Friday, October 21, 2011

Kachichas


Wala akong kasamang mag-lunch kanina. Mabilis kong inubos ang aking pagkain at gumala na lang sa loob ng shopping mall. Dahil depressing para sa akin ang paglamig ng panahon, nag-impulse buying na naman ako para maibsan ang lungkot.

Bitbit ang pinamili pabalik ng opisina, tinanong ako ng kasamahan kong tsismosa kung sale daw ba. Inamin kong napabili lang ako para maaliw. Natawa siya dahil gawain daw ng babae yun. Gusto kong sabunutan ang kaniyang uni-brow at kulutin ang kaniyang nguso.

Toxic uli ang araw na ito. Halos alas onse na ng gabi, pero may isa pa akong meeting. Said na ang aking lakas, pasensiya, at good vibes. Kaunti na lang ang naiwang tao kaya't binuksan ko ang mga pinamili at isinuot ang bagong sapatos. Kinunan ko ito sabay send ng MMS sa aking asawa.

Natawa lang siya at nang-alaska bago ako muling kinulit na kumain daw muna. Pumatak ang alas-onse, kailangan ko nang pumunta ng boardroom para sa meeting. Tumayo ako't humayo, suot ang aking bagong sapatos at ang panibagong sigla sa aking lakad.

15 comments:

Mr. Hush Hush said...

shoes! hehe it does mellow down the stress! :)

JJ Roa Rodriguez said...

Doesnt she knows, gays shop more than women. Hahaha!

Take care and Have fun! :-)

JJRod'z

bien said...

IMELDA!

citybuoy said...

Imelda talaga! haha

Oh well, we each have our own coping mechanisms. Sana lang di tumuloy-tuloy. Mapapamahal ka niyab. haha

zeke said...

impulse buying, ang lupit! pero kung may pantustos naman sa panandaliang luho, why not? sosyal mo. haha

Lone wolf Milch said...

dami ka ding collection ng shoes? like imelda hihihihi

Mugen said...

So totoo nga ang shop therapy. Last year e in denial pa ako. Hehe. :)

Blakrabit said...

Sweetness talaga kayo ni hubby mo!! ^_^

Kiks said...

i just had my second leather bag made here... impulse buying din ba ang tawag don?

hindi naman no?

Spiral Prince said...

Red stilettos, kuya sean? :)

Leo said...

Sean, nalito ako sa word na "said" sa iyong third paragraph. akala ko english ng "sinabi..." Hahaha.

Natutunan ko na masamang mag-retail therapy lalo na kapag dumadating ang credit card bills.

Congrats on your new shoes. :)

egG. said...

ayy di man lang pinost yung ichura nung shoes... hihihihi :D ilang inches ba ang heels? lol :D

natawa ako dun sa sinabi mong gusto mo sabunutan yung nagtanong ng sale hehehhe... iniisip ko ginawa kaya ni koya sean yon? lol... :D

Sean said...

@mr. hush hush: yes, i love them and they do mellow down the stress :)

@jj roa rodriguez: that is so true! lol! thanks jj, you too. :)

@bien: hahaha oo nga!

@citybuoy: naku nyl, i'm a shoe-aholic. i have remained "sober" for a year, tapos eto na naman ako...

@the green breaker: naku yun ang problema. walang pantustos haha!

@lonewolf: papa milch, in lieu of boys, shoes na lang. juk!

@mugen: hahaha ikaw rin pala mugs!

@blakrabit: haha. i was pre-empting it kasi baka pagdating sa bahay pagalitan ako. pero he is sweet. :)

@kiks: hahaha wow! i love leather. shoes, bags, whips hihihi. siguro pag nakatatlo ka na mapapaisip na ako. :)

@spiral prince: hahaha! how did you know spiral ;)

@leo: nung binasa ko uli, nalito rin ako leo hahaha! thanks and i am dreading the arrival of my credit card bill. :)

@egg: haha baka kasi ma-iskandalo ka sa itsura eg. platform siya, meaning hindi lang may takong. mataas din sa harap. kinurot ko na lang siya sa singit eg. ;)

c - e - i - b - o - h said...

pero aminin mo,, iba ang dating ng pagbili ng hindi sinasadya, maibsan lang ang lungkot at umay na nararamdaman.. hahaha

Kiks said...

whips. whips!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...