Wednesday, April 4, 2012
Damdaming Di Maisatinig
Sadya kong isinulat ito sa wikang di niya maintindihan, dahil alam kong pag nabasa niya ito, siya ay maiinis lamang...
Isa-isa kong sinidihan ang mga kandila, habang ako'y tahimik na nag-alay ng aking pasasalamat. Unti unting kumalat ang liwanag na lalong pinatingkad ng pagsibol ng kaniyang ngiti.
Nagsimula akong umawit sa tiyempo ng magkasabay naming palakpak. At naluha ang mga kandila sa nasaksihang paglagabgab ng init sa pagitan naming dalawa.
Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, may ibinulong sa sarili, bago ang malalim na buntong-hininga. At sabay na tinangay ng kaniyang banayad na pag-ihip ang liwanag at lihim niyang dasal.
Maingat niyang hinati ang cake na umaaso. At tulad ng kaniyang nakagawian, iniabot niya ang kabuuan nito sa aking plato, habang para sa kaniyang sarili ay nagtira lamang ng kapiraso.
Sinindihan ko ang kandilang nadagdag sa taong ito, bago ibinulong ang aking hiling dito. Ako naman ang nagtabi ng kaunti, at inabangan ang hininging pagkakataong makapagbigay ng higit pa sa inilaang pansarili.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
ei.. bday mo master.. happie bday!!
maganda naman a bakit siya maiinis?hehe usisero lang!
hello sean!
bday mo ba ngayon boss o anniv niyong dalawa :)
Lagot ka sa google translate. chos.
Congrats!!! hong sweet nyew!
Aliw na aliw ako dito sa photo mo. Binalikan ko lang siyang basahin =)
Hindi kasi nabubuksan ang iyong blog sa opisina ko. Classified as pornography kasi *grins*
Kaya bihira na tuloy akong makapag comment.
How are you? I hope to hear more stories from you. Yung sana ... mas mahaba, detalyado =)
Wishing you both the best.
Kane
Post a Comment