Saturday, March 19, 2011

Basta't Tayo'y Magkasama


Dinatnan ko ang bahay na madilim, walang tao. Hindi pa dumarating ang aking asawa mula sa sariling lakad. Binuksan ko ang ilaw. Matagal itong nag-uumandap bago nakapagpakalat ng malamlam nitong liwanag. Hindi pa rin namin ito pinapalitan, dahil maghintay ka lang at mas lumiliwanag rin ito.

Ilang linggo ko nang pinag-iisipang tigilan na ang pagiging isang maybahay. Nakipagkita ako kanina sa isang kaibigan na may inihaing posibleng trabaho. Magandang pagkakataon, pero nasa kabilang sulok ng mundo. Napansin niya ang aking pag-aalinlangan, kaya't pag-isipan ko raw muna ito.

Sa pagsasama naming mag-asawa, ilang beses na rin kaming napadpad sa iba't-ibang lugar. May mga pagkakataong siya ang sumama sa akin, at merong ako sa kaniya. Malayo man sa pamilya, lagi pa rin kaming magkasama. Ngunit kailangan niyang pumirmi ngayon dito, nang maalagaan ang sakiting ama.

Pero gusto nga ba naming masuong sa ganitong uri ng pagsubok? At may kabuluhan pa ba ang salitang pagsasama para sa dalawang magkalayo? Malungkot ang aking paligid dala ng matamlay na ilaw. Umupo akong mag-isa, nag-aabang. Naghihintay sa pagtingkad ng mapanglaw na liwanag.

photo credit : shirtlesssexyasian.blogspot.com

15 comments:

Mr. G said...

mahirap nga yan bro. pero kung true love yan, kahit anong klaseng pagsubok, malalampasan nyo din yan...

Nimmy said...

LDR. yikes. mahirap yan kuya. meron naman siguro available work dyan malapit sa asawa mo. pero kung hindi talaga maiwasan, andyan naman ang SKYPE. :)

Akoni said...

I wish you all the best of luck sean. magkalayo din kami ng asawa ko, pero salamat dahil maganda parin ang amin relasyon....

list ng labahan mo?hehe

Akoni said...

aayy kulang...i mean nawala.

egG. said...

kahit wala akong alam sa LOVE...

sgro kahit magkalayo kayo basta sa puso nyo mahal na mahal nyo ang isat isa.. eh parang malapit lang... hehehehe.... malalampasan nyo din ang pagsubok... basta walang bibitaw at siguradong mahigpit ang kapit magkalayo man ang 2 nagmamahalan... heheheh :D

ang cute nung 2 chinito na nasa picture... gusto ko magpapicture sa kanila....

Anonymous said...

ikaw chong ano ba gusto mo.. ang makapagtrabaho na o ang dumito na muna... saan ka ba liligaya? hehehehe

Anonymous said...

you have to think for yourself din minsan and whatever your decision is, i'm sure susuportahan ka naman ng asawa mo :)

hehehe...

ask for a sign :D

Anonymous said...

i agree kay mr. chan. isipin mo rin minsan ang sarili. pero syempre siguro naman susuportahan ka ng asawa mo. matagal narin kayong nagkasama, for sure tiwala narin kayo sa isa'-isa. :)

goodluck po...

Lone wolf Milch said...

lahat naman ng couples nagkakaroon ng pagsubok pero sometimes tong mga pagsubok na to ay lalo nagpapatatag sa relasyon

good luck

c - e - i - b - o - h said...

ang pag-iisip para sa sarili doesn't mean u r selfish naman,, minsan, it's for the benefit of two people,, though maaari tayong mahirapan..

good luck..

Anonymous said...

dilemma dilemma... @_@

bien said...

Oh no LDR.
My bestfriend (a lesbian) and her partner have been together for almost 7 years now. When her partner was sent to Malaysia years ago she made the decision to follow her, quitting her high-paying job. Now it's her partner's turn to quit her job and follow my friend to Australia for her Masters in Accounting.
Goodluck Sean.

Kiks said...

hard to say anything to you right now without revealing the truth about LDRs. i guess, to each his own and you two would simply have to figure out how to go about this.

you have my vote, my heart and whatever in whichever decision you take.

Sean said...

@mr. g: salamat mr. g. sana nga.

@nimmy: yeah mahirap nga kasi di pa ko nalayo sa kanya ng more than 1 week (for work reasons pa - kanya or akin)

@akoni: bilib nga ako sa iyo at ibang ofw akoni at talagang na-nurture niyo ang inyong relationship kahit na magkalayo. takot ako kasi mahina ako sa lungkot. salamat! ay andyan pa rin yung listahan.

@egg: sana nga eg. salamat! takot lang talaga ako. haha oo nga korean duo pero i think may solo careers na sila. model yung nasa kaliwa (hwanhee).

@kikomaxxx: hay ang hirap kiko. kailangan pag-isipan ng mabuti...

@mr. chan: salamat mr. chan for your support. magdadasal ako kay ace of base.

@kyle: salamat kyle :)

@hard2getxxx: salamat din papa hard.

@ceiboh: thank you kiko.

@pipay: i know right! i hate it when this happens.

@orally: yeah, we've also been following each other around and this is the first time that this has happened. hay bien. kaya nga ayokong umalis. marupok akong tao pag dating sa kalungkutan...

@kiks: thanks kiks. i really should talk to him about this. he's always supportive but he knows me the best, including my blind spots i guess. salamat.

Unknown said...

hai..kaya mu yan..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...