Tuesday, March 22, 2011
Mamang Buwan
Mamang Buwan, bilog ka na naman. Tahimik at nagmamasid mula sa kalawakan. Bigla ka raw lumapit, at ang tanong ng ilan ay bakit. Para ba tingnan ang mga pangyayari, ang mga trahedyang di namin mawari. Sa bansang may bandila na kung saan, ang imahe mo sa puting langit ay duguan.
Lahat sa iyo nakatingala, at sa liwanag mo ay namangha. Marami ang mga nangangarap na magkasintahan, na sana'y pagapalain mo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit ilan rin naman sa kanila ay nanghilakbot. Dahil panibagong trahedya raw ba ang iyong idudulot.
Mamang Buwan, bilog ka na naman. Ako man ay tumingala upang ikaw ay pagmasdan. Pagpapala ba o pagkapinsala ang aking susunguin. Ang paglisan nga ba dito ang dapat kong piliin. Ang aking munting hiling, iyong kagandahan, bigyang liwanag para sa akin ang tamang daan.
photo credit: ideagirlconsulting.wordpress.com
Labels:
life,
quickie post
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
parang yung sa immortal na line.. yung may bilog ang buwan din... :D
hehehe..imortal fanatic din ako..
pero ang ganda ng pagkakasulat mo,laging may liwanag na darating pra makita ang tamang daan, nasa atin lang kung ito ay atin tatahakin.
@axl: imortal - tv series ba yun? sorry di ako updated haha. mukha tuloy akong ignoranteng nagtatago sa lungga.
@akoni: mukhang popular yun ah. sige hahanapin ko rin nang masubaybayan. madali pa naman ako maadik sa tv series hehe.
oo nga nasa atin ang desisyon kung atin nga itong tatahakin. salamat akoni.
si sailormoon lang ang susi.
asan na ba sya?
(and sean, tama ka sa huli mong line sa iyong comment.... tayo lang at hindi ang buwan ang magtatahak. sya lang ang magbibigay liwanag.)
yup may liwanag sa dilim at pagkatapos ng dilm eh sunset at araw to brighten your day
kapag tinitignan ko ang buwan, mother and child image ang nakikita ko.
At sa tuwing maliwanag ito at bilog na bilog, lagi akong humihiling sakanya.
Na sana...
hay, isa kang makata. aylavet!
ganda ng pagkakanarrate... jusmiyo lang... hahaha...
ikaw na ang makabagong writer na dapat ay nasa Filipino subject CHAARRR!!!!!
hay sana nga maganda ang idulot sa atin ng magandang buwan... sana sana sana.... :)
Kahit laging iyon at iyon lang na mukha ang pinapakita ng buwan, hindi tayo nagsasawa sa kanya.
nanonood rin ako ng imortal sikat ang mga vampire at wolf ngyon, good writer ka tlga bro..
pray lang tayo ng hard ading. darating din ang right answer for you :)
parang imortal nga...
hehhee anu nga ba ang nasa isip ni sean?
papa sean, db japan is the land of rising sun? bkit un ang nirefer dito " Sa bansang may bandila na kung saan, ang imahe mo sa puting langit ay duguan.",,,hehehe nice anyway..
di ba may movie si jacklyn Jose na "Itanong mo sa Buwan"? wala lang naisip ko lang din. Hindi ko napanood yun. I think "pene" movie sya, eh bata pa ako nun...
Cge, papa Sean, parusahan mo na kami sa ngalan ng Buwan.
ikaw na matalinhaga! hehe.
Kung ano man ang magiging resulta ng meeting niyo ni Mamang Buwan, siguradong nakahanda kaming sumuporta sayong susunod na hakbang Sean! :)
yesterday po ba yung malapit ang buwan sa earth?ang ganda ah..lalo pag may telescope ka.
salamt po pala sa araw-araw na pagbisita.lapit na bday ko.hehe
galing mu talaga magtalinghaga :)
is this poem in reference to the the 'super moon' news na kumakalat? magdadala ng trahedya at kalamidad ang paglapit ng buwan sa earth.
i've always loved the moon. lunatic ako eh. malikot ako kapag kabilugan. ahaha. pwera biro :)
kuya sean nahingi ka na kay mr. moon ng signs para magdesisyon kung aalis ka at kukunin nag offer na trabaho. i think related ito dun sa dati mong post.
di ko lang alam kung tama ako.hehehe
pero pray ka lang para makapagdecide ka ng maayos at pag-usapan nyo iyon ng asawa mo. ako man hirap din sa isang relationship kapag malayo siya sa akin...
goodluck
taray nakikipag usap sa moon!hehehe
@kiks: hahaha oo nga siya ang susi. salamat sa confirmation kiks.
@hard2getxxx: yeah definitely need that brightness.
@mr. chan: that's so nice mr. chan. oo nga dapat sa Kanya tayo mag-turn to.
@ms. chuniverse: thanks ms. chuni :)
@egg: aww, thanks eg. sana nga!
@xall perce: that's true.
@ keatondrunk: naku andami nga nagsasabi. gusto ko ring mapanood. thanks kd!
@nimmy: salamat ading!
@uno: hahaha! oo nga ang gulo gulo.
@hot bicycle: yeah i think that's what the name stands for. ay hehehe. thanks.
@mr. g: ay saan pa ba nakakabili ng mga pene movies? gusto ko niyan hehe.
@desperate houseboy: uy wag naman parusa.
@nyabacho1: thanks mare.
@louie: naku maraming salamat louie.
@emman: ay nung weekend pa di lang ako nakapag-computer para sa entry hehe. advanced haberdey!
@nowitzki: thanks nowitzki. yeah tungkol nga dun sa super moon kaso medyo late hehe. naku dapat pala mag-ingat kami sa iyo pag bilog ang buwan.
@kyle: oo nga kailangan ko ng sign! at oo related siya sa previous one. yaeh kailangan ko ngang magdasal ng mataimtim. thanks kyle!
@mac callister: nauulol na ata hehe.
Post a Comment