Nahila akong mag-shopping at kumain sa HK. At dahil long weekend, ang daming nagkalat na mga kababayan nating dumayo ng HK na para lang itong kasinlayo ng Divisoria.
Masarap maglalalakad dahil ang sarap ng weather. Medyo malamig na pero malakas pa rin ang sikat ng araw. Para hindi naman ako nahuhuli sa porma ng mga chinito at di ako ipagtabuyan habang tumitingin sa LV, Hermes, Tod's, at Prada ng mga bagay na bibilhin ko mamaya sa Ladies' Market, isinuot ko ang aking pinaka high-end branded na get up from Surplus. OA nga minsan sa porma ang ibang tao sa HK. May mga aleng naka pekpek shorts pero naka-boots na halos hanggang singit. Di ba sobrang OA? Di ba sobrang alembong? Di ba?!!! Wait lang, "Excuse me, miss. Where did you get those awesome boots?"
Siyempre tingin-tingin ng mga bagay na mas mura o di mo mahahanap sa Manila. Patok lagi ang H&M sa akin dahil meron siyang mga stylish na damit na di kamahalan. And siyempre dinumog rin siya ng iba pa nating mga kababayan. Ilang minuto pa lang akong umiikot, ang dami nang nakikipagtitigan na mga gwapong Chinito at Pinoy. Sinabihan ko ang aking mga kasama na magkaniya-kaniya na kami sa loob para mas makapili ako ng
So dampot, tingin, tiklop naman ako habang umiikot sa mga hilera ng damit. Napansin ko na may isang Chinito na lagi kong nakakasabay sa pag-iikot. Madalas din na either magkatabi kami o nasa magkabilang side ng hilera ng damit. At siyempre, lagi kaming nagkakatitigan. I swear, pag iisa ang nahugot namin parehong damit, pwede na kaming gawan ng TV commercial.
Bago pa man din kami makaporma, dumating ang ibang mga tao na tingin ko'y mga kapatid at tatay niya. Narinig kong nagtatagalog ang kanilang angkan, at ako'y natuwa. Kababayan pala. Mas maige, dahil baka mas may future.
Dumating na rin ang isa sa aking mga kasama. Kailangan na raw naming makipagkita sa iba pang katropa. Sumakay na kami ng escalator. Pasimple kong sinulyapan ang kinatatayunan ni Chinito at nahuli ko siyang nakatingala at sinusundan ako ng tingin habang kausap ang isang kamag-anak. Gusto kong tumalon sa kaniyang matipunong mga bisig, pero ang pangit namang first impression nun sa aking future in-laws di ba?
Naglakad na kami palabas papunta sa aming mga kasama, pero kahit na hindi naman talaga ako malandi at kaladkaring tao, hindi ko talaga matiis na hindi makilala si Chinoy. Di ba't sobrang meant to be dahil sa HK pa kami pinagtagpo ng tadhana? Nagkunwari akong may nakalimutang bilhin at nagmamadaling bumalik ng H&M. Habang tumatakbo papasok ng entrance at pababa ng escalator, nabuo sa aking isipan ang mga dapat kong sabihin. Nilibot ko ang mga hilera ng damit pati na ang fitting room, ngunit huli na.
Mabigat ang aking mga hakbang pabalik sa aking mga kasama. "O asan na yung binalikan mong damit?" tanong ng aking kaibigan. Malungkot ko siyang sinagot, "Too late, 'pre. Wala na siya..."
photo credit: trendymen.ru, foxywalk - flickr.com
23 comments:
ay naging ex-future jowa tuloy!
ay science teh. kaya next time don't let the moment pass.
lakasan lang ng loob.
@ MkSurf8 : "ex-future jowa" haha. I like the term. napaghahalata ang pagka-ilusyonado.
@ orally : honga! kulang talaga ako sa landi.
gusto mo, bahaginan kita ng aking alindog? Choz!
@ Carrie : Oo, sige pahingi nga niyan! Hahaha!
hahahahaah which h&m was this? wahahahaha queens road? would you remember what he was wearing?
@ punked : yeah queens road. was that you? haha nadyahe naman ako pag nagkataon.
wahahaaahaha im not sure. was this saturday? nov27? mga gabi?
@ punked : hahaha can't remember which day na. what were you wearing? were you with anyone?
i was with family :) hehehe
wahahaha! grey pullover, jeans, flip flops?
hahahaah wasn't me hahaha
sayang!
btw, may nakita din akong mga gwapo sa silvercord na H&M hehe pinoy din sila. heheheh naalala ko nanaman sila kinikilig ako. wahahahahaha! nakasabay ko din
Awww! Sayang haha! Talagang may congregation sa h&m stores nun. We also went there and andami nga din. Hehehe!
wahahahaha ang saya saya talaga sa HK! wahahahaha :) weeeeeee
Oo nga hahaha! And thanks for the short-lived fantasy! Hahaha!
Ayyyy been there. Done that.
Di na ako magpapalampas ngayun... If I see someone I like that equally shows interest, I pounce agad! LOL
Much better kesa leave it to fate when I might get to see him again...
ay oo yan nga ang ipinapayo ng marami sa akin para walang pinagsisisihan :)
kilala ko yung chinito guy sa itaas si takeshi kaneshiro (half chinese half japanese actor)
@ hard : siya nga! uyy crush mo rin ba siya? willing akong i-give up ang aking pagka-dalisay sa kanya hahaha!
hot sya kaya lang konti lang movies at teleserye niya
@ hard : malapit na nga ata akong ma-ban sa Biotherm kasi panay ang haplos ko sa mga posters niya eh. hahaha!
@sean iprint mo yung mga pictures niya at gawin mong poster at pwede na pagnasahan hahahhaa
maganda yung isang telserye niya na japanese titled Kamisama, Mou Sukoshi Dake
pinalabas yan sa studio 23 noon
and pwede mo sya panoorin ditey
http://www.mysoju.com/kamisama-mou-sukoshi-dake/
ganda ng story love it
@ hard : haha magpi-print na ako ng lifesize para pagnasaan. uy thanks sa link ha. sige papanoorin ko yan.
Post a Comment