![]() |
| click to animate gif |
Medyo late na kaming nakarating na magkakaibigan. Masaya na ang mga tao sa loob, kaya't naisipan naming sumali kaagad at humabol sa kasiyahan. Mabagal sa umpisa. Unti-unti ang iyong pag-usad paakyat. Hindi mo mapapansin. Hangga't nasa itaas ka na pala.
At bigla ka na lang bubulusok. Lilipad. Habang lahat ng bagay, in slow motion. Bigla kang dadagsain ng sari-saring emosyon. Saya. Lungkot. Kilig. Takot. At pagdating sa puntong akala mo'y tapos na ito, muli na namang magsisimula ang lahat. Ipinikit ko ang aking mata at itinaas ang mga kamay.
Nang bumaba'y tagaktak na pala ang aking pawis. Basa mula ulong hanggang paa. Humihingal. Tumingala ako't pinagmasdan ang mga sumasayaw na ilaw. "Fireworks!" ang sabi ko sa barkada. Lahat kami'y napatulala nang nakangiti. Bakas sa mukha ang kasiyahan na dulot ng kapirasong E at K.
gif file from here

Iba talaga ang saya na bigay ng EK.. The magic truly stays with you. :)
ReplyDeletenever pa akong napadpad jan. ang mga kapatid ko, halos taon taon anjan! kawawa naman ako.. :(
ReplyDeletepanalo ang gif, orgasmic effects
ReplyDeletesa December. akin ka enchanted. :D
ReplyDeleteI miss EK! Thanks for bringing me back to yesterday!
ReplyDeleteHave fun my friend!
JJRod'z
Never been to EK layo kasi hehehehe mahal pa gasolina
ReplyDeletebongga talaga ang saya sa ek! kahit di ako nag ri-rides dahil hiluhin ako, nag e-enjoy pa rin ako :)
ReplyDeleteSpace shuttle ba yan sis'. Paborito kong ride yan hehe : )
ReplyDeletedahil sa metaphoric ang mga post mo ser sean.. sa HK disneyland ba yan??? lol o mismong sa EK?
ReplyDeleteheheheh kakaloka space shuttle lalo na pabaligtad... lol