Showing posts with label usapang lasing. Show all posts
Showing posts with label usapang lasing. Show all posts
Sunday, August 14, 2011
Magaling Ka Ba?
Habang hinihintay ko ang aking inorder sa bar, narinig kong bumulong ang aking katabi sa kanyang kasama. Magaling daw siya sa kama. Napalingon ako. Makalaglag-panty nga naman ang lokong foreigner. Bonus pa ang french accent. Pero kung ikaw yung nasabihan, maniniwala ka ba?
May tao kasing ini-equate ang husay sa sex sa partikular niyang katangian. Gwapong mukha, bortang katawan, laki ng kasangkapan, dami ng posisyong nalalaman. Pero minsan, kahit nasa gitna na kayo ng kapusukan ng isang Adonis, eh gusto mong itaas na lang ulit ang panty mong nalaglag.
May mga tao kasing sablay. Sexy nga pero bobo sa anatomy sa dilim. Kung ako sana'y aso at walo ang utong ko, eh baka nga naman may mahanap na siyang isa. Baliktad naman ang iba. Ang unang masunggaban, di na titigilan. Gigil to death hanggang dugo na ang matikman.
Meron ding may sinusunod na manual. May sequence ang steps, may bilang din kung ilang kalikot at kadyot. Para lang kayong may ina-assemble na DIY na mesa. May iba namang ang daming posisyong gustong i-cover. Bakit, may quota? At kung maka-emote sa salamin, akala mo may kamera.
Sa mga nakasiping mo, ilan ang napakulot ang daliri mo sa paa? Kailan ka huling naloka? Yung bang ayaw mo siyang tumigil pero itinutulak mo rin siyang palayo dahil ang sarap ay di mo na kaya? At hindi lang dahil sa pagputok ng bulkan ha.
Eh ikaw, sa tingin mo ba'y magaling ka sa kama?
photo from here
Subscribe to:
Posts (Atom)
