Friday, December 31, 2010

Pinaputok Ako ni Katy


Today everyone will be busy ringing in the new year with their loved ones. People are scrambling to complete the preparations for the festivities, reminisce the good times in 2010 and list down their new year's resolutions, plan last-minute gimmicks, and exhaust the last chance for hooking up this year. Before things get too hectic, I just wanted to post a brief and final entry for this year.

It is not easy being in the closet. I have dealt with the angst and confusion alone. Walang makausap, walang mapagtanungan, itinatago ang sarili maski sa iilang mga baklang kaibigan. What makes closeted life lonelier is that I had no friends to share the joy with for the few milestones in my gay life.

I have only been exposed to the world of blogging for around two months, and being part of your virtual lives and this online community has been liberating. It is ironic that except for the anonymity, I have never experienced this much honesty. And thank you for sharing and listening.

I just wanted to share this song, not just for its literal application. For me it is a modern and danceable variant of Cyndi Lauper's True Colors. I hope that 2011 is a better year for all of us. Another year closer to when we can all hopefully live outside our closets (and not just the gay kind).

Thanks again for the friendship that transcends space and time(zones). Happy new year to you and your loved ones!!!



photo credit : bighugelabs.com - LucaRam
  

Thursday, December 30, 2010

Eating Alone


Mag-isa na naman akong kumakain ng hapunan. Ilang buwan ko nang ginagawa ito, pero hindi pa rin ako nasasanay. Tamad pa man din akong magluto at maghugas ng pinggan para sa iisang tao kaya't eto na naman. Mag-isang nakaupo sa restawran. "Oo Miss. Mag-isa lang ako," halos araw-araw kong paliwanag sa waitress.

Masaya ang mga kwentuhan sa mga katabing lamesa. Pamilya, grupo ng mga kaibigan, o at least man lang dalawang taong magkasama. Pag puno ang lugar, may lalapit pa at magtatanong, "Sir, gagamitin niyo ba itong upuan?" Talaga namang ipagdiinan pa ang aking pag-iisa.

Pwede kong sabihin na I enjoy the quiet time o kaya nagagamit ko yung panahon para magbasa ng libro, mag-blog, magtrabaho at kung anu-ano pa. Pero hindi. Malungkot. Order na lang ng beer.

Dati, ang aking asawa ang nagdedesisyon kung saan kakain at ano ang oorderin. Pareho kaming makwento, pero mabilis talaga siyang kumain. Umoorder siya ng mainit na inumin habang inaantay niya akong matapos. Ngayon, nahihirapan akong pumili ng pagkain lalo na't para sa isang tao lang. Lagi tuloy isang putahe lang, at ang hirap pang ubusin. 

Gusto ko siyang sumbatan. Ipamukha sa kaniya na lagi na lang siyang may kasamang ibang lalake. Na habang silang dalawa'y masaya sa kanilang pinagsasaluhan, mag-isa akong nagmukmok dito, mukhang tangang pinapanood sa telepono ang aming mga pictures sa kung saan-saang restawran.

Ngunit paano ko susumbatan ang isang mabuting anak na araw-araw nag-aaruga sa kaniyang matanda't sakiting ama? 

photo credit: digital-photo.com.au
     

Tuesday, December 28, 2010

Sa Ngayon Tayo Pumara


Kahapon, hindi ko man lang naisip na hanapin ang ngayon. Ang miminsang saglit na pinakaantay ng marami. Ang sandaling sa ilan ay maaaring di mangyari.

Bukas, samakalawa at magpakailanman, pipilitin kong maging ngayon. Dahil ngayon, narito Ka. Narito Ako. Narito Tayo.

To my partner and best friend in life, happy anniversary! Years younger, we met on this day. We held hands. And since then, we've never let go.


photo credit : apapop.com
      

Monday, December 27, 2010

Nang Inipit Si Jose


What exactly is Rizal Day? All I know is that it is a public holiday between Christmas and the new year. I'm not one to complain about any excuse to not have to work, but who actually celebrates it? I don't see throngs of people buying gifts or noche buena fare in the malls for this auspicious day. Also, there has been nothing on TV of people losing precious digits for lighting firecrackers in his honor. I am equally sure that nobody received any "Merry Christmas and a happy Rizal day and a prosperous new year" greeting over the holidays. He may be our national hero, but how can one compete with Christmas or the new year?

While I don't understand its meaning, I personally like this holiday. The chaos brought about by the Christmas festivities has died down, and it provides a welcome respite just before the new year celebrations start picking up. It is the time when opened Christmas presents are most cherished and new year resolutions are drafted. The traffic is generally not as bad, and spending takes a very brief breather. There is also more time for myself. Whatever it is one does on this day, I don't think it is about good old Jose.

I feel for the guy though, for the importance of this man and his day seem lost on us. It's now more of an ipit holiday between Christmas and the new year. Nevertheless, he is still the face of the peso, the most important driver of the two major holidays that his day brings together.

For everyone that's taking a breather, have a good and hopefully quiet Rizal Day!

photo credit : thedoctorsindyshow.com
  

Wednesday, December 22, 2010

Spotlight's On Me


Nakaupo ako sa isang sulok. Tulala. Wala akong naririnig sa mga sinasabi ng mga tao sa aking paligid. Masaya sila. Nagkakantahan pa.

Nang tumagal, isa-isa silang umalis ng walang paalam. Isa-isa ring namatay ang mga ilaw. Nagdilim sa loob, ngunit may mumunting liwanag pa rin sa mga kandilang naiwan sa katatapos na pagdiriwang. Maging ang mga ito ay unti-unting naparam, hanggang sa ako'y mabalot ng dilim.

Nanatili lang akong nakaupo. Nakikinig sa katahimikan. Marahan ang paghinga. Blangko ang isipan. Nakikiramdam.

At doon ko siya naramdaman. Mahirap ipaliwanag, pero parang may liwanag na nakatuon sa akin. Liwanag na nanunuot sa aking kaluluwa at unti-unti akong pinupuno ng sigla. Sa gitna ng dilim, nanatili akong tahimik at walang laman ang pag-iisip. Matapos ang ilang sandali, unti-unting kumalat ang liwanag sa labas, at ako'y marahang tumayo at tumungo sa bagong gising na umaga.

Ganyan ang aking huling Simbang Gabi. Naghihintay na makadaupang-palad ang Panginoon. Tahimik, maski ang pag-iisip, walang kailangang hingin o sabihin dahil alam kong alam na Niya. At tulad ng sa bawat araw, ako'y Kaniyang pinagpala. 


photo credit: flickr.com - MarkyBon
    

Monday, December 20, 2010

Diwa ng Pasko


"Where has the Christmas spirit gone?" sabi ng isang ale nang makita ang kapwa niya nanay na minumura ang staff ng isang department store dahil sa kung anumang inirereklamo.

Oo nga naman. Tuwing magpapasko, bakit ba stressed ang mga tao? Hindi ko alam kung dahil ba sa gastos, trapik, sandamukal na tao, at kung ano pang rason. Marami na ngang nakabakasyon sa kani-kanilang trabaho, ang iinit pa rin ng mga ulo.

Bakit ba kailangang ma-stress? Oo nga't may gastusin, pero tayo naman ang nagdedesisyon kung ano ang nararapat bilhin. Trapik ang mga daan, ngunit may MRT naman (wag ka nga lang makikipagsuntukan kapag siksikan - video). At kahit mabagal ang usad ng biyahe, enjoy namang panoorin ang mga ilaw sa daan at ang mga taong naghahabol para sa kapaskuhan. Kung maraming tao, hindi ba't mas nararamdaman natin ang excitement ng isa't isa? 

"Where has the Christmas spirit gone?" inulit ko yung tanong nung ale. Di ko napigilang sumagot. "It never really left. People nowadays are just too blind to see." Kailangan lang nating makinig sa kahit anong Christmas song para maalala kung ano ang totoong diwa ng pasko. Mula sa isang tunay na bulag na iminumulat ang iba sa mensahe ng kapaskuhan:



photo credit: buzzhumor.com
     

Sunday, December 19, 2010

Toast Ng Best Man


Isinara ko ang pinto matapos niyong magpaalam. Dahan-dahan kong binuklat ang papel na nakapaloob sa sobreng inyong iniwan. Puti at ginto, maganda at mamamahalin.

Naka-ukit ang inyong mga pangalan sa itaas ng imbitasyon. Dalawang apelyidong pinagsama. Madaling bigkasin, nagpapatunay na sobrang bagay kayo sa isa't isa, tulad ng nabanggit ko kanina. Nakangiti pa rin ako, bakas ang saya para sa inyo.

Binasa ko ang iba pang mga pangalan. Sa ibaba ng napakahabang listahan ng mga ninong at ninang, nakita ko ang aking pangalan. Best Man. Pang-ilang beses ko na ito, at kailangan ko na namang maghanda ng sasabihin, ng aking toast para sa bagong kasal.

Madaling mag-isip ng mga kwelang bagay na sasabihin, dahil pinipili lang naman akong maging best man ng mga talagang malapit sa akin. Pero parati akong nagtatapos na may iniiwang taos-pusong mensahe para sa mag-asawa, at dito ako mas nahihirapan.

Ngunit alam ko na ang aking sasabihin. Uulitin ko na lang ang dating mga pangarap, ang dating mga pangako ng dalawang pangalang pinaglayo, hindi lamang ng mahabang listahan ng mga ninong at ninang sa hawak kong papel na ginto.

photo credit : weddingbee.com
    

Wednesday, December 15, 2010

Namamahay


Ako'y napabalikwas sa kama.

Madilim. Malamig. May marahang ihip ng hangin na nagmumula sa maingay na aircon.

"Gising, Sean, gising..." bulong ko sa aking sarili.

Unti-unting nasanay ang aking mga mata sa dilim, ngunit hindi humabol ang kalinawan ng pag-iisip. Hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Pigil ang umuusbong na takot, hinawi ko ang kumot upang umupo at binuksan ang nakapang munting ilaw sa tabi ng kama.

"Sean, come back to bed," lambing ng pamilyar na boses.

Nahawi ang dilim sa kwarto. Bagong lipat sa mas malaking bahay. Kaniya ang mga di pamilyar na kasangkapan. Isang buntong hininga at pinatay ko ang ilaw.

Ako'y bumalik sa kama at sumiksik sa ilalim ng makapal na kumot. Niyakap ako ng aking asawa. Pamilyar ang init ng kaniyang katawan, ang amoy ng kaniyang buhok, ang marahang hilik, ang magaspang niyang kamay, ang aming posisyon sa pagtulog. Ako'y napalagay at unti-unting nakatulog sa aming bagong tahanan ngunit pamilyar naming pagsasama.

photo credit: geekologie.com
 

Tuesday, December 14, 2010

Happy Ever After


A friend got engaged, and she hosted an informal party to celebrate with her friends. As she is based overseas, none of us really knew her fiance. Naturally, the first thing that people asked was how they met. Her audience gushed as the fairy tale was told, and everyone wished her a happy ever after.

Then the question that I have been bracing for came. The bride-to-be turned to me and asked, "Sean, when is your turn gonna come?" It was her defining moment, the first time in years that she was not in the hot seat for the question. For dramatic effect, she even placed her carat-laden hand on her chest. She should have just slipped her ring on a raised middle finger and shoved it in my face.

I have never had my own cheesy fairy tale. Never been charmed by a prince who would promise me the moon and the stars before we rode off into the sunset together. In my youth I always put the cart before the horse. I found "love" in the most unconventional places, and made love before there was love. At times before the first kiss.

We would lie there naked and spent, and only then start to get to know each other. There are no pretenses, no social hurdles to overcome, one just fights the urge to sleep. There cannot be a more raw and honest moment, and with the right person, we may just be able to connect.

I wanted to tell Bridezilla that there is someone in my life and inspire everyone with my own story. But they will never understand, even from the first question (and answer) of how we met. So I just shrugged, smiled and said, "In it's own time." But I am truly happy for my friend, for I know the joy she is feeling. I may not have had a fairy tale, but I am already living my happy ever after.

photo credit: qwickstep.com
      

Monday, December 13, 2010

Princess Boy (Ang Kabaliktaran ng Tomboy)


I will be looking for a copy of "My Princess Boy" this weekend. The book is about a 4-year old boy who likes sparkly dresses (and other things that are traditionally for girls) and his family's support for his behavior notwithstanding the criticism from the people around them. The book has sparked a debate between those that support acceptance and unconditional love vs. those that maintain that parents need to steer a child along the norms of society.

As a child, I didn't feel I was different, until I was told to change. My father told me to behave more manly. My grandmother also said that I should practice speaking with a voice that's an octave lower. Sadly, these sparked feelings of confusion and paranoia. I gradually saw more clearly how my father loved me less, as my mom and aunts tried to cover for the shortfall.

That said, my dad was a responsible father. He tried his best, given that he was an orphan who did not have the benefit of experiencing a loving family. His main goal was for each one of us to have a good future. And maybe that was in his mind when he told me to change.

I tried to conform to the norms of society, and it did make my teen and college years easier. I gained a wider set of friends and became more popular. But I never felt that any of these brought me closer to my father. Maybe because I was still the most effeminate of us siblings, the only one who couldn't say no to my parents.

My dad passed away around this time of the year. Just before he died, he told me that he was very grateful that I was their son. That among his children, I was the most selfless and the only one who was fearless in demonstrating my love for him and my mom. And that he loved me. It might have taken my dad a lifetime, but it was then that I finally felt I was my father's princess.


photo credit: maximooliveros.tripod.com

Saturday, December 11, 2010

My Grown Up Christmas Wish

Sandali na lang, pasko na. Andami ko pa namang pamangkin at inaanak at talaga namang may mga listahan pa ang kanilang mga stage mother. Pero enjoy naman akong mamili at magbigay ng mga regalo sa kanila. Kita mo naman kasi yung unti-unting pagbabago ng emosyon sa kanilang mga mukha.

Inip: may regalo kaya si Tito Sean sa akin?

Unawa: ay meron!

Usyoso: ano kaya nasa loob nito?

Excitement: buksan na! buksan na!

Ligaya: honggandaaaaaah! at agad sinuklay ni Lando ang buhok ng kaniyang bagong Barbie.

Kaya eto ako, nakapila sa kahera ng SM habang nagdarasal kay Santa para naman sa aking pansariling kaligayahan. (Di ba santo rin siyang mahaba ang hair at pwedeng dasalan? Dapat gawin siyang patron ng mga long hair.)


Dear Santa, ano kaya ang matatanggap kong regalo mula sa iyo? Inip. 

Sa kabilang pila, may mamang medyo masikip ang t-shirt. Naku Santa, salamat. Ang bilis niyo namang dininig ang aking dasal. Unawa.

May kasama kaya siya? Usyoso.

Biglang napatingin sa akin at di bumibitaw ng titig ang loko. Parang ang sarap niyang hubaran na parang X'mas gift. Excitement.

Ligaya na nga ba ang kasunod? Tingnan natin kung pinakinggan nga ni Santa ang aking dasal. Pramis, ipagtatayo ko siya ng rebulto at sasayawan lingu-linggo sa Obando.

photo credit: leatherati.com
 

Thursday, December 9, 2010

Asawa vs. Kerida


May kumakalat na video ng isang supposedly kabit na inaway ng asawa nung lalake sa isang mall, at medyo nagulat ako dahil sa violence na aking napanood. Maraming nag-komento sa video na ala Team Jinkee vs. Team Krista, pero hindi ko makuhang pumanig sa isa sa kanila.

Kahit na di ko natikman magsuot ng trahe de boda, ilang beses na rin naman akong nakipaglaro ng bahay-bahayan. Minsan na rin akong iniwan dahil sa matagal na palang pakikipag-jackstone sa iba. Minsan rin akong naiwan dahil sa desisyong lumipat ng barangay at magkapamilya. Hulihulihoy, sinong matalo siyang unggoy. Ako na ang unggoy pero hindi ko nagawang manglampaso ng mukha sa mall.

Pero naaala kong ilang beses din akong nanghimasok sa ibang pagsasama. Neneng nene pa ako nang mapasok sa isang maikling relasyon. Hindi ko alam na asawa pala niya yung lalakeng pinakilala niyang "pinsan" niya. Minsan din akong consciously nakasira ng isang pagsasama. Dahil sa nakita kong paghihinagpis, hindi na ito mauulit pa. Pasalamat din ako dahil hindi nila parehong ipinanglampaso ang aking bigote't balbas. Asawa at kerida, parehong naging bahagi ng aking pagkatao. Parehong nagmahal, parehong sinaktan.

Kailan lang, nahanap ako sa Facebook ng "pinsan" ng dati namin parehong karelasyon. Masaya ang aming pag-uusap at di nababanggit ang dating pinaghatian. Ang dating asawa, ang dating kerida - nakakatawa nga naman ang tadhana. Nararamdaman ko, malapit na naming ilampaso ang isa't isa. Katawan sa katawan. Mapusok...

photo credit: regent.blogs.com
  

Tuesday, December 7, 2010

Si Yaya Simang

A colleague from one of our offices overseas is in town for business. He usually deals with me, so he invited me for drinks after work. He said he's been to Manila several times, so I didn't have to play the role of a tour guide.

Steve is a typical young caucasian guy set loose in an accommodating Asian country - adventurous and horny. We hailed a cab, headed to Burgos Street in Makati, bar-hopped a bit before settling in one.


"Man, the girls here are sooo hot! C'mon take your pick," he said excitedly. I scanned the crowd. Everyone fit the stereotype. Morena, slim, straight long-ish black hair, revealing outfits, high heels, heavy make up. I really don't know why, but I suddenly remembered my yaya. I braced myself and settled for Yaya Simang. Steve went for a taller and darker version.

Yaya Simang was all smiles, as giggly as her boobs were jiggly. She started to reel me in. "Are you from Japan?" she asked and said something in Nihongo. I answered in the negative as she quickly went through a list of other Asian countries. "I'm from Quezon Citeeeeh!" I said. There was a hint of disappointment in her eyes, probably as foreign currency was preferred in this place, but she quickly recovered.

The four of us had a lot of cocktails, danced and flirted. I actually had a good time but had to leave early on account of work the following day. Not surprisingly, Steve stayed behind.

The following day, Steve excitedly approached me at my desk. He started a video clip on his iPhone. It was of Yaya Simang's twin and himself and OMG! Ang lake!!! (Nung boobs nung bebot pare - hahaha.) No wonder namimilipit sa sakrap (sakit/sarap) si Yaya. Ang lake talaga! Steve said, "Next time, let's do a foursome." I nearly died.

photo credit: harrythehorse.com
  

Monday, December 6, 2010

Voyeur


Inaamin ko. Mahilig akong mamboso.

I get off on watching, just watching. I don't even need to touch, or be touched. I just silently watch.

In the gym. I pass by someone in shorts doing sit ups. Past the hemline, blurred by its shadow, aaaaannnnnd money shot.

In the loo. I'm pissing in the urinals, someone stands beside me, I do a quick shake, and as I turn away, click click click.

In the sauna. Animated conversation with a hunk, we do high fives, my eyes never leave his, he briefly looks away, and snap snap snap.

In the showers. Half-open curtains, he's rinsing his front, he turns around to rinse his back, and flash flash flash.

In the hot tub. I time it perfectly, he's been there a few minutes, I get in, he gets up aaaaannnnnd close up shot.

Just to make it clear, hindi naman ako garapal. I don't linger. Being able to catch that perfect but fleeting moment is where the excitement is. And then that's where my imagination cums.

photo credit: redbubble.com
  

Sunday, December 5, 2010

Ang Pagsikat Ng Mga Tala


Maingat kong itinali ang maninipis na mga patpat ng kawayan upang maiayos ang mga ito sa naaayong hugis. "Pwede mo nang lagyan niyan," turo ko kay Nene. Kumurot ng kapirasong pandikit ang bata at hinaplos ang kahabaan ng mga tadyang na kawayan.

"O Lito at Carlo, kayo naman," baling ko sa dalawa pang bata nang matapos si Nene. Marahan nilang inilapat ang mga makukulay na pira-pirasong cellophane gamit ang mga nanginginig na kamay. "Huwag kayong nerbiyosin. Makikita niyo mamaya, magiging maganda ito," konsuwelo ko sa kanila. 

"Kuya Sean, bakit lukot po yung cellophane? May mali po yata kaming ginawa," malungkot na tanong nina Lito at Carlo. Kumuha ako ng mamasa-masang basahan at marahang hinaplos ang mga gusot na cellophane. "Gawin niyo ito, pero dapat maingat kayo," paliwanag ko sa kanila. Matapos ang ilang minuto, natuyo ang cellophane at napangiti ang dalawa, sabay sigaw ng, "Ay nabanat! Yehey!"   

"Ting at Weng, tapos na ba kayo?" baling ko sa dalawa pang bata. "Opo Kuya," sagot nila sabay wagayway sa dalawang makukulay na buntot na ginawa nila gamit ang papel de hapon. "Itali niyo na dito sa ibaba. Yan ang bakas na iniiwan ng tala sa paglalakbay nito," paliwanag ko sa kanila. Matapos maitali ang mga ito, tulong-tulong naming isinabit ang nakumpletong parol, iniingatang di mabutas ng bumbilyang nakapaloob dito ang nakabalot na cellophane. 

Responsibilidad nating hubugin ang ating mga kabataan at bigkisin ang mga halagahang magsisilbing patnubay sa kanilang buhay. Magsilbi tayong gabay sa kanilang paglikom ng mga pira-pirasong karanasan at paghahanda sa mararanasang mga gusot at pagtutuwid ng mga ito. Imulat natin ang kanilang mga mata  sa kagandahan ng buhay at nang sila'y makapag-iwan ng makukulay na bakas sa kanilang paglalakbay.

Isinaksak ko ang plug ng koryente at nagliwanag ang samut-saring kulay ng parol. Namangha ang mga batang nakatingala sa malaking tala, sabay palakpak at sigaw ng, "Ang ganda Kuya!!!" Ako rin ay marahang pumalakpak habang nakatingin hindi sa parol kundi sa aking mga munting tala.

photo credit: care2.com

Friday, December 3, 2010

Sabit


"Kapeeeeet! Kapeeeeet! Hahaha!!!" sigaw ng dalawang batang nakasabit sa likuran ng humaharurot na jeep. Hangos na humahabol ang isa pa, sabay talon at hawak sa mga baras. "Kapit kayo ng mahigpit," payo ko sa mga bata. "Hoy! Baka kayo malaglag!" sigaw naman ng drayber na napakamot na lamang ng ulo.

Ganyan rin kaming magkakalaro noon. Kung anong magustuhang gawin, ayun hahabulin. Gagawin ng walang takot, kahit na ano pang sabihin ng ibang tao. At kapag nakuha ang gusto, di mapawi ang nag-uumapaw na saya.

Habang tayo'y tumatanda, mas nagiging komplikado raw ang buhay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, kaya't maraming hindi na hinahabol. Marami na ring konsiderasyon lalo na sa mga mahal mo at ibang tao sa paligid mo. Baka may malaglag, baka may masagasaan. Madalas di rin tayo masaya dahil sa bawat makamtang bagay, mas marami ang kulang.

Mas komplikado nga ba ang buhay? O tayo lang ba ang nagpapagulo rito? Hindi ko alam ang kasagutan. Ako'y kumapit ng mahigpit at nakisalo sa saya ng mga batang bagong sabit, habang tuloy ang paghaharurot ng jeep sa aming mga patutunguhan.

photo credit: taong-grasya.blogspot.com
 

Wednesday, December 1, 2010

Titig Ng Chinito


Nahila akong mag-shopping at kumain sa HK. At dahil long weekend, ang daming nagkalat na mga kababayan nating dumayo ng HK na para lang itong kasinlayo ng Divisoria.

Masarap maglalalakad dahil ang sarap ng weather. Medyo malamig na pero malakas pa rin ang sikat ng araw. Para hindi naman ako nahuhuli sa porma ng mga chinito at di ako ipagtabuyan habang tumitingin sa LV, Hermes, Tod's, at Prada ng mga bagay na bibilhin ko mamaya sa Ladies' Market, isinuot ko ang aking pinaka high-end branded na get up from Surplus. OA nga minsan sa porma ang ibang tao sa HK. May mga aleng naka pekpek shorts pero naka-boots na halos hanggang singit. Di ba sobrang OA? Di ba sobrang alembong? Di ba?!!! Wait lang, "Excuse me, miss. Where did you get those awesome boots?"


Siyempre tingin-tingin ng mga bagay na mas mura o di mo mahahanap sa Manila. Patok lagi ang H&M sa akin dahil meron siyang mga stylish na damit na di kamahalan. And siyempre dinumog rin siya ng iba pa nating mga kababayan. Ilang minuto pa lang akong umiikot, ang dami nang nakikipagtitigan na mga gwapong Chinito at Pinoy. Sinabihan ko ang aking mga kasama na magkaniya-kaniya na kami sa loob para mas makapili ako ng lalake damit.

So dampot, tingin, tiklop naman ako habang umiikot sa mga hilera ng damit. Napansin ko na may isang Chinito na lagi kong nakakasabay sa pag-iikot. Madalas din na either magkatabi kami o nasa magkabilang side ng hilera ng damit. At siyempre, lagi kaming nagkakatitigan. I swear, pag iisa ang nahugot namin parehong damit, pwede na kaming gawan ng TV commercial.

Bago pa man din kami makaporma, dumating ang ibang mga tao na tingin ko'y mga kapatid at tatay niya. Narinig kong nagtatagalog ang kanilang angkan, at ako'y natuwa. Kababayan pala. Mas maige, dahil baka mas may future.

Dumating na rin ang isa sa aking mga kasama. Kailangan na raw naming makipagkita sa iba pang katropa. Sumakay na kami ng escalator. Pasimple kong sinulyapan ang kinatatayunan ni Chinito at nahuli ko siyang nakatingala at sinusundan ako ng tingin habang kausap ang isang kamag-anak. Gusto kong tumalon sa kaniyang matipunong mga bisig, pero ang pangit namang first impression nun sa aking future in-laws di ba?

Naglakad na kami palabas papunta sa aming mga kasama, pero kahit na hindi naman talaga ako malandi at kaladkaring tao, hindi ko talaga matiis na hindi makilala si Chinoy. Di ba't sobrang meant to be dahil sa HK pa kami pinagtagpo ng tadhana? Nagkunwari akong may nakalimutang bilhin at nagmamadaling bumalik ng H&M. Habang tumatakbo papasok ng entrance at pababa ng escalator, nabuo sa aking isipan ang mga dapat kong sabihin. Nilibot ko ang mga hilera ng damit pati na ang fitting room, ngunit huli na.

Mabigat ang aking mga hakbang pabalik sa aking mga kasama. "O asan na yung binalikan mong damit?" tanong ng aking kaibigan. Malungkot ko siyang sinagot, "Too late, 'pre. Wala na siya..."

photo credit: trendymen.ru, foxywalk - flickr.com
    

And Then It Hit Me



I was happy
I was free

I could smile
By merely saying "cheese"
I could jump
When I'm down on my knees

I could run
Like a tear down my face
I could fly
Flap my wings in vacuum space

I felt the wind 
I fluttered with excitement
And opened my eyes 
to the rushing pavement

I should be happy
I should feel free
In the shadow of what was once you and me

(Post ng laseng. A feeble attempt at expressing a loss that I've had for a while but which has only caught up with me today. I'm sure di ko maiintindihan to bukas.)

photo credit: www.energy-wise-homes.com
     
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...