Wednesday, March 2, 2011

Tagsibol (Good Vibes)


Pinilit kong bumangon. Pinagpag ko ang kumot bago ito inilatag sa ibabaw ng kama. Pumailanlang ang alikabok ng mga nakaraang araw at sumayaw sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw sa may bintana.

Pagkagayak ay umupo ako sa labas para lasapin ang init ng yakap ng araw. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinaubaya ang aking katawan, hanggang sa nanuot ito sa aking kaibuturan. Napawi ang kapit at amoy ng alimuom at naging ganap ang pag-angkin sa akin ng liwanag.

Sabay sa aking pagmulat ay ang pagyabong ng mga kulay at paghuni ng mga ingay. Humayo ako nang may sigla ang hakbang, upang busugin ang matagal ko nang di naramdamang gutom.

photo credit: my.opera.com

17 comments:

Nimmy said...

honglalim kuya! pero feeling ko bagay sa akin 'to. hahahaha

Kyle said...

malalim nga. basta ang intindi ko positive ka sa mga bagay-bagay ngayon. anong meron kuya sean?

hahah cocoment sana ako na "yes, summer na nga" pero napaisip ako "tag-araw" pala yung tagalog dun hindi tagsibol.wahahaha

DENASE said...

Oo nga tagsibol na. mainitinit na rin.

good day folk

follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

uno said...

kain ka na kasi

Desperate Houseboy said...

ayos to, good vobes lang palagi. :)

Akoni said...

sana tuloy-tuloy ang ligaya...

ISTAMBAY said...

hindi ko na hinukay ang kailalliman..

basta, mas magandang salubungin ang umaga ng may ngiti. Hayaang dumaloy ang sikat ng araw sa loob ng bahay. Napakagandang panimula sa panibagong araw ng ating buhay..

magandang araw po sir sean :)

Mr. Chan said...

hehehe, naalala ko dati andami kong friends sa FB na nagpost na GV GV Today!

minessage ko pa sila pra itanong kung anu yun. akala ko malkaing event nung araw na yun!

Good Vibes lng pala! hahahaha


Great to know that you have Good Vibes now! lol

emmanuelmateo said...

mainit init na nga ngayon peo pg gabi, malamig pa rin d2 sa ilocos. Good morning Kuya.

shenanigans said...

ramdam na ramdam ko din yung init ng araw.. haha!

poetic! :)

genius!

Mr. G said...

seize the day!

egG. said...

ganda araw kuya sean!!!!

GV GV GV

chuvachuchu... lol

------

ang lalim nung entry mo.... hehehe :D

~Carrie~ said...

Nang dahil sa larawan, na-inspire akong magsulat (di ko lang alam kung matatapos):

TAGBILOG

~Carrie~ said...

Nang dahil sa larawan, na-inspire akong magsulat (di ko lang alam kung matatapos):

TAGBILOG

c - e - i - b - o - h said...

hindi ko alam kung anung icocomment ko,, naiwan ko yata sa hauz ung utak at puso ko.. ching!

GV GV GV na lang for you!!

Sean said...

@nimmy: haha! sorry po. malamang nga ako lang makaintindi hehe.

@kyle: oo nga. gv lang. forcing myself to wake up from hibernation at makaramdam ng hunger for life haha. oo nga malapit na summer!

@denase: have a good day as well. thanks for visiting and will visit too. busy lang lately.

@uno: haha! tama, nang mabusog na. burp!

@desperate houseboy: yeah sana gv palagi!

@akoni: thanks akoni. sana nga tuluy-tuloy na...

@istambay: oo nga nung sinulat ko masyadong personal kaya ako lang ata makakaintindi hehe. pero ang ganda ng sinabi mo banjo. thanks and g'day din.

@mr. chan: haha oo nga good vibes. sana gv ka rin mr. chan.

@emmanuel mateo: miss ko na ilocos. and ilocano food exp. longganisa!

@shenanigans: haha baka ma-sunburn ka. thank you. :)

@mr. g: thanks sir!

@egg: g'day din to you eg. gv gv gv to you too. haha kunyari lang.

@carrie: hahaha! gusto ko niyan. pabasa after.

@ceiboh: ay hahaha! thanks kiko. gv gv gv din to you!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...