Monday, October 17, 2011
Random
Naunang nakatulog ang aking asawa sa tabi ko. Ikinabit ko ang earphones sa aking telepono, sabay pindot sa controls nito. Random itong pumili ng kanta. Isa mula sa grupong Safetysuit na ngayon ko lang narinig. Madalas na ganyan akong magpatugtog. Gusto ko kasi yung nasosorpresa.
Para antukin, binasa ko ang aking mga lumang blog entries. Wala ring flow mula una hanggang huli. Sabog. Parang ako. Kung ano lang ang maisip. Kung ano lang ang nangyari noong araw na iyon. O di kaya'y may biglang naalala mula sa aking nakaraan. Random shit ba.
Pero kung ipipila mo ang mga nangyari sa kanilang pagkakasunod, makikita mo ang nakatagong kaayusan sa kabila ng pagka-random. Na ang aking mga karanasan, walang kwenta't makabuluhan, may kirot o kaligayahan, lahat ay inihanda ako sa pinakamalaking sorpresang darating nang di ko inaasahan.
May kalakasan nga lang itong humilik kung minsan.
(This is the song that randomly played on my phone.)
photo from here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
Super sweet ng twist nito Sean. I like!
this was sweet! lalong tumamis ang kapeng iniinom ko :) have a great week sean!
di completo araw ko kung di ko nababasa ang entry mo and good day sean :)
gusto ko ko...like!
kumusta?
ngayun lng uli napadalaw :)
Life is a series of random occurrences.
Meaning is how we tie these occurrences into a coherent whole.
Ang cute! Mahihiya ang langgam sa inyo. hehe
Plus this song feels good. :) Thanks for sharing.
hi sean... nice song..
new to your blog.... are u based in china? where in china?
--suzhouren--
kinilig ako sa comment ni ser hard... grabe na itech... super mega ngiti lang ako hahahaaha.... NKKLK....
----------
on topic... parang diary na rin ang blog eh nohh??? hihihih... yung kpag me gusto kang balikan na pangyayari....
nga pala me bagong malware ulit oh.. yung manila bitch... hiihihih.. san kaya nanggagaling yang mga malware cheverloo na yan...
ayyiiiiii
hahaha oo kaw na kasi sweet... hahha
ikaw na ang may earphone! char!!
i say it's not random shit, as long as you've written what's inside you.
Hehe ako naman nasobrahan ata sa gulo ang mga entries ko hehe : )
Sweet : )
sweet.
yaan mo na ang hilik, kasama yan sa package
@leo: aw, thanks leo :)
@zaizai: thank zai. have a great week as well!
@lonewolf: naku binobola mo ata ako papa milch ha. :)
@jay rulez: ei, i'm doing ok jay thanks. musta na?
@rudeboy: nicely put rudie.
@citybuoy: hahaha! thanks nyl :)
@suzhouren: hi there. thanks suzhouren. we shuttle between shanghai, shenzen and guangzhou. good thing you can access blogs.
@egg: haha. oo nga eg parang diary di ba? oh no meron na naman? i removed the link so sana ok na. thanks ulit ha.
@akoni: uy musta na ang daddy?
@kikomaxxx: hahaha minsan lang naman batman
@ceiboh: yeah, laging what's within me kaya minsan tuloy ako lang nakakaintindi haha.
@daniel: haha pero i like your entries ha. thanks daniel.
@bien: naku sa totoo lang ako ata mas malakas humilik sa aming dalawa.
Post a Comment