Saturday, November 10, 2012
Ang Sabi Ng Iba
Ang sabi ng iba, habang tumatagal, nauubos ang tamis. Tumatabang. At kapag ika'y nagsawa, dapat na itong iluwa at itapon. Sumubo ng bago. At kapag nagpumilit kumapit sa iyong sapatos, ikaskas mo sa semento. Hanggang ito'y kusang magsawa at humulagpos.
Ang sabi ng iba, kumukupas ang kilig sa isang pagsasama. Wala ng sorpresa kung lubos na kayong magkakilala. Di na kailangang hulaan pa ang nais niyang sabihin. Alam mo na rin kung ano ang dapat halikan, dilaan, susuhin.
Hindi ko alam kung tama nga sila.
Dahil sa tuwing ako'y kinukulit ng aking asawa. Sinisimangutan sa mga ganting pang-aalaska. Pinapatulog ng ilan niyang mga kuwento. Pinagagalitan sa aking bisyong paninigarilyo.
Kinikilig pa rin ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Ang sweet. :)
napakapalad mo kung gayon. hindi lahat ay nasusumpungan ang ganitong klaseng kapalaran, na kahit lumipas na ang isang-libong mga ngiti (o higit pa), parang kahapon lamang nang kayo'y unang magkita. ^^
baka may mali sa sabi ng iba.
Sweet :) You and hubby proved them wrong Sean!
btw feeling ko baby ako na bibubulaga, while looking at the cute gif haha :)
Ang swerte mo Sean. Sobra.
@green breaker: thanks gb :)
@alter: naku salamat alter.
@inong: oo or pwede ring magkakaiba ang mga sitwasyon nating lahat
@zaizai: thanks Zai :) hahaha oo nga ano! :)
@mugen: hi mugs. Naku salamat :)
Post a Comment