Friday, July 1, 2011
Sukli
"Magkano?" ang tanong ko sa kaniya.
"Ser, kayo na ang bahala."
At eto na naman tayo. Kaya nga ayokong namimili sa palengke. Iwas akong makipagtawaran. Bakit kasi hindi na lang ipaskil ang presyo ng lahat ng paninda. Lantaran na. Para kung swak sa budget mo, sige. Kung hindi, eh di walk away ka na lang. Wala nang paligoy-ligoy. Isa na lang siyang simpleng transaksiyon.
"O heto," sabay abot ng pera. "Sa iyo na ang sukli."
Ngumiti ang loko, iniabot ang natirang panindang bulaklak, sabay karipas ng takbo palayo. Isinara ko ang pinto ng kotse, at chineck kung naka-lock na nga ito. Nilampasan ko ang mga guwapong nakatambay sa labas at ang kanilang mga motorsiklo, bago pumasok sa medyo tagong lagusan.
"Magkano?" ang tanong ko sa counter.
May isinagot siya. "Sa masahe yun. Sa ibang usapan sir, bahala na kayong dumiskarte."
At eto na naman tayo...
photo from here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
Ano ung ibang usapan? hehe...
un din ayaw ko sa palengke, hindi kasi ako marunong tumawad.
Ang sweet mo naman binibigyan mo pa ng bulaklak ang masahista. Choz. Haggling haggling pwede namang hugging agad. Tawad tawad pwede namang tuwad agad.
d ko siya nagets..... magbabasa na lang ako ng ibang comments.. mmiya... ikaw sean.. napakaadventurous... lol... :D
anyway.. jusmiyo lang yung nasa picchur!!!!
kapag ung nasa pic ang magmamasahe, asus. kahit magkano, go! lols.
Ngitian mo na lang, kuya. :)
Life is full of bargains... Is there a trade secret to make u have a winning position all the time...
I like the way you write. No in your face vulgarity. Bravo.....
bayaran mo ng singkwenta papi. sa susunod, magpepresyo na yan.
Hey Sean. I'm reading your entries via google reader.
(Naiingit ako. Ang flawless mo mga-construct ng sentences sa tagalog and at the same time, ganda ng mga passages)
ahhhhhhhh. ingat ka palagi ading....
@akoni: pareho tayong hindi marunong tumawad! ano na nga ba yung ibang usapan, di ko natanong haha!
@bienvenido_lim: sayang nga at di niya na-appreciate yung bulaklak ng katuray na nabili ko. hahaha oo nga pinatuwad ko na sana agad :P
@egg: hahaha. eto number niya eg, para ikaw naman ang adventurous...
@^travis: kung maraming ganyan, pakyawan na! :P
@spiral prince: oo nga, gamitin ang aking mona lisa smize. :)
@jj rodriguez: saan ba nabibili yan jj.
@anonymous: hi anon. thank you :)
@desperate houseboy: bente ba hindi na tinatanggap ngayon? :P
@dabo: hi dabo! aww, thank you! *blushes (kasi from one of the masters)
@nimmy: salamat ading. recovered ka na sana from your mishap.
Post a Comment