Showing posts with label mga kwento ng lola mo. Show all posts
Showing posts with label mga kwento ng lola mo. Show all posts
Tuesday, August 16, 2011
Ang Gabing Umulan Ng Mga Tala
Madilim ang gabi, ni ngiti ng buwan ay hindi sumilip. Marahil ito ay nagtatago, nagmumukmok sa pangungulila't pagkainip. Iniwan itong nag-iisa ng kaniyang dating mga kasama. Dahil ito ang gabing umulan ng mga tala.
Nakaupo siyang mag-isa, nag-iisip sa sala. Malungkot at nakatanaw lamang sa labas ng bintana. Kumalas ang mga bituin mula sa kanilang kinalalagyan. At marahang lumutang pababa upang siya ay samahan.
Nagkalat sila na parang mga bubog sa daan. Makinang, mapang-akit, lahat nagkikislapan. Matiyaga niyang pinulot ang bawat isa. Namangha sa angkin nitong kariktan bago ito ibinulsa.
Mainit ang mga talang kaniyang inangkin. Nagsimulang magbaga ang kaniyang damit, katawan at damdamin. Tinangay ng hangin ang nag-aapoy niyang kabuuan. At biglang nagliwanag ang buong kalangitan.
Hindi siya mahagilap ng kararating na asawa. Tiningala nito ang bulalakaw, na sabay raw sana nilang nakita. Sumilay ang ngiti ng buwan, at ito'y ubod ng pakla. Hindi na siya nag-iisa, kaniyang panunuya.
photo from here
Subscribe to:
Posts (Atom)
