng pompoms. Pero umuwi kaninang may bitbit na mga bagong gadgets. Tingin ko mga bubutingtingin nang malibang habang wala ako.

Tiningnan ko ang mga nakatala sa screen. Tama ang personal details, ok na ang credit card information. Pero pinalitan ko ang baggage allowance. Uuwi akong backpack lang ang dala, walang pasalubong, balikbayan box o maleta. But for someone who's travelling light, bakit ang bigat ng pakiramdam ko.

photo from here

16 comments:

red the mod said...

On the upside, you'll get to visit your family. And, who knows, maybe meet a few bloggers along the way. Think of it as a temporary cessation, a hiatus if you may. Absence makes the heart grow fonder, time will fly quickly and the next thing you know, you'll be back in his arms. Have a safe trip Sean! :)

Anonymous said...

wow uuwi si kuya sean ng pinas. pasalubong... joke

haharapin mo na ba sila kuya?

Anonymous said...

book a bigger baggage allowance for your return trip. i'm sure you'll take away much much more after your trip :)

ingat!

- darc_d

Lone wolf Milch said...

happy trip sean and ingat

Kiks said...

missing the hubby, that is.

orally said...

Happy trip Sean.. At sana makayanan ng powers mo ang reunion na yan

Anonymous said...

weee... pasalubong ko chong.. hehehe... joke lang ha... pero huwag kang malungkot... eh di ba matapang ka na ngayon kasi haharapin mo na sila.. :)

zeke said...

the feeling of facing the unknown, like, being a stranger to the place you knew so well.. that really is heavy.

nyabach0i said...

shet. nadistract ako sa picture. sorry. super hot niya.

the geek said...

siguro nasanay ako na bata pa lang, problema na ng pamilya ang lagi kong nakikita.

pag nasanay ka na, chicken na lang yun.

iiyak kung kailangan. minsan, nakakagaan din ng pakiramdam ang mga luha.

Kapitan Potpot said...

I hope everything will go well pag uwi mo.

Have a safe trip, Sean.

dario the jagged little egg said...

Ay mamimiss mo kc si sweetheart, pero dont wori makikita mo naman ang family mo : )

Happy trip sis : )

egG. said...

uyyy babalik sa perlas ng sinilangan si koya sean... mabuhay ka!!! char!!!

---

happy trip and God Bless po sa pagharap sa family mu... kaya mow yan... and enjoy your vacation na rin... hehehe :D

aym sure mamimiss mo si asawa mo.. pero me internet naman hehehe :D

my-so-called-Quest said...

ingat paguwi. and hopefully pagbalik mo ay maayos na ang lahat. goodluck. :)

Unknown said...

sana naging maayos ang byahe mo bro..

Sean said...

@everyone: sorry for the late responses. hirap ng walang sariling computer and internet.

@red the mod: that's true. there's a lot of people i dream of meeting kaso i'm shy hahaha. i miss him, but you're right. we both appreciate each other more. thanks red!

@kyle: haha sige. balikbayan box. box lang hehehe. musta na kyle? yes, kailangan nang harapin.

@darc diarist: awww. that's really nice. thanks darc!

@lonewolf: thanks papa milch.

@kiks: haaaaayy... i do.

@orally: thanks bien. hindi kinaya ng powers ko!

@kikomaxxx: hahaha. hey good luck sa job hunt. may baon akong latigo sa paghaharap.

@the green breaker: yes it is!

@nyabacho1: bakit nung suot ko yung backpack ko, di ganyan yung itsura ko?

@the geek: yeah di ako sanay. escapist pa naman akong tao. and emotional... thanks geek.

@louie: salamat louie.

@daniel: oo nga. bittersweet tuloy ang emotions. thanks sis!

@egg: mabu-hey! thanks eg. hay madalas walang internet ewan ko ba. kailangan tuloy tumambay sa mga mall para maka send ng message sa kanya.

@doc ced: thanks doc. naging magulo pero sana maayos pa rin.

@keatondrunk: thanks kd!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...