Saturday, December 10, 2011

9 Degrees


Gumapang papalapit ang taglamig nang di ko namamalayan. At bigla na lang hinubad ng ngayon ang init ng kahapon. Kasabay ng pagbagsak ng nahilang kumot sa sahig ang pag-alsa ng aking balahibo, sa pagpigil nito sa pagsingaw ng taglay kong init. Hanggang sa magsimula akong manginig, mangatal.

Nagsumiksik ako sa lugar na kaniyang nilisan. At nilasap ang init ng anino na kaniyang iniwan. Nang pati ang natirang ligamgam ay naglaho, napilitan na akong bumangon. Tinawid ko ang dilim ng aming sala, tahimik na inawitan ang sarili nang masupil ang kumakalat na kaba.

Inabutan ko siyang pinagmamasdan sa ang aming pictures sa computer. Mahigpit na akap mula sa likod kasabay ng maiksing "sorry", at magkasama na kaming bumalik sa kama. Ibinalot ko ang kumot sa aming dalawa nang napakahigpit. At mahimbing kaming nakatulog kasabay ng paglaho ng lamig.

photo from nman.com

3 comments:

RoNRoNTuRoN said...

weee.... more more... anung kasunooood. char! :D

ZaiZai said...

kasweet talaga ng mga ganito mong posts. bukod sa pag ihi, sa mga ganitong post na lang ako nakakadama ng kilig :)

Blakrabit said...

Anong nangyari? Haha! Bitin! Kahit tagalog galing magsulat!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...