Sunday, January 30, 2011
Perfect 10
I am waiting for my MP3 downloads to finish. They are all piano covers, providing a different take on songs that I either love or hate. I enjoy dancing to nonsensical ramblings from Ke$ha and Rihanna, but with the right instrument and interpretation, the songs transform into classics. I also find Bieber songs too shrill and tweeny for my taste, but I love the instrumental version of "Pray" *.
As a kid I used to love instrumental music. When my English teacher asked us to pick a song, write down the lyrics and explain its message, I chose a Kenny G standard. The melody, instrument, and the artist's emotion more than made up for the lack of prose. Within the song I read love, sex, and life. That's what I wrote, and for the effort I got a fat 0. It broke my young heart and my emerging creative spirit.
As a compromise, Mrs. Hitler allowed me to submit a revision. I leafed through a copy of my yaya's songhits and picked Bette Midler's "The Rose". I've never heard the song, but the lyrics seemed poetic enough for an easy interpretation (ok I did like the second stanza). I got a perfect 10, and she was ecstatic. "It's one of my favorite songs, Sean. I'll bring a CD player tomorrow." I cut class the next day.
As with my appreciation of a Bieber song, I can now find joy in things I usually find ordinary or even loathe. What I still struggle with at times is the need for validation, fulfillment based on other people's norms. I need to keep reminding myself that this is my life, not an interpretation of others'. I shouldn't have to compromise just to hear someone say I'm a 10.
* Thanks to Allan of The Man Who Can't Be Moved blog for introducing me to this song.
photo credit : homorazzi.com
Friday, January 28, 2011
Biyernes Na Pala
Hindi ako makagalaw. Parang may mabigat na nakadagan sa aking buong katawan. Di ba sabi nila para magising, subukan daw igalaw ang mga daliri sa kamay. O sa paa, alinman ang makakatulong. Pero hindi naman ako tulog. Nakahiga lang. Hindi pa naliligo. Hindi pa kumakain. At unti-unti nang nawawala ang liwanag sa labas.
May neg-text. TGIF. Happy weekend daw. Biyernes na pala. Para sa akin kasi, walang pagkakaiba ang mga araw. Siguro dahil matagal na akong hindi nagtatrabaho. Nakuntentong maging maybahay.
Masaya naman ako sa ganitong buhay. Lagi kaming may panahon sa isa't-isa. Wala akong ibang inaalala. Hanggang nung umalis siya kasama ng kanyang kapamilya. Ilang araw na. Ilang araw pa. Anlakas pala tumiktak ng orasan dito sa bahay. Ngayon ko lang napansin.
Heto ako ngayon, nakahilata lang. Hindi makagalaw. Hindi alam ang gagawin. Hindi naman ako tulog, pero matagal ko na palang kailangang gumising.
photo credit : flickr - altogethersweet
Thursday, January 27, 2011
Threesome
Pangalawa sa aking asawa, sila ang pinaka-minahal ko sa buong buhay ko. Oo, tama ang basa mo. Sila. Dalawa. At sabay ko silang minahal noon. Sabay-sabay naming minahal ang isa't isa.
Maraming magsasabing libog lang yun. Pero hindi. Ayaw ko ring tanggapin sa sarili ko noong una, lalo na't bagong mulat ako sa aking pagkatao. Doon ko nalaman na maaari ka ngang magmahal at mahalin ng higit sa isa. Na posible ang tatlong magkabiyak. Na may mga pagkakataong mabubuo lamang ang kumpleto sa tatlo.
Mas malaya kami noon sa pamumuna ng iba. Sweet man kami, mukha lang kaming magkakabarkada. Sa dalawa, may maaamoy ka. Sa tatlo, ikaw na ang malisyoso. Pwede pa naman kaming mapagkamalang magkakapatid.
Pero ang relasyon namin ay likas na pang-tatlo. At nang naglaho ang pagmamahal ng isa, hindi ito nakayang itaguyod ng natitirang dalawa. Tuluyan na rin siyang gumuho. At yun ay halos hindi ko kinaya.
Maraming huhusga na abnormal ang isang threesome. Malamang nga abnormal ito. Hindi. Dapat ay abnormal siya. Dahil gaano man kaganda ang tatlong pagmamahalan, walang dapat dumaan sa ganoon kasakit na hiwalayan.
photo credit : faheykleingallery.com
Maraming huhusga na abnormal ang isang threesome. Malamang nga abnormal ito. Hindi. Dapat ay abnormal siya. Dahil gaano man kaganda ang tatlong pagmamahalan, walang dapat dumaan sa ganoon kasakit na hiwalayan.
photo credit : faheykleingallery.com
Tuesday, January 25, 2011
Bata At Sariwa
Masarap makipaglaro sa mga mas bata. Siyempre yung mga nasa tamang edad na ha.
Titingalain ka. Sa iyong bihis at pananalita. Sa pagdadala mo ng iyong sarili. Sa narating mo sa buhay.
Minsan nga lang di pa magaling. Baka di ka mag-enjoy kaagad. Pero bibo yang mga yan. Madali lang turuan. Eager to please pa.
Medyo ingat ka lang. Madalas kasi, hindi pa nila napagbubukod ang libog sa pag-ibig. Nakikipaglaro ka lang, biglang ang higpit na ng kapit. Nakakasakal.
Pero dahil din naman diyan, andali nilang paglaruan. Pag ramdam mo na kahit katiting na kapit, subukan mo. Pag matigas ang ulo, sabihin mong ayaw mo nang makipaglaro. Naku! Lalong maghihigpit ang kapit niyan. And your wish is his command.
Kadalasan ilang taon ang agwat namin? Sampu, walo, naku nasa iyo na yan. Basta ang alalahanin mo, basta bata, madaling paikutin.
Heto nga tingnan mo. Nauto na naman ako.
photo credit : asianbite.com
Monday, January 24, 2011
Pusod

Tulad ko, hindi rin siya malapit sa kaniyang tatay. Marami siyang hinanakit dito. Hindi siya inalagaan. Hindi siya sinuportahan. Hindi siya minahal. Nang bumukod siya ng tirahan at kami ay nagsama, pakiramdam niya ay nakalaya siya. Mula sa mapang-aping ama. Mula sa araw-araw na pakikipagbangayan.
Ngayong matanda na ang kanyang tatay, siya lang sa kanilang magkakapatid ang dumadalaw dito nang araw-araw. Wala naman daw siyang utang na loob dito. Dapat nga raw ay pabayaan niya ito, tulad ng pagpapabaya sa kaniya noon. Naiinis siya rito, pero mas inis siya sa sarili. Di ba't sa kaniyang pagbukod ay dapat nakalaya na siya?
Napaisip ako at tinanong ang sarili. Baka naman ang pagbubukod ay nauukol lamang sa tinitirahang bahay, at hindi sa magkarugtong na buhay? Maaari ba talagang maputol ang ugnayan ng isang anak sa kaniyang magulang? Bakit pilitin man natin itong putulin ay laging may magpapaalala nito sa atin? Itinaas ko ng bahagya ang kanyang t-shirt at hinalikan siya dito. Bakit nga ba tayo may mga pusod?
Photo credit : Flickr.com - BellyLover!
Saturday, January 22, 2011
Bath House
Kasama ko ang aking asawa sa maiksing pila. Inabot ko ang bayad. "Dalawa," ang sabi ko sa lalakeng nagbabantay sa pinto. May itsura. Pagbabadya kaya sa anyo ng mga parokyano sa gabing ito? Pagkaabot ng sukli ay dinala kami papasok sa loob.
Madilim. Maraming tao. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga bagong pasok. Agad kang huhubaran at huhusgahan. Hinubad namin at isinantabi ang natitirang inhibisyon.
Umikot muna kami. Maraming nakatayo sa magkabilang tabi ng daanan. Iba't ibang hugis. Makakapamili ka. Merong nakalaan para sa lahat. Maraming nakangiti. May mga nakangisi. Merong mga tumatango. Ilan ang bumabati. Lahat, may pagnanasa.
Tumigil kami sa isang lugar na di gaanong madilim. May mga umaaligid, hanggang lumapit ang isa. Pumagitna sa aming mag-asawa. Nagsimula akong kumayod. Ganoon din ang aking asawa. Kabisado namin ang isa't isa. Pero magaling ang bagong kasama. Mapusok siya at marunong sumunod sa aming indayog.
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
Thursday, January 20, 2011
Barkading
Mainit, walang aircon. Nakaharap ang maliit na inuman sa mausok na daan. Tapos na ang pasko pero patay sindi ang mga munting ilaw na nagsisilbing dekorasyon sa payak na lugar. Malapit siya sa iskwater. Kung mamalasin, siguro pwede akong magripuhan.
Umorder ako ng beer at nagsindi ng sigarilyo. Nang matapos ang paghithit, naghulog ako ng barya sa makina at pumili ng kanta. Kinuha ko ang mikropono at inantay ang mga titik at musika.
Kagagaling ko lang ng Greenbelt noon, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Matagal na rin akong hindi nagagawi doon, at napakaganda na pala ng pagkakaayos nito. Pati mga tao magaganda, mapoporma. Masarap ang pagkain at red wine, pero mas natuwa ako sa usapan. Iba na ang mga kalagayan namin sa buhay, pero kami pa rin yung mga dating totoy na magkakasama. Naubos ang gabi sa pagbabalik tanaw sa aming mga kalokohan hanggang sa kami'y magpaalam.
Bitin ang tama ko, at dito sa dati naming tambayan ako dinala ng sarili ko. Nag-umpisa ang kanta. Sumabay ako. Di ko na kailangang basahin ang mga titik na ilang daang beses ko na sigurong nakanta. Sa katabing mesa, may mga sumabay, may pumapalakpak at sumusuray sa tiyempo, meron din sigurong nagpipigil mangantiyaw. Wala akong nakilala, pero saglit kong nakita sa kanila ang kauuwing mga kabarkada.
photo credit : hellyeahazkals.tumblr.com
Subscribe to:
Posts (Atom)





