Hindi ko ugaling mag-delete ng contacts sa cellphone. Tamad talaga akong mag-update ng address book, kahit paso na ang ibang number. Kaya naman laking gulat ko nang makakuha ako ng text sa kaniya. College pa kasi nang kami'y huling nagkita.
"Miguel is now using Viber..." Ah ok, automatic notification lang pala.
First day of school nang kami'y nagkakilala. Isang unlikely friendship dahil napakatotoy niya, lumaking sheltered samantalang lahat ata ng bisyo't katarantaduhan ay nagawa ko na. Mula noon ay di na kami nagkahiwalay. Araw-araw magkasama, buong gabing magkausap.
Unti-unting lumaki ang aming barkada, pero si Jen ang naging pinakamalapit sa aming dalawa. Dahil sa mga naging problema ko sa bahay, sila ang kinilala kong tunay na pamilya. May mga gago nga lang na nagtatanong kung threesome daw ba ang aming setup.
Senior year nang ang dalawa'y nagsabing sila na. Nag-uumapaw ang aking saya para sa kanila. Walang nagbago sa amin, ngunit kusa akong lumayo. Kumalas upang magbigay space sa bago nilang pagsasama. Lagi na akong may excuse sa tuwing ako'y kinukumbida.
Ilang araw bago ang graduation nang sila ay mag-away. Umamin sa akin si Miguel, nangaliwa raw siya. Di ko mapigilan ang aking galit. Walang tigil ko siyang pinagmumura, at malamang ay nabugbog ko kung di ako napigilan ng iba. Natigil na lang ako sa tanong ng isa naming kabarkada.
"Bakit ka ba galit na galit? Cool ka lang pare dahil hindi naman ikaw ang niloko. Alam kong malapit ka kay Jen, pero nakakalimutan mo atang si Miguel ang best friend mo."
Tama nga ang aming kaibigan. Bakit ganun na lang ang aking galit? Hindi ba dapat ay nanatili akong objective at pareho silang inintindi at inalagaan? Hindi na kami nagkita matapos ang graduation. Saka ko na lang naintindihan ang nangyari, at naamin ito sa aking sarili.
Totoong hindi nga ako ang niloko. Ako lang ang umasa.
photo from here

17 comments:
Bittersweet epiphany at the end, Sean.
salamat sa pic sa entry na ton sean, alam ko na kung sino ang soul mate ko! :)
Ganda ng twist sa dulo. :)
Ang galing! :)
been there done that. i hate those "Bizarre Love Triangles." i'm usually the one who end up getting bruised after everything's been said and done.
and oh. i got distracted by the picture, not gonna lie...
awww..... :(
aaaaayyyy!!!!!!!!!! super like ko ang entry na to... NKKLK>..
so ibig sabihin... bad ass ka pala ser sean nun college days mo. siguro ka level mo sina robin padilla isama na naten si bebe gandanghari nun siyay binata pa... NKKLK.. so siguro astig kang tao.. lolz... hhehehe :D
------------------
ask lang.. nun panahon na yun ba eh attracted ka n ba kay miguel kaya ganon na lng ang galit mo? hope sana OK na kayo ngayon... :P
anyway.. me malware blog mo.. alisin mo sa blogroll yung me malware... yun lang bow... kumowment lang ng bonggang bongga.. wala lang :D
Nice. Gusto ko yung realization sa dulo. Galing! :)
I am now a fan.
twists make the sean. (sadly, sometimes you get the malware and my PC wouldn't want you in... :-(
I miss reading your post ading. Ang astig pa din ng twist mo! Ang astig ng closing sentence! Eeeeeeeeee!
@rudeboy: hi rudie. it was indeed. didn't expect i would and didn't realize that i had already fallen for him...
@zaizai: hahaha! cute siya no?
@mugen: thank you mugs. :) congrats nga pala sa anniversary niyo ni baabaa. sobra akong kinilig sa series of posts mo, kaso di puwedeng mag-comment, kaya dito na lang ako babati. :)
@leo: hi leo. naku, maraming salamat :)
@nikki: hay, pareho pala tayo... hahaha he is cute no?
@ronronturon: oo nga... :(
@egg: thanks eg. hahaha dating pasaway, ngayon naman sobra ang ibinait :P di ko pa alam nun eg pero attracted na pala ako. we're friends sa FB pero we haven't really been in touch. pareho rin kaming sa malayo napadpad. and sobrang thank you nga pala sa advice mo on the malware thingy. sana wala nang problema :)
@marxlin chai: aw, thank you marxlin :)
@pointlessparanoia: naku haha. you're very kind. thanks pp. :)
@kiks: i can now be nicknamed as the twisted one. :) egg warned me about that, and was kind enough to give me step by step instructions on how to deal with it. i hope it worked!
@nimmy: aw, thanks ading. congrats ulit sa graduation from training :)
ganun no, minsan you discover / realize things when it's already too late.. :(
hope is cruel. i love how unexpected that ending was. :)
cute na cute! iminlab! :)
ngayon ba boss eh may natutunan ka na dun...
so this was from your past?
Sir Sean, how come when you write down your past, the feelings seem to be so fresh, so present?
It amazes me, at the same time find it troubling.
Oh, and I can relate to the love triangle thing. Got over it 2-3 years after highschool graduation.
Post a Comment