Saturday, July 2, 2011
Tampong Kulangot
Maliliit na mga bagay. Minsan ay diyan kami nagkakainisang mag-asawa.
"Buksan natin ang aircon ngayong gabi. Di ko kaya ang init," pasabi niya habang naghahandang matulog. "Ha? Tama na itong electric fan. Walang timer yan. Nagbabara kasi ilong ko pag sobrang tagal," sagot ko sa kaniya. Humaba pa ang usapan, pero nanaig ang aking gusto nang nauna akong sumimangot.
Habang kami'y magkatabi, balisa sa pagtulog ang aking asawa. Pihit dito, baling doon. Takip at tanggal ng kumot. Taas ng t-shirt. Ayos ng unan. Halatang hindi kumportable dahil sa init ng panahon. Pasikreto akong bumangon at binuksan ang aircon nang di niya namamalayan.
Unti-unting natigil ang kaniyang pagkabalisa. Tuluyan na rin siyang nahimbing. Nagtago ako sa ilalim ng kumot at nakatulog na rin. Nagising ako nang madaling araw para umihi. Mainit ang kwarto. Walang bara ang aking ilong. Aba't naisahan ako ng loko. Patay na ang aircon.
Maliliit na mga bagay, diyan nga kami minsan nagkakainisan. Pero kadalasan, sa mga munting bagay din na yan namin lihim na naipapakita ang laki ng aming pagpapahalaga sa isa't isa.
photo from here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
tama ading! sa small gestures mo talaga mararamdaman ang pak na pak na pagmamahal. lakas ng impact! :D
na-touch lang me sa ending. :) sweet. galing you magsulat ng mga ganito, napapangiti ako.
in love ka ngayon teh? hehe. galing mo magsulat. bongga!
ok minsan ung magpacute kahit nakkainis hehe ska pangdagdag thrill yang konting away
I hate you. Hehehe. Inggit lang to. :)
Hang sweet naman. Hehehe. :)
sweet talaga
sweet talaga
Ramdam na ramdam ko 'tong entry na to. :)
ang sweet nyo naman
:)
Hays- Talaga nga naman Sean. Ako wala na yatang balak mag boyfriend pa. Kamamatay lang ni Teddy eh..
aaaaaaw. that was so sweet. :)
ang sweeet lang... haaayyyzzzzzzzzzzzz......
*kilig*
sweet ng asawa mo kuya sean... you both proved na kaya nyong magsacrifice para sa isa't-isa... :)
@nimmy: gusto ka sanang magsabi ng "pak!" pero nahihiya ako hahaha. gusto ko yang phrase na ginagamit mo - lakas ng impact!
@akoni: salamat akoni :)
@nyabach0i: ay halata ba sobra hehehe. salamat nyaba :)
@keatondrunk: oo nga! hahaha!
@juan der last: hehehe. thanks juan!
@mugen: hahaha! paminsan-minsan, master.
@bienvenido_lim: pag di tinotopak
@leo: thank you leo :)
@lonewolf: hahaha. thanks papa milch.
@tim: ay bakit naman, tim? sino si teddy? sorry di ako updated...
@iamrei: haha. thanks iamrei. :)
@egg: hahaha minsan lang naman eg.
@kuya kyle: sana wag nang subukin sa malalaking sacrifices hehe.
baka pwede pang humabol sa comment.. hihihi..
so true, it's in the small things na makikita natin how important we are for our partners and vice versa.. hindi kelangan ng mga bonggang eksena to feel it, minsan hindi mo na nga namamalayan, not unless iisipin mo ang nangyari..
palagay ko gininaw din. baka naman gusto nya yakapin mo sya kaya gusto malamig. Hehe.
OO nga, minsan mas sweet or sobrang sincere yung isang bagay lalo na't hindi sinasabi o ipinagmamalaki.
Naku sobrang sweet nyo muntik ko nang ihagis comp ko dahil sa kilis ahahah
@ceiboh: tama kiks!
@mr. g: hahaha oo nga no! pwede. aba kung ganun langhiya! hehehe.
@ibanez: hahaha naku sayang yang computer mo!
nakakakilig,kuya (hahaha nakiki-kuya rin).. salamat sa kwento.
@albert: hahaha! salamat albert sa pagbisita :)
Waaaaa! You guys are so sweet! Nakakainis!
@blakrabit: hahaha paminsan-minsan. :)
Post a Comment