Mabait si Tiyo Paeng at ang misis niya at araw-araw akong naiimbitahang kumain sa kanila. Pansin kong laging may kakaibang expression sa mukha niya tuwing kausap ako. May kaunting kunot sa noo, nag-iisip, waring may gustong itanong pero nagpipigil lang. Ganito rin ang nakita ko sa mukha ng tatay ko nang makita niya akong suot ang tutu ng kapatid kong ballerina noong grade 1 ako. (Oo na 4th year college na ako non haha!)
Isang gabi, dumalaw ang aking asawa (nang mga panahon na yon). Dinala ko siya sa itaas. Hinalikan. At nagsimulang gumapang ang apoy sa mitsang sinindihan. Hindi ko alam kung di ko lang napansin dati o talagang mapusok lang kami ng gabing iyon, pero anaknamp#&@ ang ingay niya! Kahit nahihiya ako dahil kakalamon ko lang ng longganisang vigan na sandamukal ang bawang, mariin ko siyang hinalikan nang matakluban ang kaniyang bibig. "Huwag khang mahingay. Mahnipis...hang...dhing... dhing," daing ko sa kaniya. Wala! Sumabog ang mga sinindihang kwitis at paputok at nangibabaw ang ingay ng mga naglalampungang pusang may boses binata.
Nagpaalam ang aking asawa at unti-unting nanumbalik ang huni ng mga kuliglig. Kinabukasan, mabait pa rin si Tiyo Paeng. Naimbitahan pa rin akong kumain sa kanila. Masigla pa rin ang kwentuhan at wari'y lumiwanag ang kaniyang mukha. Wala na ang kunot sa noo at nakikita ko na ang aking aninag sa kaniyang mga mata.
photo credit: corbisimages.com