Thursday, July 14, 2011
Naghihintay
Matagal na akong nakatambay dito, nakikisilong, inaabangang humina ang ulan. Hindi rin naman ako nainip. Tutal lahat naman tayo, laging may hinihintay. Oras ng uwian. Jeep na masasakyan. Teleseryeng sinusubaybayan. Kinsenas at katapusan.
Pero ang iba, higit pa sa pangkarinawang bagay ang inaabangan. Tawag ng trabahong inaplayan. Sagot ng nililigawan. Magbago ng ugali ang asawang di maiwan. Maayos ang nasirang pagsasama at ikaw ay balikan. Mga bagay na babago sa ating buhay.
Sa mga mahalagang bagay, matiyaga tayong naghihintay. Umaasa. Nagdarasal. Pero minsan, hindi talaga nakalaan, hindi dumarating ang matagal nang inaabangan. Kung ikaw ay naghihintay, dapat ba ay hanggang kailan?
Tiningala ko ang patuloy na pagbuhos ng ulan. Hindi ko mawari kung ito ba'y hihinto pa o di kaya'y lalong lalakas. Nagsindi ako ng sigarilyo. Dapat ko na ba itong suungin, o patuloy pa ba akong maghihintay.
photo from here
Labels:
life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
haayyyyyyzzzz :(
wala lang nalungkot lang after mabasa ang entry... pero di ko siya gaano nagets bka me metaphor eh...
haayyyyyyzzzz :(
wala lang nalungkot lang after mabasa ang entry... pero di ko siya gaano nagets bka me metaphor eh...
i'm not sure why, but while I was reading this, I can imagine Cesar Montano reading the lines as voice-over a movie scene shot in EDSA.
galing mo Sean! :)
Kung ikaw ay naghihintay, dapat ba ay hanggang kailan?
yan din ang tanong ko Sean at hanggang nayon ay naghihintay ako. Baka naman kasi may dumating ng iba at lumipas pero nakaabang pa din ako dun sa isa :)
Nice!
Comment entirely unrelated to the contents of the entry: Type ko yung guy sa pic. Hahaha!
ano iniintay mo sean? hehehehe
pareho kami ni egG di namin gets.
nageemote ka ba ngayon or depressed?
some things are really just not worth the wait.
baka kagatin ka pa ng Aedes aegypti kakahintay, magka-dengue ka pa. lols
mahirap maghintay ng walang ginagawa. habang naghihintay, keep yourself busy.... by looking at and taking pictures of the guy in the MRT station, feeling his hard chest while in the sight of many pasaheros, hehehehe.
nakakalungkot ang maghintay. lalo na kung wala kang magawa.
(back in HK and hence, back in the blog world.)
nice....lahat ng tao may hinihintay...may mga bagay na mas mainam na hintayin kung ano man un di ko pa alm
Hayyy...
*hug*
ako din...may iniantay na magpapabago ng buhay ko...pero wala na sa mga kamay ko ang mga ito...walang maggawa kundi mag antay...
ohhhhhh. hugs ading! i'll include you in my prayer tonight..
Naalala ko tuloy yung kanta.
"Go ahead and live while you're alive. Everybody's waiting
for someone to come home."
May mga bagay o taong na worth it naman hintayin e. Hehe. Afterall, minsan, one finds wisdom in waiting.
nahirapan ako e digest infairness. but since it's all about pag o naghihintay... may mga bagay na u really need to wait for the right timing. kasi minsan kahit ok na bad mali ang entrada, palpak...
JJRod'z
good things come to those who wait daw, pero kung delayed na naman ang mens mo sean, mag cytotec ka na. smileeeeee
hay ang lungkot ng poem...
Ewan ko. MInsan kasi pagsinabi kong ayaw ko na maghintay, kabaliktaran ang nangyayari, mas lalo akong naghihintay. The best ka talaga
What do you mean?
@egg: haha nalulungkot ako recently pag umuulan eg.
@leo: wow! thanks leo :) pwede kang direktor!
@mr. chan: ang hirap talaga mag-move on no? di bale mr. chan darating din ang nararapat na bagay sa tamang panahon.
@seriously funny: haha type mo pala talaga ang mga chinito!
@lonewolf: pareho ata hehehe. sana dahil lang sa pag-uuulan :) bakit? aaliwin mo ba ako papa milch? juk!
@^travis: oo nga pero minsan saka mo na lang nalalaman when you look back. oh no! magpahid ng off lotion!
@kiks: hey na-miss kita! welcome back kiks!!! naku baka maraming mainggit, magang bang ako niyan.
@akoni: oo nga. kung importante yung bagay para sa iyo, dapat tiyagain ang paghihintay.
@spiral prince: thank you, sp :)
@mac callister: sana naman dumating rin ang iyong hinihintay mac.
@nimmy: salamat ading!
@tantan decena: mahanap nga yang song na yan.
@vince: that is so true!
@jj rodriguez: oo nga, minsan nasa timing lang. thanks jj.
@bienvenido_lim: tama! hahaha oo nga o baka pwede na yung mga nabibiling nakaboteng pamparegla sa quiapo. thanks bien :)
@kikomaxxx: uy kiko you're back na rin! missed you!
@ibanez: oo nga bakit ganun ano? hayyy...
Post a Comment