Friday, July 29, 2011

Quits


Nangako siya sa akin. At ako sa kaniya. Na pareho na naming ititigil ang aming nakasanayang bisyo. Nag-imbak pa kami ng Nicotinell (nicotine patch) at Champix (anti-smoking pills) para makatulong sa pag-iwas dito. Alam naming napakahirap, pero sabay naming kakayananin ito.

Matapos ang panandaliang pagkabugnot ay ok na kami. Di na rin limitado ang aming mga date sa lugar na pwedeng manigarilyo. Napakasarap din ng pakiramdam, na ang isa't isa'y inyong inaalagaan. Pinapaalalahanan. Nagtutulungang maging tapat sa mga salitang binitiwan.

Ngunit maraming tukso. At ako'y kumapit sa aming mga pangako. Ang akala ko'y ganun din siya. Hanggang minsang tumulong akong maglinis ng sasakyan niyang nakaparada. Inabot at binuksan ko ang kanyang palad. Sabay bitaw. Sa nakita kong lighter ng Sogo. Pati na rin sa lahat ng kanyang ipinangako.

photo from here

13 comments:

  1. that's sad...

    basta ituloy mo na. naiwasan mo na e. that's good for u. good work!

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. ouch! sa sasakyan nga madalas makakita o mahulihan ng ebidensya.

    may isa akong kaibigan mga tissue paper naman na pinagpunasan ang natagpuan niya.

    ReplyDelete
  3. whoa double whammy.
    masaklap, buti na lang ex-files to.

    ReplyDelete
  4. I dont know what to think if I'm the one who found it. Baka naman may nakaiwan lang.

    ReplyDelete
  5. Bka naman ndi sa kanya yun...


    hmmmmm


    itigil na nga yan smoke...
    walang maidudulot na mabuti yan,sakit lang mapapala...

    anyways

    good morning sean :)

    ReplyDelete
  6. its a good thing na tinigilan na ninyo ang pananagarilyo kasi its bad for your health.

    And oo nga baka di sa kanya yung lighter. Mga smokers talaga nahihirapan sila igiveup yun kasi addicting ang nicotine. ang iba nahihirapan na sa paghinga pero tuloy pa rin sa pagsmosmoke. it really depends sa person

    ReplyDelete
  7. LOL

    mahirap talaga :)

    i wanna quit too kaya aun, baka SOON n lng :D srap kasi lalo n pag mdaming iniisip :)

    ReplyDelete
  8. this reminded me of that movie: He's Just Not That Into You.

    i hope this did not happen in real life. coz if it did, i want that lighter too. ;-)

    ReplyDelete
  9. * sad to hear regarding sa mga evidence *

    Ako rin, hirap na hirap mag-quit mag smoke...

    ReplyDelete
  10. kung gusto niyo pang mabuhay dalawa.. itigil niyo na ang mga yan.. :)

    ReplyDelete