Thursday, December 30, 2010

Eating Alone


Mag-isa na naman akong kumakain ng hapunan. Ilang buwan ko nang ginagawa ito, pero hindi pa rin ako nasasanay. Tamad pa man din akong magluto at maghugas ng pinggan para sa iisang tao kaya't eto na naman. Mag-isang nakaupo sa restawran. "Oo Miss. Mag-isa lang ako," halos araw-araw kong paliwanag sa waitress.

Masaya ang mga kwentuhan sa mga katabing lamesa. Pamilya, grupo ng mga kaibigan, o at least man lang dalawang taong magkasama. Pag puno ang lugar, may lalapit pa at magtatanong, "Sir, gagamitin niyo ba itong upuan?" Talaga namang ipagdiinan pa ang aking pag-iisa.

Pwede kong sabihin na I enjoy the quiet time o kaya nagagamit ko yung panahon para magbasa ng libro, mag-blog, magtrabaho at kung anu-ano pa. Pero hindi. Malungkot. Order na lang ng beer.

Dati, ang aking asawa ang nagdedesisyon kung saan kakain at ano ang oorderin. Pareho kaming makwento, pero mabilis talaga siyang kumain. Umoorder siya ng mainit na inumin habang inaantay niya akong matapos. Ngayon, nahihirapan akong pumili ng pagkain lalo na't para sa isang tao lang. Lagi tuloy isang putahe lang, at ang hirap pang ubusin. 

Gusto ko siyang sumbatan. Ipamukha sa kaniya na lagi na lang siyang may kasamang ibang lalake. Na habang silang dalawa'y masaya sa kanilang pinagsasaluhan, mag-isa akong nagmukmok dito, mukhang tangang pinapanood sa telepono ang aming mga pictures sa kung saan-saang restawran.

Ngunit paano ko susumbatan ang isang mabuting anak na araw-araw nag-aaruga sa kaniyang matanda't sakiting ama? 

photo credit: digital-photo.com.au
     

18 comments:

Nimmy said...

sumama ka na lang sa kanya. sabay kayo alagaan ang tatay nya para more more fun under the sun. hehehe :)

Anonymous said...

sama ka nalang... para naman tatalo na kayong nagkukwentohan...

Sean said...

@ nimmy : oo nga gusto ko sana kaso baka daw lalo mapaaga si tatay-in-law hehe. di bale emote lang minsan. i understand naman :)

@ kiks : naku gusto ko sumama at makipagkwentuhan kaso di nakakaintindi ng tagalog or english hehe.

casado said...

oh...just try to understand him muna, may matinding reason nman pla sya eh...

for now, e di "to go" mo na lang muna mga food at sa bahay kainin para di ka asiwa mag isa kumain hehe..

Happy New Yr Sean!!

bien said...

7 months akong nag-alaga sa tatay ko bago pumuntang singapore. sigurado ako naiintindihan mo partner mo, at natural lang din naman na mag-eemote ka talaga minsan.
on a lighter note, di ako asiwa na kumain mag-isa.

The Princess Boy said...

Ay sus.. alam mo ako rin mahilig ako mag emo pag kumakain mag isa sa labas.. minsan nagpapa cute. hehehe.. pero.. ipanalangin mo na lang na sana gumaling ang tatay nya..

and pray for yourself rin. na everything will be alright. happy new year! i hope you have a good one. :D

ps. I've linked you up, sana ok lang. ex links? :D

JR said...

Whoa! ngayon lang ako napadaan sa blog mo - ang lalim ng pinaghuhugutan mo tsong! Take it easy..Happy new year!!

Nag follow na rin :-)

fox said...

sanayan lang bro!! nasanay na din akong kumain mag isa.

Yj said...

at akala ko ay wala ng lulungkot pa sa kumain ng mag-isa....

you just really know how and when to drop the bomb!

invite mo kasi ako, hindi lang makakasalo ang mapapala mo sakin... may libre pang lapdance... ahahahahaha

Caloy said...

Happy new year Sean! manlibre ka kasi ng friends mo para hindi ka na mag isa kumain. Hehe! Cheers!

my-so-called-Quest said...

awww. don't worry for sure he wished he's with you right now. for now yung obligation nya as a son ang papel nya. happy new year :)

Sean said...

@ soltero : hi papa solts. yah intindihin na lang dahil tama naman yung ginagawa niya. and tama mag-take out na lang ako. pwede ng boys? happy new year!

@ orally : naku napakadakilang anak mo rin pala. kaya ka siguro pinagpapala ngayon. sige dapat matutunan ko yang di pagkaka-asiwa.

@ nielz : matutunan ng rin yang pagpapa-cute na yan hehe. oo nga prayers talaga. happy new year din and i've linked you up.

@ jr : ha fafa!!! maraming salamat at happy new year din sa iyo!

@ fox : salamat sa tip. naku kailangan ko na talagang masanay.

@ yj : haha! naku baka di na natin makain ang mga putahe niyan! Sa ibang bagay tayo mabusog!

@ caloy : oo nga! sige, makapag-set na nga ng budget para diyan. tara kain tayo sa karinderya sa kanto :) happy new year!

@ doc ced : uy thanks doc. oo nga bumabawi naman siya sa ibang bagay. lagi akong may pasalubong na chocolates hehehe. happy new year!

vhinong said...

Hays! Nasanay na rin akong kumain mag-isa, malungkot, yung parang ikaw ang kinakain ng putaheng inorder mo pero I always want to find reason that will at least subside that loneliness and that moment I will find my way to enjoy the meal. Mas masarap talaga kung may kasabay ka.

Tara sabayan kita minsan! happy new year sean.

Sean said...

@ vhinong : haha tara lamon! hope you have a blessed 2011!

Anonymous said...

you'll get used to it. in time. :)

happy new year to you!

Sean said...

@ epiphanonymous : thanks - oo nga masasanay din ako. happy new year to you too!

Noah G said...

ambait naman pala ng partner mu :) you've all the reason to understand, support and love him more :)

hehe. Cheers :) ok lang yan!
Following you na nga pala. gaganda ng mga posts mo XD

Sean said...

@ nowitzki : haha oo mabait talaga siya. thank you sa kind words :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...