Isinara ko ang pinto matapos niyong magpaalam. Dahan-dahan kong binuklat ang papel na nakapaloob sa sobreng inyong iniwan. Puti at ginto, maganda at mamamahalin.
Naka-ukit ang inyong mga pangalan sa itaas ng imbitasyon. Dalawang apelyidong pinagsama. Madaling bigkasin, nagpapatunay na sobrang bagay kayo sa isa't isa, tulad ng nabanggit ko kanina. Nakangiti pa rin ako, bakas ang saya para sa inyo.
Binasa ko ang iba pang mga pangalan. Sa ibaba ng napakahabang listahan ng mga ninong at ninang, nakita ko ang aking pangalan. Best Man. Pang-ilang beses ko na ito, at kailangan ko na namang maghanda ng sasabihin, ng aking toast para sa bagong kasal.
Madaling mag-isip ng mga kwelang bagay na sasabihin, dahil pinipili lang naman akong maging best man ng mga talagang malapit sa akin. Pero parati akong nagtatapos na may iniiwang taos-pusong mensahe para sa mag-asawa, at dito ako mas nahihirapan.
Ngunit alam ko na ang aking sasabihin. Uulitin ko na lang ang dating mga pangarap, ang dating mga pangako ng dalawang pangalang pinaglayo, hindi lamang ng mahabang listahan ng mga ninong at ninang sa hawak kong papel na ginto.
photo credit : weddingbee.com
8 comments:
wow! wonder how it feels to be a bestman.
.
.
why do i feel like there're more stories behind this one. or is it just me over-thinking things?
@ db : in this case bittersweet. you read it right :)
Hmm mag-Google ka na lang ng magagandang toasts hehe... or ibuking mo yung mga embarrassing moments ninyo. Para matakpan ng laughter kung ano mang sad feelings meron ka...
like db, i wonder how it feels to be a best man sa wedding? haha. all eyes on you pagdating sa toast.
for sure you can make one easily! :D
ang husay ng wika mo... rhythmic na masarap sa tenga.
kung sa daming beses kang kinuhang maging bestman, isa lang ibig sabihin niyan, isa kang napakabuting kaibigan...
2 kasal na ang inattendan ko ngayong buwan, dumating na ata talaga ako sa punto ng buhay ko na lahat sila magpapakasal na...
@ glentot : uy! welcome back! I hope ok na lahat. salamat sa pagpayo.
@ doc ced : actually lagi akong may stage fright. kailangan uminom ng marami bago magsalita kaso medyo ata obvious na may tama haha!
@ wandering commuter : salamat. sa kababasa ng komiks yan nung bata ako haha! at sana nga mabuti akong kaibigan. ako rin ganyan - lahat ikinakasal na.
I gather that there is a "story" between the best man and the groom...
@seriously funny: yes, there was hahaha! that chapter had to end because of this wedding...
Post a Comment