Saturday, September 3, 2011

Window Shopping


Sobra akong busy sa pagwi-window shopping. Sapatos sa Tod's, kurbata sa Hugo Boss, maong sa A|X, sport shirt sa Fred Perry. Malapit na kasing magtrabaho, may aasahan nang sweldo. Kaya walang ginawa kundi ang mangarap. Tingnan kung saan lulustayin ang perang di pa kinikita.

Araw araw din naman akong umuuwing walang bitbit. Nakukuntento na sa patingin-tingin. Mature na nga siguro ako. Di tulad dati na takaw tingin, bahala na bukas. Pagkadating ko sa tinitirahang building, nagkalat ang mga gamit sa ibaba. May naglilipat, at may mga movers na tumutulong.

Bumukas ang elevator. Mag-isang binuhat at ibinato ni kuya ang nakabalot na queen-sized mattress papasok ng elevator. Akala ko'y mababasag ang mga salamin sa loob. Ganun siya kalakas. Ganun din siya ka-maskulado. Dahil nakabalandra ang kama, isa na lang ang kasya sa loob. Pumasok ako.

Sumara ang pinto ng elevator. Pinagmasdan ko si kuya sa mga salamin. Wala siyang pang-itaas. Ang ganda ng katawan. Masarap haplusin mula dibdib pababa. Gusto kong pindutin ang emergency button at ibalibag ang hubad naming mga katawan sa bagong kama. Nang mabinyagan ba.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Umibis ako at tumuloy sa flat naming mag-asawa. At tulad ng mga nakaraang araw, umuwi akong walang bitbit. Muling nakuntento na lamang sa patingin-tingin.

photo from here

15 comments:

  1. Window shopping on a mirror. Ang galing mo talaga. Gawain ko rin! Haha. #guiltypleasure

    ReplyDelete
  2. mahilig ka pala sa branded sean hehehehe

    good luck sa new job

    ReplyDelete
  3. maiba lang ako.. i love fred perry! hahaha :) yun lang muna comment ko :)

    ReplyDelete
  4. at least kay kuya, di ka gagastos...

    ReplyDelete
  5. daniel the jagged little eggSeptember 3, 2011 at 1:59 PM

    Ahihi, hindi ako masyadong nag mo-mall, naglalaway kasi ako at hindi ko mapigilang bumili ng maski ano lang hehehe, maski hindi ko kailangan binibili ko : )

    ReplyDelete
  6. Sometimes, all we can do is enjoy the view, Sean.

    ReplyDelete
  7. loving, adoring and drooling from afar. its sad, but sometimes you learn how to just be contented with it. :)

    ReplyDelete
  8. No touch No touch

    I admire your self-control

    Meanwhile I want a pair of Tods too

    ReplyDelete
  9. Kaya sa halip na tumingin, pinipilit kong magsumikap para sa oras na makakabili na ako, wala akong panghihinayangan, kasi alam kong kaya ko. :)

    ReplyDelete
  10. Tama! Hanggang tingin lang dapat ading. :D

    ReplyDelete
  11. I miss shopping back home!.. Dito kasi you can find all the brands, and yhe plastic money is just on your pocket. Thing is the high cost of living would stop you from buying. Talagang mag-iisip ka, need ba to o pangporma lang. Here? Even cellphone calls is expensive. You are paying even for your incoming. At di tulad dyan sa pinas, kahit saan pa nanggaling ang tawag pagsinagot mo, ok lang, no charge. Dito pag wala sya sa area mo, long distance charge na yon a ikaw din pagtatawag ganun. Kaya window shopping na nga lang. Hahaha...

    At si kuya, yan ang mura dito minsan libre pa. Boys dito nakakalat, artistahin na sa pinas. Kaya lang sa takot mo sa sakit, tingin ka na lang din. Kung di ka na makatiis at napahawak ka na o kung ano pa man ang gusto mong gawin, daming nakakalat na supot.

    Nice post! Nag-init ako sa elevator... LOL!

    JJRod'z

    ReplyDelete
  12. hanep sa brand nice hehe, mapapasayo rin lahat yan

    ReplyDelete
  13. @the green breaker: thanks gb. pareho pala tayong mahilig mag-window shopping hahaha!

    @lonewolf: haha mahilig sa branded pag window shopping kasi libre haha! thanks papa milch. siyanga pala, anong brand ng undies mo? juk!

    @mr. hush hush: hahaha! yeah, they have nice shirts.

    @kiks: hahaha oo nga!

    @blakrabit: lol! tamaaaa!

    @daniel the jagged little egg: dati mahilig ako sa retail therapy! :)

    @rudeboy: true, rudie. :)

    @nikki: haha! i hear you, nikki. :)

    @bien: lol! hay, ang mahal kasi eh.

    @mugen: ang sipag mo nga mugs! work, raket, fulfilling personal life. sana mahawa ako haha!

    @nimmy: korak ading.

    @jj roa rodriguez: oo nga window shopping na lang para libre. ay ang sarap naman diyan nagkalat ang mga gwapo lol!

    @keatondrunk: sana nga, balang araw hehehe. thanks kd.

    ReplyDelete
  14. minsan mas masarap ang patingin - tingin, pa-sulyap-sulyap.. may thrill.. hihi

    ReplyDelete