Tuesday, July 24, 2012
Agwat
Ilang taon din ang agwat naming mag-asawa. Kaya naman nang una kaming magsama, noong panahong ako ay immature at makasarili pa, nariyan lang siyang nagtitiyaga. Umuunawa. Nagpapaubaya.
Malaking bagay ang kaniyang pagtitiis sa itinagal ng aming pagsasama.
Ngunit lahat siguro ng tao ay sadyang nagbabago. Sa paglipas ng panahon, unti-unting umiksi ang kaniyang pasensiya. Mas naging madalas ang kaniyang pagiging mainisin. Mayayayamutin. Pagkabugnutin.
Bagay na nakikita ko rin sa mga nasa gulang niya. Ngunit nagka-edad man siya at nagbago, ay ganoon rin naman ako. At sa marahang paghulagpos ng kaniyang kapit, ako naman ang umakap ng mas mahigpit.
Sa patuloy na pagdaloy ng mga taon, at dumating ang panahong ako naman ang maging mainisin. Mayayamutin. Likas na bugnutin. Nawa'y nariyan pa rin siya na muling magtitiyaga. Umuunawa. Magpapaubaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
nahilo ako sa term na hulagpos :p ang lalim! hehe.
Ang lalim! :)
this is sweet and full of love...
JJRod'z
Napangiti naman ako dito! Ramdam ko ang love nyo sa isat isa :-)
Nasa tibay lang yan ng pagmamahal, kaya kahit ano pa man ang shortcomings ng isa, kahit ano pa yan, basta lagi anjan ang pang unawa magtatagal ang relasyon, at yun kayo, so sweet :-)
awww! grabe full of emotions... ganyan po talaga ang love kailangan magcompromise para magworkout...
@nyabach0i: lol! hey you're back to blogging? missed you!!!
@fiction nostalgia: haha! oo nga ang tagal ko na kasi di nakapagsulat sa Tagalog. :)
@jj roa rodriguez: aww thanks jj!
@mac callister: naku salamat mac :) sana nga magtagal pa nang lalo :)
@sweetish: oo nga kahit minsan mahirap kailangang magbigayan
Post a Comment