Monday, December 20, 2010

Diwa ng Pasko


"Where has the Christmas spirit gone?" sabi ng isang ale nang makita ang kapwa niya nanay na minumura ang staff ng isang department store dahil sa kung anumang inirereklamo.

Oo nga naman. Tuwing magpapasko, bakit ba stressed ang mga tao? Hindi ko alam kung dahil ba sa gastos, trapik, sandamukal na tao, at kung ano pang rason. Marami na ngang nakabakasyon sa kani-kanilang trabaho, ang iinit pa rin ng mga ulo.

Bakit ba kailangang ma-stress? Oo nga't may gastusin, pero tayo naman ang nagdedesisyon kung ano ang nararapat bilhin. Trapik ang mga daan, ngunit may MRT naman (wag ka nga lang makikipagsuntukan kapag siksikan - video). At kahit mabagal ang usad ng biyahe, enjoy namang panoorin ang mga ilaw sa daan at ang mga taong naghahabol para sa kapaskuhan. Kung maraming tao, hindi ba't mas nararamdaman natin ang excitement ng isa't isa? 

"Where has the Christmas spirit gone?" inulit ko yung tanong nung ale. Di ko napigilang sumagot. "It never really left. People nowadays are just too blind to see." Kailangan lang nating makinig sa kahit anong Christmas song para maalala kung ano ang totoong diwa ng pasko. Mula sa isang tunay na bulag na iminumulat ang iba sa mensahe ng kapaskuhan:



photo credit: buzzhumor.com
     

7 comments:

Nimmy said...

nasa puso ko, puso mo, puso nating lahat! hahahaha

go na sa MRT ride! malamig naman. hehehe

advance merry christmas! :)

Sean said...

@ nimmy : winner ang sagot mo! sa iyo na ang korona haha! advance merry christmas din sa inyo ni leo!

Shenanigans said...

kailangan talagang english ang usapan sa mall.. pati ang mga sales lady EOP din

hahaha! chos!

mga impokrito yung mga ganun...

casado said...

mas ramdam jan ang xmas, d2 di gano mo ma feel...i guess, sa mga bata mo mararamdaman yan, nasa kanila ang kilig, ang excitement, ang totoong diwa :)

happy holidays sean!

bien said...

ayyy stressed din ako.haggardness.
may work ako nun at dun sa shop ako magpapasko, wish ko lang umulan nun para di tauhin ang orchard rd para makauwing maaga para magparty-party sa flat

Lone wolf Milch said...

ako din i dont feel xmas pa.
at di maiiwasan na mainit ang ulo ng ibang tao kasi traffic talaga at magastos.

pero isa lang ang nakakalimutan natin sa pasko ay magpasalamat dahil ipinanganak na ang savior natin na si jesus.


at yung ale ha! maldita siya di ba niya alam yung mga nagwowork sa mall eh hirap na hirap din minsan wala pang dayoff mga yan dahil sobrang daming trabaho. some people should be considerate.

Sean said...

@ shenanigans : oo nga hehe. pagbigyan na lang. pasko naman.

@ soltero : hi papa solts! tama ka. nasa mga bata nga ang totoong diwa ng pasko. happy holidays din!!!

@ orally : naku wawa naman. di bale, bumawi na lang sa parteeeeeh!

@ hard : oo nga we should always be thankful. grabe nga yung ale, masyadong feeling, ewan! for me kasi, walang may right na murahin ang isang tao.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...