Monday, July 4, 2011
Pantasya
Madaling araw. Nagising ako sa tunog ng aking celphone. Masamang balita. Kailangan kong umuwi. Bumili ng ticket. Mag-impake. Magmadali. Bakit nga ba kailangang magmadali kung wala ka nang hinahabol. Na kahit anong gawin mo, wala ka nang aabutan. Hindi ka na makakapagpaalam.
Ayoko na munang isipin.
Di na ako dinalaw ng antok. Naligo ako at nagbukas ng bagong pakete ng panloob. Isinuot ko ang puting YC bikini. Nagdalawang isip kung pati na ang sando. Kinuha ko ang macbook ng aking asawa at ipinatong sa harap ng TV. Kaunting adjustment at nakita ko ang kabuuan ng aking sarili sa screen. Nice.
Play. At pumailanlang ang napili kong kanta.
Record.
Umupo ako sa puti naming sofa. Maganda ang lumabas na contrast sa bagong tanned kong kutis. Kaunting stretching habang nakatingin sa bintana. Dahan-dahang paglingon sa camera. Kamay sa leeg. Piling daliri sa mukha. Higitin pababa ang garter. Ipihit ang katawan at dumapa sa sofa. Lingon ulit. Dagdagan ng pagnanasa. Gapang, gumapang palapit sa camera.
Parang ganito lang.
Pansamantala akong nawala sa sarili at sa aking pantasya. Natuwa at natawa sa aking pagpapakatanga. Butil-butil na ang pawis sa aking noo, pero sige pa rin sa kaadikang ginagawa. Hanggang ang mga ito'y isa-isang pumatak at dumaloy sa aking basang-basa na palang mukha.
Stop.
photo from here
Labels:
adik
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Awe, I wish I understood. I'll wait for a post written in English.
Yan na muna ba ang remembrance mo sa asawa mo habang umuwi ka? Naku, baka di ka niya payagang umuwi.
At sana, kung ano man yang bad news na yun, okay pa rin ang lahat.
My sincerest commiserations..
Oh Bette Davis Eyes. Kakaiba ang coping mechanisms mo. Kelangan magbaliw-baliwan minsan. Well if it works for you.
kaloka.. nagpapakaHOT.. heheeh ikaw na HOT..
anyway.. yung badnews sa pinas.. yaka mo yan.. hehehe :)
Haha parang gets ko na hehe, wet na wet and post nato' : )
It's crazy how life goes on and on and on. Despite everything. Despite nothing.
(If this is real then) I offer my sincerest condolences.
*hug*
@the.island.guy: aw, sorry island guy.
@juan der last: hahaha. pag nakita niya ang tiyan ko, baka mabilis akong palayasin kamo hehehe. thanks juan.
@clarence: thank you.
@bienvenido_lim: oo nga. parang adik lang. it works naman. minsan.
@egg: try mo rin hahaha. salamat eg.
@daniel: naku baka binaha na diyan!
@citybuoy: that's so beautiful. thanks nyl!
@spiral prince: thanks sp. back at you.
Post a Comment