Sunday, October 9, 2011

Mabenta


Katatapos lang ng mahabang public holiday dito, at simula kahapon ay may pasok na. Lahat ay nagtatrabaho ngayong weekend upang punuan ang nakaraang mga araw ng paglalamiyerda. Upang kumita, isinama ako ng ka-opisina sa isang kliyente at nagbakasakaling makakuha ng benta.

Mag-isa lang kaming hinarap ng kliyente. Babae. Late 40s na siguro. At sobrang accommodating. Nagpakilala kami, at tinanong niya ako kung dati na kaming nagkita. Ngayon lang kami nagkakilala, at biglang ang dami na niyang tanong tungkol sa aking background.

Habang naglalako ang aking kasama, panay ang pukol ng panakaw na sulyap sa akin ng aming kliyente. Makailang beses rin niya akong kinulit kung saan nga raw ba niya ako dating nakita. Baka raw sa TV. Nakabenta naman kami, kaya't masaya kaming bumalik sa opisina ng aking kasama.

At doon na ako tinukso ng ka-opisina. Mabenta at artistahin raw ang aking itsura sa mga kliyente, kaya't lagi na raw niya akong isasama. Okay, sana walang kumontra. Minsan lang may ganitong moment, kaya't pagbigyan na. Siyempre, pagka-uwi sa bahay ikinuwento ko agad sa aking asawa.

Hinawakan niya ang aking kamay bago seryosong nagsalita. "Sa Chinese tradition, ang typical na hanap nila ay ang makapagbibigay ng security sa buhay. Yung malusog dahil may kinakain. Mataas ang hairline dahil matalino. Malapad ang ilong dahil swerte," aniya sabay ngiti at kindat.

Hindi ako kumain ng dinner at breakfast. At bago umuwi, dadaan ako ng palengke para bumili ng sabila.

photo from here

13 comments:

Leo said...

Oh wow, it feels like partner is always cynic. But I feel he's funny. :)

Mugen said...

Harsh ni kabiyak ah!

Anonymous said...

hahaha so ibig sabihin pampswerte ka lang sa kanya.. hehehe joke lang...

JJ Roa Rodriguez said...

hahaha... hahaha... what a partner you have!

JJRod'z

bien said...

i thought that remark was funny and without malice or harshness as typical to couples who have been together for the longest time who are still in love with each other.

Ms. Chuniverse said...

Ino-okray ka lang ni hubby. Nati-threaten lang sya sa pagtaas ng market value mo.


Chinese market, that is.


Etchos!


Mwah! :)

citybuoy said...

Aray naman. Sabihin mo busi-busina at moment mo yun. lol

Lone wolf Milch said...

hearthrob ka pala sean :)

Kapitan Potpot said...

Brutal!

Ikaw na ang lucky charm, Sean! Parang gusto kitang i-pirate. Lol.

jelai said...

hehe.. why didn't you eat kuya?? na offend ang drama? hehe..ang sweet ng partner mo..naglalambing lang yun..naisip niya cgurong masaya ang make-up part.. :)

Blakrabit said...

Haha! That cracked me up! Your partner is probably just teasing you! His lines will make a good joke! (:

bn said...

oo ikaw na si piolo pascual ahahaha, pero benta ang mga pahayag ng asawa mo ahah

Sean said...

@leo: yeah he is very funny. i think he learned the sarcastic humor from me. :)

@mugen: haha! karinyo brutal niya yun :)

@kikomaxxx: ay lucky charm talaga ako. tapos sasagot yan ng "oo nga, parang voodoo doll lang"

@jj roa rodriguez: haha! yeah he is funny. :)

@bien: yeah he is like that. and vice versa. :)

@ms. chuniverse: naku ang laking market niyan! over 1billion people at mas maraming lalake. :)

@citybuoy: haha oo nga! minsan na nga lang akong bumenta no! :)

@lonewolf: haha maling gender nga lang :)

@louie: naku sige nga louie at mukhang nanganganib ako dito. jk. :)

@jelai: ganiyan nga siya maglambing. natuto sa akin. karma ata tawag dun. :)

@blakrabit: i was actually impressed. to think that english is not his mother tongue and it still came across funny :)

@ibanez: haha wow piolo. nakita ko siya in person and gwapo talaga.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...