Ni minsan ay hindi pa ako nakatanggap ng bulaklak. Sapilitan din bago niya ako bilhan ng tsokolate. Kahit na greeting card nga ata wala. Kapag inaakbayan ko o patagong hinahawakan ang kamay sa labas, parang sinisilaban sa pagka-conscious. At pag Valentine's, mayaya mo mang kumain sa mataong lugar, halos atakihin ang mokong dahil baka kami mahalata. Ok lang naman sa akin. Siguro dahil hindi siya lumaking Pinoy at ganyan ang kaniyang pagkatao.
Pero nang magkakilala kami, siya yung nag-aral ng wikang banyaga para daw mas maintindihan niya ako. Siya yung nag-aalala sa lahi naming diabetes kapag napipilit ko siyang bumili ng tsokolate. Siya yung natutong magsimba at araw-araw na ipagdasal kami kahit hindi siya Kristiyano. Siya yung kumakanta sa akin ng banyagang love songs kahit di ko naiintindihan ito. Siya yung gumigising sa gabi para tingnan kung sakop pa ng kumot ang likod ko.

Ginabi ako ng uwi nung Valentine's, pero niyaya pa rin niya akong kumain sa labas. Puno ng magkasintahan ang lugar, pero pinilit niyang di mahiya. Hindi rin niya inalis ang pagkakaakbay ko sa kaniya hanggang kami'y makauwi. Malugod rin niya akong binati kahit na lampas na nang hatinggabi. Hindi likas na malambing na tao ang aking asawa, pero natutunaw ang puso ko sa kaniyang pagsisikap.
photo credit : big5.ce.cn