Friday, July 29, 2011

Quits


Nangako siya sa akin. At ako sa kaniya. Na pareho na naming ititigil ang aming nakasanayang bisyo. Nag-imbak pa kami ng Nicotinell (nicotine patch) at Champix (anti-smoking pills) para makatulong sa pag-iwas dito. Alam naming napakahirap, pero sabay naming kakayananin ito.

Matapos ang panandaliang pagkabugnot ay ok na kami. Di na rin limitado ang aming mga date sa lugar na pwedeng manigarilyo. Napakasarap din ng pakiramdam, na ang isa't isa'y inyong inaalagaan. Pinapaalalahanan. Nagtutulungang maging tapat sa mga salitang binitiwan.

Ngunit maraming tukso. At ako'y kumapit sa aming mga pangako. Ang akala ko'y ganun din siya. Hanggang minsang tumulong akong maglinis ng sasakyan niyang nakaparada. Inabot at binuksan ko ang kanyang palad. Sabay bitaw. Sa nakita kong lighter ng Sogo. Pati na rin sa lahat ng kanyang ipinangako.

photo from here

Tuesday, July 26, 2011

FuBu


Nasubukan mo na bang hubarin ang iyong tunay na nararamdaman. At magtago na lamang sa likod ng inyong kalibugan. Isilid ang pinapangarap na pagsasama sa ilalim ng kama. At di ipahalata ang iyong panlalambot, sa kabila ng pisikal na pagtigas.

Ang makuntentong may munting tahanan. Orasan nga lang ang rentahan. Magsalo sa pansit nilang malasa, pero di maiyabang sa FB ang sandaling pagkikita. Igapos ang iyong sarili sa mga salitang kaniyang binitawan. Na nauulit lamang sa rurok ng kaligayahan.

Nakahigang pinagmamasdan ang inyong aninag sa salamin. Matiyaga ka pa ring naghihintay sa dilim. At kahit alam mo na ang karugtong. Ngingiti ka pa rin sa kanyang pagbangon. Sa mga katagang "next time uli, bud" ka niya lilisanin. Tulad ng inaasahan, sa kanya'y f buddy ka pa rin.

photo from here

Saturday, July 23, 2011

Sisid (Dive)


It started with a single drop that fell into the placid sea in front of me. The ripples came quickly and hit my mask. For someone who can't swim and is struggling to keep afloat in his BC (buoyancy compensator / life vest), they seemed like waves of apocalyptic proportions. Then it started to rain.

Heaven reflected in the azure waters vanished. Countless beads assaulted its surface. Each one blossomed into ever-growing concentric circles, then overlapped into an array of illogical Venn diagrams. It was chaos. Sensing my growing panic, my diving buddy flashed a hand signal, but I was too busy fighting for my life to notice.

He shoved the regulator into my mouth and pulled our weight underwater. He held my face close to his and waited for me to relax. Guided by his gentle nodding, my breathing slowed, and I stopped struggling. I looked around and finally understood. Under the broken glass surface, everything was quiet. Peaceful. Beautiful.

photo from here

Wednesday, July 20, 2011

Bamboo Grove


I looked up. The bamboo trees shot up to the sky and gently swayed with the wind. Their countless green fingers tried desperately to block the sun, but persistent rays managed to pierce the canopy before they were blotted out again. A young boy wailed in frustration, as he chased after the lights that flashed on the ground and tried to stamp them out in vain.

I received a message in my personal FB account this morning from someone I met years ago. I was inexperienced in the ways of this world. It was a one time thing. A mistake. And was easily buried and forgotten 'til now. He said he knows me, followed by an evil laugh (ok I exaggerate, he simply said 'hahaha'). Being in the closet and overly paranoid, I froze in terror.

I am happy the way things are, in spite of the secrets that I keep. Being away helps alleviate the pressure from family and friends. Through the years I have built a safe haven, my little bamboo grove. But once in a while, the wind blows my way, and the light peeps into things I have kept hidden. And each time, I feel I have no other choice but to try to snuff the light out. At least for now.

photo from here

Monday, July 18, 2011

Beach


Buong summer na nag-uuulan dito, pero sa wakas, sumilip rin ang araw. Isinuot ko agad ang aking bagong dangkal shorts para mamili ng mga babaunin namin sa beach. I said dangkal, not pekpek, dahil yun lang po ang meron ako. Actually, mahigit isa't kalahati pa nga eh. I-measure mo :P.

Kumuha ako ng basket at nagtambak ng refreshments. Ang gwapo naman nun. Dumampot ng mga chichirya. Pogi rin yung kasama. Uling at gaas pang-ihaw. Kamukha ni Gerald. Ilang kilong karne. Yung isa hawig ni Aljur. Namakyaw na rin ng jumbo hotdog. Masundan nga. At barbecue stick pantuhog.

Habang nakapila sa kahera, parang may malisya ata kung makatingin ang iba sa aking murang mga dibdib. Aba, kasalanan ko bang malamig ang aircon dito? Hay, sabi na nga ba't nagsuot dapat ako kanina ng kamison. Hindi ba't mas seksi raw kapag nakabakat lang? Di bale, malapirot nga nang mainitan.

Kanina pa pala naghihintay ang aking mga kasama sa buhangin. Wala raw tubig. Walang pagkain. Walang signal. Kaya't sumayaw na lang daw sila. Ang aarte! Heto nga pala ang isa sa mga video na kinunan namin kanina.

Thursday, July 14, 2011

Naghihintay


Matagal na akong nakatambay dito, nakikisilong, inaabangang humina ang ulan. Hindi rin naman ako nainip. Tutal lahat naman tayo, laging may hinihintay. Oras ng uwian. Jeep na masasakyan. Teleseryeng sinusubaybayan. Kinsenas at katapusan.

Pero ang iba, higit pa sa pangkarinawang bagay ang inaabangan. Tawag ng trabahong inaplayan. Sagot ng nililigawan. Magbago ng ugali ang asawang di maiwan. Maayos ang nasirang pagsasama at ikaw ay balikan. Mga bagay na babago sa ating buhay.

Sa mga mahalagang bagay, matiyaga tayong naghihintay. Umaasa. Nagdarasal. Pero minsan, hindi talaga nakalaan, hindi dumarating ang matagal nang inaabangan. Kung ikaw ay naghihintay, dapat ba ay hanggang kailan?

Tiningala ko ang patuloy na pagbuhos ng ulan. Hindi ko mawari kung ito ba'y hihinto pa o di kaya'y lalong lalakas. Nagsindi ako ng sigarilyo. Dapat ko na ba itong suungin, o patuloy pa ba akong maghihintay.

photo from here

Monday, July 11, 2011

Tall, Dark and Handsome


"Good morning!" masiglang bati niya sa akin, na sinuklian ko rin ng napakatamis na ngiti. Guwapo, matangkad, medyo kayumanggi, clean cut, at maayos siyang manamit. Unang beses naming magkita at mukhang kapwa kami natakam agad sa isa't isa.

May breeding pa ang mokong. Una akong pinaupo. In-offer din akong kumain. Siya pa ang nagbuhos ng alak para sa akin. Haaaayy! Weakness ko pa man din ang mga gentleman. Bakit kamo? Kadalasan kasi, sila ang mas masipag mang-romansa sa kama. Try mo.

Lalong nalaglag ang panty ko sa pagka-thoughtful niya. May dala para sa akin na pabango at kung anu-anong pasalubong. Nakakahiya! At dahil ayaw kong magmukhang materialistic, "No, thank you" na lang ang isinagot ko nang inalok niya sa akin ang mga ito. Di naman bulsa niya ang habol ko 'no. Zipper lang.

Dalawang oras kaming magkasama. Parang short time lang sa Sogo. At kahit na ayaw ko pa sana siyang iwan ay kailangan ko nang umuwi. "Thanks ha," pasasalamat ko sa kaniya. Halos matunaw ako sa kaniyang ngiti bago siya nagsalita. "Hope to see you again, sir. Thank you for flying Philippine Airlines."

photo from here

Word Of The Week


in·fla·tion/inˈflāSHən/Noun

A general increase in prices and fall in the purchasing value of money

example: 
Due to inflation, the price of one's loyalty has apparently risen from 30 pieces of silver to the current tag price of a brand new Mitsubishi Pajero. 

Enter Lady Gaga...

photo from Lady Gaga's Judas video

Friday, July 8, 2011

Bloom


I never liked flowers. The smell always reminds me of sickness and death. Pretty bouquets with their get well soon cards. Over the top arrangements and their condolences. They never really heal the sick. They never really dull the pain.

The mishmash of scents makes my stomach queasy. The same feeling I get with the antiseptic smell of hospital emergency rooms. Where there are bouquets of roses, orchids, stargazers or what have you, I always expect a bright copper coffin nearby.

But I like the single white rose that they gave me. The whiteness blocks everything, and I am finally alone. To talk. Mostly to myself, while the lone bloom listens. And when everyone released their balloons, white against the blue sky, I finally let go of my rose and its silent message into the bright copper below.

photo from here

Monday, July 4, 2011

Pantasya


Madaling araw. Nagising ako sa tunog ng aking celphone. Masamang balita. Kailangan kong umuwi. Bumili ng ticket. Mag-impake. Magmadali. Bakit nga ba kailangang magmadali kung wala ka nang hinahabol. Na kahit anong gawin mo, wala ka nang aabutan. Hindi ka na makakapagpaalam.

Ayoko na munang isipin.

Di na ako dinalaw ng antok. Naligo ako at nagbukas ng bagong pakete ng panloob. Isinuot ko ang puting YC bikini. Nagdalawang isip kung pati na ang sando. Kinuha ko ang macbook ng aking asawa at ipinatong sa harap ng TV. Kaunting adjustment at nakita ko ang kabuuan ng aking sarili sa screen. Nice.

Play. At pumailanlang ang napili kong kanta.

Record.

Umupo ako sa puti naming sofa. Maganda ang lumabas na contrast sa bagong tanned kong kutis. Kaunting stretching habang nakatingin sa bintana. Dahan-dahang paglingon sa camera. Kamay sa leeg. Piling daliri sa mukha. Higitin pababa ang garter. Ipihit ang katawan at dumapa sa sofa. Lingon ulit. Dagdagan ng pagnanasa. Gapang, gumapang palapit sa camera.

Parang ganito lang.



Pansamantala akong nawala sa sarili at sa aking pantasya. Natuwa at natawa sa aking pagpapakatanga. Butil-butil na ang pawis sa aking noo, pero sige pa rin sa kaadikang ginagawa. Hanggang ang mga ito'y isa-isang pumatak at dumaloy sa aking basang-basa na palang mukha.

Stop.

photo from here

Saturday, July 2, 2011

Tampong Kulangot


Maliliit na mga bagay. Minsan ay diyan kami nagkakainisang mag-asawa.

"Buksan natin ang aircon ngayong gabi. Di ko kaya ang init," pasabi niya habang naghahandang matulog. "Ha? Tama na itong electric fan. Walang timer yan. Nagbabara kasi ilong ko pag sobrang tagal," sagot ko sa kaniya. Humaba pa ang usapan, pero nanaig ang aking gusto nang nauna akong sumimangot.

Habang kami'y magkatabi, balisa sa pagtulog ang aking asawa. Pihit dito, baling doon. Takip at tanggal ng kumot. Taas ng t-shirt. Ayos ng unan. Halatang hindi kumportable dahil sa init ng panahon. Pasikreto akong bumangon at binuksan ang aircon nang di niya namamalayan.

Unti-unting natigil ang kaniyang pagkabalisa. Tuluyan na rin siyang nahimbing. Nagtago ako sa ilalim ng kumot at nakatulog na rin. Nagising ako nang madaling araw para umihi. Mainit ang kwarto. Walang bara ang aking ilong. Aba't naisahan ako ng loko. Patay na ang aircon.

Maliliit na mga bagay, diyan nga kami minsan nagkakainisan. Pero kadalasan, sa mga munting bagay din na yan namin lihim na naipapakita ang laki ng aming pagpapahalaga sa isa't isa.

photo from here

Friday, July 1, 2011

Sukli


"Magkano?" ang tanong ko sa kaniya.

"Ser, kayo na ang bahala."

At eto na naman tayo. Kaya nga ayokong namimili sa palengke. Iwas akong makipagtawaran. Bakit kasi hindi na lang ipaskil ang presyo ng lahat ng paninda. Lantaran na. Para kung swak sa budget mo, sige. Kung hindi, eh di walk away ka na lang. Wala nang paligoy-ligoy. Isa na lang siyang simpleng transaksiyon.

"O heto," sabay abot ng pera. "Sa iyo na ang sukli."

Ngumiti ang loko, iniabot ang natirang panindang bulaklak, sabay karipas ng takbo palayo. Isinara ko ang pinto ng kotse, at chineck kung naka-lock na nga ito. Nilampasan ko ang mga guwapong nakatambay sa labas at ang kanilang mga motorsiklo, bago pumasok sa medyo tagong lagusan.

"Magkano?" ang tanong ko sa counter.

May isinagot siya. "Sa masahe yun. Sa ibang usapan sir, bahala na kayong dumiskarte."

At eto na naman tayo...

photo from here
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...